PROLOGUE

1.2K 13 1
                                    


...Kayhirap palang umibig sa di tamang panahon...

Kung bakit ngayon ko lang natagpuan ang isang katulad mo

Sana noon pa kita nakilala...

Sana noon palang na ang puso ay malaya pang magmahal...

***********************************
We always have that one person that we'll always have feelings for, no matter what. Just one look and it takes you right back to those memories.

Gaya na lang ni Samantha Del Rosario.

Every summer ay pumupunta siya sa mga beach at lagi na lang ay pinapanood ang mga alon ng dagat sa dalampasigan. Dinarama ang magkahalong init at lamig ng hangin na dumadampi sa kanyang balat sa tuwing ito'y umiihip sa kanyang katawan. Tila ba ito'y humahalik, bumubulong at yumayakap.

Summer. Iyun na marahil ang pinaka-paborito niyang season sa buong taon.

Higit sa lahat ang pinaka-hinihintay niya ay ang sunset. Ang pagbabago ng kulay ng araw habang ito'y papalubog. Ang pinaghalong dilaw, asul at abo na tila ba nag-aagawan sa liwanag at dilim. At ang reflection nitong umaaninag sa tubig.

Napakagandang pagmasdan ng tanawin na iyun. Tila ba sinadyang ipinta ng mahuhusay na pintor. Bagay na unang pumukaw ng kanyang atensyon sa unang kita pa lamang niya.

Yearly ay iyun ang ginagawa ni Samantha. Ewan niya ba, subalit naging panata na yata niya ang bagay na iyun. Kahit nga nung nasa Canada pa siya ay dinadayo niya ang ilang beach resorts doon para lang mapag-isa at makapag-isip.

Parang kailan lang, sa loob-loob ni Samantha. Parang kailan lang nang huli siyang maparoon sa lugar na iyun.

Same time, same place.

Tahimik siyang nakaupo sa isang reclining chair na nasa lilim ng malaking umbrella habang nakatanaw sa malawak na dagat at ang alon nito ay tahimik na humahampas sa dalampasigan.

Kahit pa nga summer ng mga panahon na iyun ay walang masyadong tao sa resort. Bagay na ipinagpapasalamat niya dahil iyun naman talaga ang habol niya sa naturang lugar - ang kapayapaang dulot nito sa kanyang kalooban.

Espesyal sa kanya ang lugar na iyun sa Tondol beach sa Anda, Pangasinan. Kung paanong espesyal din sa kanya ang taong nakilala niya doon at nagpabago ng kanyang buhay at pananaw sa pag-ibig.

Kung paano nito ipinadama sa kanya na ang pag-ibig ay walang tamang oras at panahon.

Pag-ibig na walang pinipiling estado ng buhay.

Pag-ibig na noon lang niya naramdaman.

Pag-ibig na nagturo sa kanya na ang pagsasakripisyo para sa ibang tao kapalit ng sariling kaligayahan ay ang pinaka-mahalaga sa lahat.

Love that she will never forget.

Love as timeless as forever.

Love that all started...

One summer day.

One Summer DayOnde histórias criam vida. Descubra agora