Part 7

176 5 0
                                    

"What? Si Lloyd ang teacher ni Santi?"

Hindi makapaniwang tanong ni Marie kay Samantha.

Katatapos lang magsimba nina Samantha kasama ang ina at anak na si Santino nang araw na iyun at noon nga ay nagkita-kita silang tatlong magkakaibigan sa isang coffee shop sa SM North Edsa habang ang kanyang ina naman ay sinamahan  ang anak sa Quantum sa third floor ng mall.

"Yup. " tipid na sagot ni Samantha dito saka sumimsim sa kanyang cup.

"Oh my gosh. What a small world. " bulalas ni Marie.

"Well, at least magiging madali para kay Santi ang pagpasok sa school since, you know Lloyd is there. Knowing how much our little Santi likes him. "

Nginitian lang ni Samantha ang mga ito. Hindi lang niya masabi na hindi lang naging madali para kay Santino ang maging teacher nito si Lloyd kundi pati na rin sa kanya. Dahil napansin niya na wala ng masyadong tantrums ang anak mula nung mag-aral na ito. Napapansin din niya na talagang willing na itong matuto dahil nga sa inspired ito kay Lloyd.

"Hey, what's with that smile huh? Parang may gusto kang sabihin ha." si Marie. Halatang nanunudyo na naman sa kanya.

"W-What smile?" Maang ni Samantha dito. Though alam na niya saan na naman papunta ang kanilang usapan.

"Yung smile mo kanina. "

"Girl, I wasn't smiling. "

"Yes you were smiling. Hmm. Tell me, dahil ba yan sa progress ni Santi sa school or dahil sa kanyang new teacher?"

"Girl. " suway ni Michelle dito. Nagsisimula na naman kasing mangulit ang kaibigan at ayaw na niyang maulit pa ang dating kamuntik ng pagkapikon ni Samantha dito noong summer.

Napatawa si Samantha. Halatang ninerbyos sa alam niyang pang-aasar ni Marie.

"At bakit naman ako mapapa-smile because of Lloyd hmm?"

"Because he is so cute. I mean handsome. " nagpakita pa ito ng gigil sa mukha.

"Okay?"

"Hunky. "

"Uh-huh. "

"He has a great sense of humor. "

"And then?"

"He's very gentleman. "

"And?"

"And he's very sweet. Especially to Santi. "

"So?"

"What do you mean 'so'? Come on girl, ganun ba kalabo yang eyes mo para di makita ang mga katangian na iyun ni Superman?" Inikot pa nito ang eyeballs.

Nagkatinginan tuloy sina Samantha at Michelle sabay napailing sa isa't isa.

"Girl, of course nakikita ko ang mga yan. Okay? Hindi ko lang maintindihan bakit mo ito sinasabi sa akin? Seriously what do you want to know?"

"Nothing. I'm just curious. "

"Curious saan?"

"Well, it's very obvious that he likes you. Kahit noong nasa Tondol pa tayo. The way he looked at you. The way he talked to you. Even yung mga efforts niya to Santi, those are the signs that he's into you. "

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon