CHAPTER 72

348K 7.9K 556
                                    

ALLY'S P.O.V.

Dumadagundog ang hiyawan sa loob ng Gym Stadium ng School. Halos sampung minuto na yata ang nakakalipas ng mag-umpisa ang larong Basketball sa pagitan ng Saint Paul International Academy at ang Weibford Academy, School for the Boys.

Tumakbo kami ni Dianne papunta roon, sigurado kasing kanina pa ako hinihintay ni Frits. Kung bakit naman kasi kami pa ang nautusang maglinis ng ginamit naming Classroom late tuloy kami.

Pagpasok namin sa loob ng gym nakita namin ang mga tao na tutok na tutok sa panonood. Agad kong napansin ang lamang ng kalaban. Labing limang puntos, kung kaya't halos mag diwang ang School na kalaban nila Frits.

Hinila ako ni Dianne malapit sa unahan. Nasa likod lang kami ng Beach ng manlalaro ng Saint Paul, nakita kong nakaupo si Frits sa mahabang bench. Nakasimangot siya habang nakatutok ang paningin niya sa laro.

"Boyfriend!"tawag ko sa kanya.

Bigla siyang lumingon sa'kin, pagkatapos tumayo siya at lumapit sa'kin, Niyakap niya ako at dinampian ng halik sa may sintido. "Bakit ngayon ka lang?"

"Eh, kasi pinaglinis pa kami ni Dianne ng professor namin."

"Frits!" Sigaw ng Coach nila.

Pareho kaming lumingon. "Why?"

"Pwede ka na bang maglaro? Lamang na lamang na ang kalaban." Sabi ng coach nila. Nakatayo ito sa harap namin.

Ngumit si Frits, "Sure! Nandito na ang inspiration ko. Maglalaro na ako."

"Sige magpapatawag ako ng time out." Tapos muling itinuon ng coach sa laro ang pansin.

"Bakit nga pala hindi ka pa naglaro?"

Saglit kong pinasadahan ang team nila na nasa game, si Zyrus at Troy lang ang nagdadala ng laro ngunit. Parang hindi ito sapat dahil nauungusan ng kalaban ang mga tira ng dalawa.

"Wala ka pa kasi eh, sabi ko sa kanila hindi ako maglalaro kung wala ka rito." Nakatingin pa siya sa'kin habang sinasabi niya iyon.

Parang gusto ko siyang yakapin. Habang nakatitig siya sa'kin, dahil sa sobrang kilig.

"Gano'n? Paano kung hindi pala ako dumating? Hindi ka ba maglalaro?"

Tumango siya."Yap! Hindi kasi ako gaganahan maglaro kapag wala ang inspiration ko."

"Pero ikaw ang captain nila! Ikaw dapat ang magsisilbing lakas nila."

Umingos siya "The hell i care! Kung ako ang lakas nila ikaw naman ang buhay ko, kaya kung wala ka rito. Hindi magpa-function ang buong katawan ko."

"Tss... puro ka kalokohan Boyfriend, maglaro ka na! Talunin mo sila."

Hinawakan niya ang balikat ko, at tinitigan niya ako. "Anong Deal? kapag nanalo kami, girlfriend ko?"

Tumaas ang kilay ko. "Bakit kailangan ng Deal?"

"Siyempre para mas lalo akong ganahan."

Nag-isip ako ng magandang deal. "Hmm... ano kaya."

"Sige pagnanalo ka ililibre na lang kita ng burger with in one week."

"Psh! Ayoko ng gano'ng Deal."

"Eh, ano ba gusto mo?"

Bigla siyang ngumiti sa'kin, inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko and he whisper. "If i'm going to win this game, you will Marry me."

Biglang nagkulay kamatis ang mukha ko. Nakangiti pa siya matapos niyang sabihin sa'kin.

"Frits!"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon