CHAPTER 74

352K 8K 348
                                    

FRITS'S P.O.V.

Kakatapos ko lang kausapin si Mom. Natutuwa ako sa naging takbo ng plano ko. Siguradong magugulat si Ally sa makikita niya. Pinaghandaan ko talaga ito mula pa kagabi.

"Mom, pwede po bang pumasok sa loob ng kwarto niyo?" Tawag ko kay Mommy. Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng kwarto ni Mommy.

Nakunot ang noo ni Mommy habang nakatingin siya sa'kin.

"Anong problema mo anak?"

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Mommy. Saglit kong sinipat ang kwarto niya. Naroon ang mga pictures namin tatlo. Nakadikit din sa dingding ang malaking larawan nila ni Daddy no'ng ikinasal sila. At nakadikit din sa dingding ang malaking larawan ko no'ng Baby pa ako.

"Mom, i need your help."

Tumabi sa'kin si Mama sa pagkakaupo.

"Help? For what?"

"Gusto kong surpresahin si Ally."

"Bakit? Anong meron?"

Tinitigan ko si Mommy. "Gusto ko siyang makitang masaya. Gusto ko siyang supresahin. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal."

Ngumiti si Mommy sa'kin. Tapos ginulo ang buhok ko.

"Ikaw talaga anak, binata ka na nga talaga."

"Mom, naman eh, wag niyo pong gulihin ang buhok ko."

"Sige pumapayag na ako. Ano ba ang gagawin ko?" Excited na tanong ni Mom.

"Libangin niyo po siya Mom. Habang inihahanda ko ang surprise ko sa kanya. Sigurado po kasing magtataka si Ally kapag hindi niya ako nakikita at hindi ako makakapagtext sa kanya."

"Ano ba'ng surpresa ang gagawin mo anak?"

"Sorry Mom. Pero secret muna iyon, basta po tulungan niyo ako."

"Sige, basta kung anoman 'yan! Sana maging masaya kayo diyan."

Tumango ako. "Thank you Mom."

Tapos lumabas na ako ng kwarto.
Sunod kong kina-usap si Yaya Chedeng, agad naman siyang pumayag sa plano ko ang sabi lang ni Yaya. Kung saan daw ako masaya suportahan daw niya ako."

Napangiti ako ng nakikiayon ang lahat sa'kin.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa nangyari kagabi ng Biglang Tumunog ang Cellphone ko. Si Manong Teroy ang tumatawag ang driver namin.

"Senyorito Frits, malapit na po kami diyan sa loob ng Resort ni Senyorita Ally."

"Okay sige po salamat."

Muli kong sinipat ang itsura ko sa salamin. Tapos lumabas na ako. Upang salubungin ang babaing pinakamamahal ko.

***

ALLY'S P.O.V.

Bigla akong naalimpungatan nang makarinig ako ng malakas na paghampas ng alon. Kinabahan ako ng hindi ko makita si Manong Teroy. Madilim ang paligid. At hindi pamilyar sa'kin ang lugar.

"Manong Teroy!" Sigaw ko. Ngunit walang Manong Teroy na tumugon sa'kin. Hinanap ko ang bag at cellphone ko ngunit wala ang mga iyon.

"Nasaan ang mga gamit ko? Baka kinidnap ako. Tapos si Manong Teroy pinatay nila? Oh, God! Wag naman po sana."

Lumabas ako ng kotse at napahalukipkip ako sa sobrang lamig. Sobrang lamig kasi ng hangin samahan mo pa ang katahimikan na tanging paghampas lang ng alon at ang mga kuliglig ang tanging maririnig mo, Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Napansin kong nasa isang resort ako. kahit isang tao wala akong nakita. Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Naglakad-lakad ako. Hanggang sa may matanaw ako na ilaw. Kulang na lang tumakbo ako ng sobrang bilis dahil sa takot. Habang papalapit ako nang papalapit. Lalo kong nakikita ang liwanag. Saglit akong huminto ng mapansin kong isa-isang umiilaw sa dadaanan ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon