UNEDITED

53 9 0
                                    

Pauleen's POV

Masaya kaming kumain ng lunch at nagkuwentuhan sa may cafeteria kanina. Nawindang lang kami sa pag-amin ni Sophia kanina.


FLASHBACK

Napapasarap na kami sa kwentuhan. Kung ano ano na din ang nabubuking dahil sa mga kalokohan namin, bigla namang nalipat ang mainit na usapan kila Phia at Merck

"Maiba tayo guys, magkaano-ano nga pala kayo? *pointing to Phia at Merck* kasi parang napaka close nyong dalawa no? Tapos kilala niya pa si Kim at Eithan." pang-iintriga ni Princess the chismosa.


Napakamot naman sa ulo niya si Merck while si Phia naman is parang napaisip din kung anong isasagot niya. Lahat kami nakatingin sakanila at nag aabang nang sagot. Napapout naman si Phia but eventually, nagsmile.


"Dabarkads, I would like everyone of you to know him formally, So he's Justine Merck Ramos, my bestfriend .." pagpapakilala niya, napa 'ahh' naman kami don pero nagulat kami ng ang sama ng itsura ni Justine tapos parang gulat naman si Kim at Eithan. Teka? Bigdeal ba yon?

"Bestfriend .." paguulit ni Phia na ikinataka namin, nakita namin siya na nakatingin ng nakakaloko kay Merck. 

"Bestfriend sl ..." 

"Oo na! Bestfriend na paulit-ulit?!" medyo inis na sabi ni Merck kay Phia, bigla namang tumawa si Sophia kaya naman lahat talaga kami naguguluhan na. 

"Wait. HAHAHAHAHAHAHA ano kase, HAHAHA. SHEMS!" di naman siya masaya no? Siya lang nakakagets sa mga nangyayari e. Nang humupa na yung tawa niya bigla naman siyang sumeryoso. Talking about crazy? Tss.

"As I was saying he is my bestfriend SLASH boyfriend SLASH ...." nawindang ako sa revelation niya boyfriend? Siya yung boyfriend ni Phia? Siya yung ? OMG. Pero teka

"Slash?" pagtatanong ko, may binanggit pa kasi ulit syang slash e.

"Slash .. wala na! Di pa naman nagpopropose e. HAHAHAHA" ang adik lang nito,

"Pero wait! Did you just say boyfriend?" paglilinaw ni Yanna sakaniya.

"YAP!" cheerful niyang sagot.

"Siya yon? yung kinukwento mo lagi? Yung ayaw mo pang ipakilala sa amin? Siya yung boyfriend mo for more than a year? SIYA YON?" Exaggerated na tanong ni Princess. Napa face palm na lang si Phia sa tinuran ni Princess pero nag nod sya as response.

"O.M.G" sabay na sabi ni Sarah, Princess at Alyanna HAHAHAHAHAHAH Langya. Napangisi naman si Phia sa naging itsura ng tatlo

"O ano, sabi sa inyo pogi e! Starstruck kayo no? HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAH" pangloloko ni Phia sa tatlo. Napapout naman ng sabay sabay sila Princess kaya napahagalpak ng tawa si Phia pati na din kami ni Kim napatawa.

"Kumusta naman daw yon? Si Crush, boyfriend pala ni friend" sabi ni Yanna at umagree naman yung dalawa, that made Phia shut her mouth and glare at Yanna. Natawa kaming lahat sa nangyari. Even Merck laugh out loud. Inirapan naman ni Phia si Yanna

"Che! Lande mo sis, Ivan o!" pagsusumbong ni Phia kay Ivan sabay bato ng bote ng walang laman na tubig kay Yanna.


Our lunch was filled of happiness.



LoveKada (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant