The Thing He Feared the Most

21.5K 517 19
                                    

Rath


"Bro, slow a little. Baka tayo naman ang mapahamak." kinakabahang wika ni James na nakaupo sa passenger seat.


Hindi ko siya pinansin at lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo. Wala akong pwedeng sayanging oras. Nasa panganib ang mag-ina ko.


Natatanaw ko na ang site. Mas tumindi ang kaba na nararamdaman ko.


I swear I could kill kapag may hindi magandang nangyari.

"Rath, may mga pulis nang humahabol sa atin." babala pa ni James.


Hindi parin ako nagkomento. Kinakain na ako ng matinding takot. Takot para sa kaligtasan ng mag-ina ko.


Patawarin ako ng Diyos pero baka mapatay ko si Patrice kapag may nangyaring hindi maganda kay Tori at kay Breth


Malapit na kami sa site at patuloy pa rin sa paghabol ang mga pulis.


Saktong pagdating namin sa harapan ng ginagawang building ay humarurot palayo ang pulang Ferrari. Ang sasakyan ni Tori!


Gusto ko na habulin ang kotse pero may kung ano na nag-uudyok sa akin na tignan ang lugar. Kinakain na talaga ako ng takot at kaba.


Nabigla ang pagtapak ko sa preno kaya nasubsob pa ako sa manibela dahil hindi ko na naikabit ang seatbelt. Hindi ko na ininda ang sakit at nagmamadali na akong bumaba ng kotse.


Tinakbo ko na ang papasok sa gusali. I froze when I saw Patrice holding Rian's body. She's humming while caressing Rian's hair.


Lumapit pa ako sa kanila. Nakasunod sa akin si James at patuloy sa pagsasabi ng kung ano sa akin. Parang may pumipiga sa puso ko nang makita kong basang-basa ng dugo ang kamay ni Patrice na humahagod sa buhok ng bata. At ang ulo ni Rian ay puno ng dugo!


"What the hell?!" gulilat na sambit ni James at napatalikod.


Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Mas lumapit pa ako sa kanila.


"Anong nangyari dito?" malakas na sigaw ng pulis na humabol sa akin.


"What did you do?" tulalang sabi ko kay Patrice at nakatitig lang ako sa mukha ni Rian. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Mag-pipitong taon palang si Rian. 


Ang kawawang si Rian...


Napuno ng pagkamuhi ang puso ko para kay Patrice. "What did you do to h-her?" hindi ko na napigilan ang pagluha. May namumuong bara sa aking lalamunan.


Hindi niya ko sinagot at nagpatuloy lang sa pag-hum.


"Boss, pwede bang tumawag muna kayo sa pinakamalapit na presinto?" naulinigan ko pang sabi ni James sa pulis.


Persevered HeartsWhere stories live. Discover now