Chapter 2

65 8 0
                                    

Sarah's POV

**AT Diamond Academy

Bakit kaya napakatagal. Ubod ng tagal. Kaninang kanina pa. Ayan na .. konti pa, konti na lang. pero ang tagal talaga e T.T

Kasalukuyan akong nakatingin sa orasan, orasang napaka bagal,

"nakakairita."

"At sinong nakakairita Ms.Santos?" huh?!

"Ay Ms.Santos! Po Ma'am?" napatingin ako sakaniya na unti unting umaarko ang kilay at sa paligid na puro nakangising mga tao na nagsasabing

"Thankyou so much Sarah, binuhay mo ang diwa namin sa boring na subject na to." nagulat na lang ako ng humagalpak AS IN ng tawa ang mga classmate ko pati na din ang mga tropa ko na malapit lang sa kinauupuan ko

Nang mapatingin sila sakin ay pinandilatan ko sila ng mga mata at tinaasan din ng kilay pero nawala din yon ng madako ang tingin ko sa umuusok na mga ilong ng teacher ko na namumula na sa galit. NOW, WHAT? T.T

"ANO.NGA.ULIT.YUNG.SINASABI MO?!" pasigaw na tanong niya sakin kaya naman kinakabahan na talaga ako ng bongga. NAMAN E!! gusting gusto ko nang lumabas ng room. Hiyang hiya na ko T.T napatungo na lang ako sa sobrang hiya. Naririnig ko pa yung katabi ko na nagpipigil ng tawa. Sarap sapukin. Shems.

Napatingin ulit ako sa unahan kung saan naghihintay ang teacher kong galit na galit na sa sagot ko. I'm doomed, literally speaking. Ang heavy ng atmosphere sa loob ng room kahit na tumatawa yung iba T.T

"Ah, e, ano Ma'am. Ano po kasi --" sagot ko ng pautal-utal. Isang bagay lang ang gusto kong marinig sa mga oras na ito and as if on cue, bigla na lang tumunog ang bell. T.T

*RINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG*

napasuntok ako bigla sa hangin sa sobrang tuwa. Saveby the bell. Nakangiti ako ng bongga pero nung tumingin nanaman ako sa unahan agad ding naglaho A.S.A.P yung ngiti ko >.> 

"Hindi pa tayo tapos Ms.Santos,mag-uusap pa tayo, class dismissed!" padabog na lumabas si Ma'am sa loob ng room habang naka peace ako  sakaniya. Nakahinga ako ng maluwag ng unti unti kong natatanaw ang malayo niyang pigura.

Isang bonggang buntong hininga ang pinakawalan ko na nagging cause ng tawanan ng mga natitirang tao sa room.

"Laughtrip ka Sarah!" sabay hagalpak ni Kim na nakahawak pa sa tiyan niya. Nako naman o,

"Yari ka kay ma'am bukas, masyiado mo kasing pinakatitigan ang orasan e. Napaghahalataan tapos kung ano ano pa sinasabi HAHA" Leshe lang, umayuda pa to si Princess. Obviously speaking, nasabi ko din ng malakas yung ginising ang diwa blah blah kaya mas lalong nagalit si Ma'am

"Ewan sa inyo! tara na ngang cafeteria. Gutom na ko, vacant naman na tayo diba?" pagiiba kong topic. Naiinis pa din kasi ako sa kagagahan ko kanina. T.T

"Oo nga pala, vacant tayo. Teka, nakalimutan kong itext si Phia. Wait! tsaka nga pala una na ko, sunod na lang ako sa inyo, daan muna kong lib. may kukunin lang. Babye!" paalam ni Kim na nagmamadali sa pag alis. Ay sus, may kikitain lang talaga yon. Hahaha

"Onga no, wala pa pala si Phia, ba't kaya?" tanong ni Yanna samin. Aba, onga no? Sobra naman sa pagka late yun. Nagkibit balikat na lang ako habang natatawa. Bakit? Kasi nadivert na agad yung atensyon nila sa iba.Wala na sa kagagahan ko kanina *victorious smile*

"Pati si Pauleen wala pa din. Anyare sa dalawa?" Ay. Onga galing ni Cess, pati si Pau wala. BUT WAIT!

"Ba't sakin nyo tinatanong e tayo-tayo ang magkakasama. Yung totoo?" tanong ko sakanila. Nagkibit-balikat lang sila at naglakad na. Bastusan, di man lang ako hinila or what. Hiyang hiya naman ang Friday ko sakanila. Tch

LoveKada (ON-GOING)Where stories live. Discover now