The Plans She Has in Mind

17.1K 388 6
                                    

Tori

"Hi, miss" nakangiting bati ni Rath.

Nandito ako ngayon sa private room ko sa opisina. Tulad ng sinabi ni James, dito na ako sa VT nakatira.

Kakaligo ko lang at nakahiga na ako ngayon sa kama nang tumawag si Rath.

Ready na siya para sa meeting niya.

I smile sweetly at him. "I miss you" malungkot kong sabi

Napabuntong hininga naman siya. "I miss you more. Two days from now uuwi na talaga ako. Lumalaki na ang baby natin, at gusto ko, this time, nasa tabi mo na ako at aalagaan ko kayo ng baby." I sense regret in his voice.

Hangang ngayon ay si Breth parin ang nasa isip namin. Natahimik kami pareho.

Kahit anong tagumpay naming sa negosyo, kahit gaano pa kami kayaman, kahit gaano kami kagaling... hindi na namin maibabalik pa ang anak namin.

"I... I'm sorry" malungkot na sabi ni Rath.

Matamlay na ngumiti ako sa kanya. "I miss him." naiyak na naman ako.

Gabi-gabi nalang ganito kami. Hindi namin maiwasan na banggitin ang anak namin. At kapag nababanggit si Breth ay napupuno kami ng kalungkutan.

I admit it to myself na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap. Ayokong tanggapin na wala na ang anak ko.

"Uuwi na ako bukas" sabi ni Rath makalipas ang mahabang katahimikan.

"Huh?" narinig ko naman kaya lang hindi ako makapaniwala. Excited ako dahil miss na miss ko na siya pero nagulat ako dahil supposedly ay next week pa siya dapat umuwi.

"Uwi na ko bukas. 'Di ko na kaya na malayo pa sa'yo. Nag-aalala din ako sa kaligtasan mo. At alam ko naman na kailangan niyo ako ng baby natin."

"How about your business there?" alanganing tanong ko

Sumimangot siya. "The transaction will be over this afternoon. Magpipirmahan na kami ng kontrata mamaya ni Mr. Alvarez."

"Sigurado ka na ba sa kanya?"

"Yep. Just trust me, okay?" iritang sabi niya.

I smile. "I trust you with my life, my Rathata. I just don't want you to pressure yourself."

He smile. Aba bipolar na yata ang asawa ko!

"I love you, my Tori. I got to go so I can get over and done with it para makauwi na ako. Lagot ka sakin pag uwi ko.." he smirk

I match his grin. "Sa pagkakatanda ko, good for a year ang pabaon ko sayo, nakaka three months ka palang kaya may nine months pa..."

"You can't do that to me! You naughty girl!"

Napahalakhak naman ako. Nakakaaliw talaga ang asawa ko

"Sige tawanan mo pa ako, tignan natin kung makakatawa ka pa kapag sinimulan na kita." inis na sabi niya.

"Kailan ka pa naging pervert?" nakangising sabi ko

"Since birth, my dear wife" nakangisi na din niyang sabi.

"Baliw ka talaga."

"Baliw sa yo"

"Corny mo"

"Kilig ka naman"

"'Di kaya"

"Oo kaya"

Persevered HeartsWhere stories live. Discover now