Part 11

184 5 0
                                    

Muling tiningnan ni Samantha ang hawak niyang listahan ng mga bibilhin sa palengke. Tapos na siyang bumili ng ibang mga rekado para sa ulam na lulutuin niya mamayang gabi. Balak niya sanang magluto ng sinigang na baboy. Naalala kasi niya na specialty iyun ni Lloyd kaya naman naisipan niyang magluto rin niyon dahil matagal-tagal na rin silang hindi nag-uulam ng sinigang. Susubukan niya kung kaya niya bang pasarapin din iyun matapos ituro sa kanya ni Lloyd ang technic nito sa pagluluto.

Sinipat niyang maigi kung nasa plastic na rin ang pinakaimportanteng pampalasa sa sinigang - ang sampalok. After niyang malaman kay Lloyd na mas mainam na gumamit ng tunay na sampalok kaysa sa mga nasa pakete na ay iyun ang agad niyang hinanap.

At ngayon naman ay kailangan na niyang bumili ng karne ng baboy para dito.

Hinanap niya ang pwesto ng kanyang suki at natigilan siya nang makita ang pamilyar na tindig ng isang lalaking nakatalikod.

Si Lloyd, abala din ito sa pagpili ng bibilhing karne. Hindi niya alam kung babatiin niya ba ito o magkukunwari na lang siyang hindi ito nakita. Pero bago pa man niya gawin ang alin man sa iniisip ay napatingin na sa kanya si Lloyd.

"Samantha. " bagaman nagulat ito ay agad naman siya nitong nginitian.

"Lloyd, andito ka rin pala. " tipid niya itong nginitian.

"Oo. Bumili lang ako ng karne para sa lulutuin ko mamaya. Ikaw? Bibili ka rin ba?"

"Oo. "

"Sige hintayin na kita. "

Nagulat si Samantha.

"Naku huwag na."

"Sige na. Tapos na rin naman na ako eh. Ito na lang ang kulang ko. Marami ka pa bang bibilhin ?"

"Last na rin ito. "

"Iyun naman pala eh. Kaya sabay na tayo. Iisang block lang naman tayo eh. Amina tulungan na kita diyan. "

Hindi na nakatanggi pa si Samantha nang kunin sa kanya ni Lloyd ang ilang bitbit ng pinamili.

Nahihiya niya itong nginitian.

Lumapit si Samantha sa tabi ni Lloyd at saka pumili ng sariwang karne.

"Samantha. "

Binalingan niya si Lloyd.

"Hmm?"

"Magluluto pala ako ng sinigang para sa hapunan. Hahatidan ko kayo ni Santi para matikman din niya saka ng Mama mo yung luto ko. Okay lang ba?"

Natigilan si Samantha. Pagkuwa'y napatingin din sa tindera ng karne nang iabot na nito sa kanya ang pinakilo.

"O-Oo naman. S-Sinigang pala ang lulutuin mo?" Tanong niya dito sabay kunot ng noo.

"Oo. Di ba sabi ko papatikimin kita ng luto ko? Ngayon ko lang naisip na magluto uli niyon eh. "

Nahihiyang napatawa si Samantha. Ang planong pagluluto din ng sinigang para sa hapunan ay kinalimutan na niya. Pwede naman niyang itabi ang biniling karne at gawing adobo sa susunod na araw.

"Ikaw ang bahala. " wika niya kay Lloyd.

Napakislot pa si Samantha nang alalayan siya ni Lloyd sa paglalakad upang hindi siya madulas dahil sa basa ang daanan sa palengke.

"Basta settled na ito ha? Mamayang gabi dadaan ako sa bahay niyo para ihatid yung asim-nigang. " pagbibiro ni Lloyd sa kanya sabay pikit ng mga mata na parang batang nagpapa-cute.

"Asim-nigang talaga ha?" Napaisip si Samantha. "O sige, hihintayin ko yang pinagmamalaki mong asim-nigang mo. At siguraduhin mo lang na masasarapan ako sa specialty mo or else..."

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon