Part 22

158 5 0
                                    

"Pangasinan?" Nagtatakang tanong ni Remedios kay Marie nang dumating ito sa bahay ni Samantha at ipinagpaalam niya na isasama niya ang kaibigan sa Pangasinan.

"Yea po Mommy Remz. Sa Pangasinan po. Two days lang naman po iyun saka sayang din po kasi yung chance na mas makilala pa yung galing nitong kaibigan ko sa pagbi-bake. Marami po kasing mga food bloggers ang a-attend ng event. "

Tinapunan ni Samantha  si Marie  ng tingin. Kung kinakabahan man ang kaibigan ay hindi nito iyun ipinahalata. In fact ay very convincing pa nga ang pag-arte nito na parang totoong-totoo. That's what makes her proud of her friend. Sana lang ay makumbinsi nga nito ang kanyang ina na payagan siyang umalis.

"Sa akin ay wala namang problema. Ang makapagdedesisyon lang niyan ay si Sam. " binalingan nito ang anak.

Medyo nagliwanag naman ang mukha ni Samantha sa narinig. Pero hindi niya ipinahalata sa ina ang lihim na tuwa.

"Gusto mo ba ?" Tanong pa nito sa kanya.

"O-opo. Sana. "

"Yun naman pala eh. Di walang problema. Sumama ka kay Marie sa Pangasinan. Ako na ang bahala kay Santi at sa bahay. "

"Thanks Ma. " sambit ni Samantha na hindi na napigilan ang sariling mapangiti sabay sulyap kay Marie na noon ay napa-rolled eyes pa.

"Sabihan mo rin ang asawa mo ha. Para alam din niya at hindi siya mag-alala. " dagdag pa ng Mama niya.

Natigilan si Samantha. Bakit ba hindi niya naisip si Mark? Kailangan pa pala niyang magpaalam dito. Kung tutuusin ay pwede naman ng hindi niya gawin iyun. Wala naman ito. Kaso iniisip niyang sooner ay malalaman din nito. Minsan kasi ay tumatawag din ito mismo sa kanyang Mama para mangamusta.

"Ako na po ang bahala kay Mark, Ma. Sasabihan ko po siya mamaya. "

"Okay. " nagkibit-balikat ito. "Kelan naman ang alis niyo?"

Nagkatinginan sina Marie at Samantha.

"Bukas po. " aniya.

"O siya, ihanda mo na yung nga kakailanganin mo para bukas. Yung recipes mo? Alam mo na ba kung anong mga ibi-bake mo doon?"

Sandaling nag-isip si Samantha.

"Uhm, opo. Alam ko na lahat. Nag-prepare na rin ako ng bago kong experiment. "

"Mabuti naman kung ganun. O siya, maiwan ko muna kayong dalawa. Paikutin ko lang uli yung washing machine sa likod. "

Tumayo na ang kanyang Mama sa sofa at naiwan silang dalawa ni Marie.

"Girl, thank you ha?" Binalingan ni Samantha ang kaibigan. Hininaan niya rin ang boses upang hindi sila marinig ng kanyang Mama kung sakali.

"Ay, naku. Siguraduhin mo lang na dalawang araw lang kayo doon ha? Dahil kung hindi ay mayayari talaga tayo. " nakairap pa ring wika ni Marie sa kanya. Bagay na ikinangiti ni Samantha. Kahit naman kasi alam niyang against si Marie sa gagawin ay tinulungan pa rin siya nito.

"Oo girl. Promise. "

"At saka yang si Lloyd ha? Gusto ko muna siyang kausapin bago kayo umalis. Gusto kong linawin sa kanya ang mga bagay-bagay. "

Marahang tumango si Samantha. Nakangiti. Ngayon lang niya kasi naramdaman ang pagiging strict at overprotective ni Marie. Sa kanilang tatlo ay ito ang may pagkaisip-bata at palagi nilang pinagsasabihan. Pero ngayon, ito naman ang gumagawa niyon kay Samantha. Naisip tuloy niya na minsan, masarap din palang gumawa ng mali upang makita niya kung sino ba talaga ang mga may malasakit na itama ka, at protektahan ka.

One Summer DayWhere stories live. Discover now