The Plans She Has in Mind

Start from the beginning
                                    

"Weh?"

"Namumula tenga mo"

"'Di naman"

"You're smiling like an idiot"

"Ikaw kaya 'yon"

"In love ako sayo e"

Okay, natahimik na ako. Kinikilig ako e. Corny pero nakakakilig, kay Rath galing e.

"I love you, my Tori. I have to go. Tawagan nalang kita mamaya. Pahinga ka muna ha, I know na-stress ka maghapon. I love you." sabi ni Rath

I pouted my lips as if I am kissing him. "I love you more, my Rathata. Take care okay?"

"I will. I love you." he said then he hangs up.

Iniligpit ko na ang laptop ko ang komportable nang humiga.

Actually, gusto kong umuwi na si Rath para makauwi na din ako sa bahay. Gusto kasi ni Rath na dito nalang ako sa VT matulog habang wala pa siya. Mas ligtas daw kasi ako dito.

Dito kasi sa VT, 24/7 ang higpit ng security. Kasama ko din sina James at Helga. Bulletproof din ang lahat ng salamin dito at lahat ng pwedeng entry ay mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ni James.

We're fully aware na mas lalong madami ang nagtatangka sa buhay ko ngayon dahil nadagdagan na naman ang kaaway ko. Idagdag pa na hindi pa rin nakikita si Patrice. Mula nang umalis si Rath, isang beses palang akong nakakalabas ng VT, n'ong kumuha lang ako ng mga gamit sa bahay.

*

Inayos ko na ang kumot ko at mahigpit na akong yumakap sa unan, Breth's pillow to be exact. It still has his scent and I feel like I am hugging him.

Tahimik na naman akong umiyak at nangulila sa anak ko.

"Breth, baby, mommy miss you so much. I love you." lumuluhang sabi ko.

Palagi naman akong ganito, nagsasalita ako na parang kausap ko ang anak ko.

Alam ko naman na kailangan kong tanggapin na wala na si Breth dahil makakasama sa baby sa sinapupunan ko. Pero hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng lungkot at pangungulila.

I rub my tummy.

"Baby, five months and one week ka na ngayon. Mommy loves you so much. Pati si daddy love ka din. Kaya kapit ka lang baby ha, bear with mommy a little more, nami-miss ko lang si kuya."

Nakatulog na naman ako ng umiiyak.

*

Kinabukasan, maagang dumating si Lisa. Madami kaming dapat asikasuhin.

"Good morning, Miss Tori, you have an important appointment with Mr. Evangelista of MultiTowers at eight." Lisa urgently informed me the moment she stepped inside my office.

"Lisa, drop all the connections with the MultiTowers, I don't want to work with them." I coldly said.

"But..." tututol pa si Lisa.

"No more buts. FE won't have any connection with them." I said with finality.

MultiTowers is one of the top engineering companies in the country. They are suggesting a merge with my company. They are willing to give me all the control over the business. The owner simply wants a retirement; sadly his only son wasn't interested in the business. So for the company to stay on track, he wants to merge it with FE.

It will be a win-win situation. Having the MultiTowers under my company, I will surely be on top. Mababaliwala na lahat ng negative issues about me. Makilala din ang FE di lang sa bansa kundi maging sa buong Asya. At kapag ako na ang may hawak ng mga negosyo ni Mr. Evangelista, madali ko nang mamamanipula ang lahat ng bagay. My companies will benefit from the merge.

Persevered HeartsWhere stories live. Discover now