MBML Chaps 31

3.4K 113 1
                                    


- - - - -

" good morning mga par " maaga akong tumayo para makapag luto ng almusal, inaasahan ko ngang gigising ng maaga si timz para magluto pero nahuli ata yun ng gising

" o mukhang good mood ka pare ha? anong ganap " ani sakin ni Kier,

" kagabi kasi mga parr! nagkwentuhan kami ni timmy medyo nung una malungkot ang nakwento nya sa buhay pero ng di kalaunan ay nagbago ang mood naging light ang tanungan hanggang sa ma tanong ko sya kung may chance bang mag kagusto sya sakin at ang sabi nya ay hindi sya tumitingin sa kasarian " tapos nakong lutuin lahat ng dapat almusal
inilapag kuna ang masasarap kong niluto

bread
egg
bacon
champorado
sinangag

" nice pare I'm proud of you dahil buong luwag mong tinangap ang sitwasyon mo kasi kung ako yan pare malaman kong nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki e baka nag hysterical nako sa daan hindi dahil ayoko sa mga bakla sadyang mahirap lang paniwalaan " ani ni Kier habang sumasandok na ng kakainin , nagsilabasan naman na sila Jassy Kevin Trixie teka nasan si timmy

" I think Timmy will leave this house na! lalayas na sya " biglang bumilis yung tibok ng dibdib ko bat may nagawa ba kong ikinasama ng loob nya?

Dali dali akong pumasok sa kwarto nasilayan ko naman si Timmy na nagliligpit ng mga gamit, actually sakin galing ang mga damit nya at iba bang bagay kasi nga nanakawan sya

" hey? kung.....may nasabi man.. o nagawa akong mali please patawarin mo ako hindi ko naman siguro sinasadya iyon....please wag ka ng umalis " humarap sya sakin ng may malaking ngiti sa labi nya

" hindi ako lalayas? anong dahilan ko para layasan kayo na napapakabait nyo sakin, " binuhat nya yung bagahe nya palabas ng kwarto

" e para san yung pagliligpit mo ng damit? " hinatak nya ako papunta sa hapag kainan at pinaupo ako

" bibisita muna ako sa Lola ko habang wala pa namang pasok dahil sa paghahanda para sa school festival kaya naisipan kong puntahan ang Lola ko dito sa pinas sa may tagaytay " ani nya habang kumakain, loko talaga tong Jassy na ito! naging aligaga tuloy ako kanina sa harap ni timz

" asge , pwede bang sumama ako " napablanko ang mukha nya sa sinabi ko, magandang idea to habang nasa tagaytay kaming dalawa ay isasagawa ko ang oplan painlabin ang mukhang babaeng ito

" a...kahit wag na...nakakaistorbo pako at saka diba magiging busy kayo dahil may performance kayo sa pagbubukas ng school festival mas magandang mag ensayo kayo " ani nya sakin, mas gugustuhin kong makama sya sa tagaytay kesa mag ensayo, once in a lifetime lang to pero kahit yung performance namin yun ay magiging huli na kasi magsisi graduate na kami

" sige na timz pagbigyan muna yang batang yan kawawa naman o mukha ng iiyak " sige mga loko papabor pa sakin ang panunukso nyo

" no! wag mo syang pasamahin timmy! " sumingit ang kontrabida Kong kababata

" a...e " hindi tuloy makapag decide si timz ko sa mga suggestion ng mga lokong to

" basta sasama ako timz kahit hindi ka papayag susundan padin kita " napatahimik silang lahat at napatingin sakin na samu't sari ang mga ekspresyon

" nice pare edi kayo na sweet " pang aalaska ni Kier samin

" aa.oo sige na nga " yesssssss!!! napapayag kuna din timz

wala akong sinayang na oras pumasok agad ako sa kwarto at kumuha ng mga gamit na madadala , ng matapos ko ang pagiimpake sinalubong naman ako ni Jassy na bakas sa mukha ang pagkairita

" kuya! everything is wrong! everything! kinakabahan ako hindi lang para sayo pati nadin kay Timmy , " bakas sa mata ni Jassy ang labis na pag aalala pero para San?

" I know what's wrong and right Jassy pero hindi lang talaga ako perpekto kaya napili ko ang mali atsaka wag ka ngang mag aalala hindi bagay sayo " ginulo ko yung buhok nya na labis naman nyang kinainis ang cute nya talaga pag inis sya kaya kung ako Kay Anthony iinisin ko to para lalong kumute

" can you just grow up! nag aala bata ka sa sitwasyon e! hindi kaba natatakot sa pwedeng mangyari pag nalaman ng daddy mo ang kahibangang ito " napangiti naman ako dahil dama ko ang sincerity nya para sa kalagayan ko

" I grew up already Jassy kaya na nga ako nakakagawa ng mali kasi malaki na ako, I know there's a big chance na malalaman ito ni papa pero wala nakong magagawa pinili kuna to e at masaya ako dito, I'm ready to face everything kaya please don't worry about me okay? I'm older enough para pagsabihan pa.. osya aalis na kami " nanlumo naman ang mukha nya

pumasok nako sa kotse at ganun din si Timmy , pinagbuksan naman kami ng gate nila anthony at Kier

" ingat mga Parr " kumaway na sila samin habang nililisan na namin ang lugar

--------------------------

My Bro My Love [ COMPLETE ] *revising*Where stories live. Discover now