UNEDITED

37 9 0
                                    

Sarah's POV

Kasalukuyan na akong nasa room. Nakaset na kami sa mga proper and real section namin pati seats. Magkatabi kami ni Pauleen na nasa second row while Phia was stick to his chair pero iba na ang katabi while Princess and Paulo was located at the last row. 


Math ang subject namin ngayon at medyo ginaganahan ako dahil madali lang naman ang topic pero di ko maiwasan ang mabagot kaya tumitingin ako malimit sa orasan. Di ko na sya tinititigan kasi mahirap na, baka makita nanaman ako ng teacher ko. Walastik pa man din don. Tska gusto ko ng tanungin si Phia kung ano bang nangyari kanina. Grabe lang kaya yung attention sa kasama niya kanina. 


Maya-maya lang ay biglang tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang klase. Nililigpit ko ang mga gamit ko ng lumapit si Phia sa akin.


"Uy Sarah, una na kayong cafeteria ha? Punta muna kong garden, inaantok ako e, vacant naman tayo after ng lunch diba? Sunod na lang ako." pagpapaliwanag niya. tinanguan ko lang sya at pinagpatuloy na ang pag aayos ng gamit ko. Maya-maya lang din ay bumalik si Phia ng room at tumigil sa harap ko.

"O bakit?" pagtataka ko.

"Pakisabay nyo naman si Justine sa cafeteria. Sabay nyo ng maglunch. You know, wala pang close yan dito e. Ge" akmang aalis na siya pero pinigilan ko din naman

"Hala! Di din naman namin close yan e." Pag angal ko sakaniya.

"Kim and Eithan knows him. Kayo ng bahala. SIge alis na ko." then she walked very fast. Ano ba naman yan.


Napalingon naman ako sa pwesto niya at napansin na wala siya sa sarili niya. Dumating na sa puwesto ko sila Pauleen at Cholo. Aalis na sana kami para mag puntang cafeteria pero naalala ko ang bilin ni Sophia kaya naman lumapit muna ko sakaniya. Medyo nagulat pa nga yung tatlo e. Lumapit ako sa pwesto niya. Halatang di niya pa ko napapansin kaya nagsalita na ako.


"Uy hello, nga pala sabay ka na daw samin maglunch sabi ni Sophia" panimula kong sabi sakaniya ng may halo pang ngiti. Halata namang nagulat siya dahil napabalikwas siya bigla. Hehe sorry kowya. 

"Uy, hala pasensya na. Ano nga ulit yon?" tanong niya sabay kamot sa may batok niya na may ngiti. ACHUCHU POGI. XD

"Ano, sabi ni Phia sabay ka na daw samin maglunch." sagot ko

"Ah ganun ba? Asan siya?" tanong niya at lumingon lingon pa sa room

"Wala e, di ko alam. pero susunod na lang daw siya"

"Ah sige, hanapin ko na lang una na kayo. Salamat sa alok" tapos inayos na niya ang gamit niya at lalabas na sana ng room ng sumigaw ako

"HALA SANDALI! SUMABAY KA NA SA AMIN, MALALAGOT AKO DUN PAG DI NASUNOD YUN, KABILIN-BILINAN KA NIYA SA AKIN E. KAYA SIGE NA! MAAWA KA NAMAN SAKIN KUYA!" T.T Kalerki, mas gusto ko na tong magmukhang tanga kesa naman ang harapin ang inis ni Phia. Nagulat ako ng tumawa siya. Ay o, ang gwapoooo :">  kaano-ano kaya ni Phia to? hanggang ngayon kasi di pa namin alam e. OO DI PA TALAGA.

"Silly *laugh* ganon na ba talaga siya nakakatakot?" sabay tawa niya ulit tapos nagyakag na sa cafeteria. Swerte lang at libre na daw niya ko ng lunch. Ahihi landeee mo Sarah.

Sabay sabay naman na kaming naglakad papuntang cafeteria at syempre mga nagsipagkilala muna kami. Ang halay lang kase no? Magkakasama pero di mga kilala. XD

LoveKada (ON-GOING)Where stories live. Discover now