Part 5

300 6 0
                                    

Summer with friends - and new found friends wasn't actually bad. Iyan ang nasa isip ni Samantha habang pinapanood sina John at Michelle na masayang nagsasabuyan ng tubig habang nakalublob sa dagat. At si Marie naman ay masayang kinukuhaan ng video si Santi habang tinuturuan ito ni Lloyd na lumangoy.

Surfing was out of their activities that time. Wala naman kasing malalaking waves para makapag-surf - according to Lloyd. Kung kaya ay nagkasundo na lang silang lahat na mag-lunoy sa dagat. It's still early in the morning and after they had their breakfast kanina ay sabay-sabay silang nagtungo sa tabing dagat.

Kasabay din nilang nag-almusal si Lloyd kanina. He's already wearing his board shorts and blue muscle shirts nang dumating ito sa kanilang inn which later on ay hinubad na din nito nung nag-start na silang nag-swimming.

Nung una ay medyo distracted si Samantha every time na napapatingin siya sa masculine body ni Lloyd. Hindi siya fan ng mga pang-Supermodel na katawan, pero sadyang malakas talaga ang hatak ng appeal ni Lloyd kung bakit siya napapatingin dito - which is hindi dapat, aniya.

She's married and it's not right to looked at the other guy's body. She reminded herself. But, she just couldn't help it. And every time na napapatingin siya dito ay hindi niya maiwasang makadama ng hiya sa sarili.

It's not right. It's not proper.

Napukaw lang ang kanyang atensyon nang narinig niya ang malakas na pag-cheer ni Marie habang tuwang-tuwa naman si Lloyd na hinayaan ng lumangoy si Santino mag-isa.

Nakakalangoy na si Santi. Sa loob-loob niya. Hindi siya makapaniwalang ganun kabilis matuto ang anak niya sa paglangoy.

Lloyd must be a good trainer. Aniya.

Agad ding sinalo ni Lloyd ang bata nang kapusin na ito ng paghinga. Kinabahan si Samantha nang makita ang anak na lumubog sa tubig ngunit agad ding nakahinga ng maluwag nang iahon ito ni Lloyd at nakitang nakatawa pa ang anak. Hindi na natatakot si Santino sa tubig. Halatang tuwang-tuwa sa bagong experience. Naghiyawan sina John at Michelle nang makita ang naging paglangoy ni Santino.

"Ang galing naman ng baby namin! Marunong na siyang magswim!" Ani Marie na patuloy pa rin sa pagkuha ng video.

Ipinasan ni Lloyd si Santi sa kanyang balikat at di sinasadyang napatingin sa kinatatayuan ni Samantha.

Kumaway lang si Samantha sa anak. Then, nginitian si Lloyd. He smiled back at her.

"Mommy! I can swim na! D'you see me?" Sigaw ni Santi sa kanya

"I know baby! I saw you!"

"Let's swim Mommy! Superman will teach you too!"

Natigilan si Samantha. Napatingin kay Lloyd na noon ay nakatawa sa kanya. Lumitaw na naman tuloy ang dimples nito.

"No baby it's okay! I'm fine here-"

Laking gulat ni Samantha nang lapitan siya ni Marie at hilahin siya papunta sa dagat. Nagpumiglas siya.

"Girl ayoko. " mahina niyang wika sa kaibigan.

"C'mon girl. We're going back to Manila tomorrow. Let's enjoy our last day here okay?"

"Come on Sam!" Sigaw nina John at Michelle sa kanya.

"Mommy!" Si Santi naman. Halatang excited.

Pagtingin niya kay Lloyd ay nginitian lang siya nito. Tila sinasabing wala siyang dapat ikatakot. Na para bang sinasabi nito na kung si Santino nga ay nagawa niya, siya pa kaya?

One Summer DayWhere stories live. Discover now