"Well, I deserved it." Sabi ni Jason.

"Yun lang ba ang kailangan mo, Jason?" tanong ko. Pakiramdam ko kasi, he's holding something back.

Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at hinawakan yon ng mahigpit tapos tiningnan niya ako, mata sa mata. Woah, woah, wait.

"Serena... I know I've been a jerk, but I want to make it up again. Let me have you back... I want you back with me." bigla niyang sabi na mas lalong ikinagulat ko. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. I saw him widen his eyes in surprise.

"Jason... pinapatawad na kita, okay. Pero... hindi ko magagawang bumalik sa'yo. I... I am in love with somebody else." Mahina kong sabi. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"Yeah... I guess I'm too late." Bulong niya. I gave him a reassuring smile. "You know, we can still be friends... and I really need one right now." Sabi ko. Ngumiti naman si Jason.

"Why? May problema ka ba?" tanong niya. I hesitated at first, pero hindi naman siguro masama magsabi sa kanya.

"Well, I have this boyfriend and we're in a relationship... different kind of relationship. Ayos naman kami, pero... hindi ko alam kung paano ko ikukwento 'to ng maayos..." sabi ko.

"You can tell me about it, Serena. I'm your friend, been an ex... you can trust me." Jason said reassuringly.

"Hay. Eh kasi, hindi kami normal na couple. Walang I love you's. Eh nung nakaraan, we went to Republiq with my friends, sila K, tapos nalasing ako and then I blurted out that I love him. Eh nalimutan ko yon, tapos ikinagagalit niya na kinalimutan ko. Hindi ko nga maintindihan e." sabi ko.

Tumango tango naman si Jason. "Eh pa'no mo naalala?"

"I listened to some music. Bigla ko na lang naalala. Ngayon nga nag-absent ako, kasi di ko alam kung anong gagawin ko."

"Well, you went to the right person. Tara, I'll make you happy today. Isipin mong ako ang fairy godfather mo." Sabi ni Jason tapos tumayo. Umiling na lang ako at ngumiti sabay tumayo na din at naunang lumakad palabas ng Starbucks. Maybe this was a good decision, after all.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Unang dinala ako ni Jason sa department store at mga fashion stores. Sabi niya, kunin ko lang ang gusto kong kunin tapos libre niya na yon sakin. Tumanggi ako nung una, dahil nahihiya naman ako, pero pinilit niya ako kaya I gave in. Bumili ako ng damit at dress, pati sapatos.

Sunod naman, dinala niya ko sa arcade. Sa Timezone tapos World Of Fun. Naglaro kami ng naglaro. Hindi ko matatanggi na nag-eenjoy ako kasama si Jason. Nawala rin kahit paano ang anxiety na nararamdaman ko dahil sa nangyayari samin ni Damon. Anyway, nagkaraoke din kaming dalawa.

At nung kakain naman na kami, dinala niya ako sa isang buffet restaurant. Kumain lang ako ng kumain. Ganito kasi ako pag may problema, gusto lang kumain ng kumain hanggang sa mabusog. Tapos pag gutom uli, kain ulit! Hindi naman nagrereklamo o ano si Jason sa akin. In fact, hinahayaan lang niya ako. Napansin kong nagbago na siya, at masaya ako para sa kanya. Napansin ko ding natatandaan pa niya ang mga kinahihiligan at ayaw ko.

We spent the whole day like we did before. Masaya ako sa nangyari ngayong araw. Nagpasalamat ako ng bongga kay Jason. Ngumiti lang siya nung nagpasalamat ako at nagsabi na deserve ko naman daw ang ginawa niya. Hindi ko rin naman matatanggi yon. I really deserve some pampering.

Papunta na kami ngayon sa condo ko, 7:30PM na. Ang tagal diba? He insisted on taking me to my condo, dahil delikado na nga kapag gabi. Lalo na at babae ako, mahirap na ung magtaxi mag-isa pauwi. Meron na kasing laganap na mga gagong taxi driver. Kung hindi rapist, holdaper, o kaya kurakot.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now