The Bad News

18.4K 360 12
                                    

Mico


"Ano ba Mico, nahihilo na ako sayo ha!" reklamo ni Helga.

Kanina pa ako palakad-lakad nang pabalik-balik sa loob ng kwarto ko.

"Ano bang dapat kong gawin?!" frustrated na sabi ko

Binato ako ni Helga ng unan na nasa couch na kinauupan niya.

"Ano ba?!" inis na bulyaw ko sa kanya.

"Para ka naman kasing g*go e. Hinihilo mo lang ako. Sabihin mo na kay Miss Victoria para makaisip na siya ng bagong iuutos sayo." inis na sabi niya

I sigh and sit beside her at the couch. "Ayon nga ang problema ko e, ayokong sabihin kay Tori dahil gusto na maayos ko na muna to bago niya malaman para hindi na siya mag-alala." nag-aalalang sabi ko.

Alam ko na napakasaya ni Tori ngayon dahil gising na si Breth. I don't want to spoil the moment. That's the last thing she needs right now.

"Bakit ba kasi ayaw tantanan si Tori ng mga problema?!" naiinis na sabi ko. Nai-stress na ako sa mga problema ni Tori. Pero hindi k naman kayang pabayaan si Tori.

Pinitik ni Helga ang noo ko. "Alam mo, hindi yan ibibigay sa kanya kung hindi niya kaya. Saka madami namang nakaalalay sa kanya sa mga problema niya. Kung tutuusin nga maswerte pa rin siya." masungit na sabi niya

"Maswerte ba yung naaksidente ang anak?" papilosopo na sabi ko

Sumimangot siya kinurot niya ang braso ko at pinitik ang noo ko. Masakit siya mamitik pero hindi ako makaganti. "What I mean is... Look, n'ong iniwan niya si Rath nakilala naman niya si Clement na tumulong sa kanya makapagsimula. Ngayong naaksidente ang anak niya, nandyan na ulit si Rath para dumamay sa kanya. Sa kaso naman ng kapatid niya, nandyan ka para umasikaso n'on at sa pamamahala ng kompanya ay tumutulong si Clement. Maswerte pa rin siya dahil nandiyan ang mga taong handang tumulong sa kanya." naiinis na paliwanag niya.

I sighed. Naiintindihan ko naman siya.

Tumayo na siya. "Sabihin mo na sa kanya." ayun lang ang sinabi niya at lumabas na ng silid.

I get my phone from my pocket. Tatawagan ko na si Tori. Hindi natuloy ang pagpunta ko kahapon sa ospital dahil sa masamang balitang natanggap ko at inasikaso ko muna 'yon.

I dial her number. Matagal din nag-ring bago may sumagot

"Hello?" inaantok na boses ni Rath ang sumagot.

"Rath, pare, si Tori?" tanong ko

"Good morning din." he chuckled. Tumikhim siya. "Tulog pa si Tori. Ang aga naman kasi, James."

I glance at the clock on the wall. 5:52 am, maaga pa nga.

"Sorry pare, importante lang kasi." sabi ko.

"Sige, sandali gigisingin ko lang si Tori. Papatawagin ko nalang sayo" at ibinaba na niya ang tawag

After a few minutes ay nag-ring ang phone ko.

Tori's calling...

"Hello" business-like ang boses ko

"Good morning, JAmes." masiglang bati ni Tori.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang puyat ko sa kaalamang masaya ang mahal ko. Ang corny, kainis.

Napangiti ako. "Good morning din" sinikap kong wag maging malambing ang tono ko.

Persevered HeartsWhere stories live. Discover now