Melting the Ice (Prologue/preChapter 1)

618 8 4
                                    

Hi!! Call me Mars na lang ha? at dahil dyan, CLOSE NA TAYO! ano mars? pards? >.< \m/

Anyway, this is my first time na gumawa ng story out of my kabaliwang imagination here in wattpad.

IMAHINASYON lang talaga. ika nga ng iba, libre mangarap diba? yeah! >.<

Intro:

Ang buhay ng tao ay weder weder lang ika nga nila. kaya dapat pangalagahan mo ang sariling kapakanan at maging maligaya para sa lahat.

This is just the Magical and scientific story for all generation!! ^_^ <3

-------------------------------------------------------------------------------------------------

"Melting the Ice" 

         A cold solid substance also can appear transparent or opaque bluish-white color, depending on the presence of impurities or AIR inclusions. Applying much of HEAT will melt the ice quickly if the ice is closest to the center of the opposite substance. A heat made by the FIRE.

     It also applies to the girl, a LONER, Tahimik, maobserbang tao. Pero may tinatagong kalupitan, walang pakialam... The darker side of her... Siya ay si Beanca. 

May pagka EMO din kasi siya kung pumorma. kung dati ay ang batang masayahin at inosente na nilalang, Nang dahil sa kapakanan ng kanyang minamahal na AMA, nagbago ang lahat... LAHAT sa kanya.. (see here ------>)

 ======================================================

Bea POV

"Bei, anak, andito na tayo!"  - Mama ko nga pala. Bei for short ang tawag sakin. I prefer that ksi. Isa siyang Businesswoman from US. Kararating lang namin galing New York, Kung saan nag-aral ako  pansamantala for five years ng High School. actually kya naging five years kasi dun ko tinuloy ang Elementary ng 7th grade, kahit labag din sa kalooban ko since umalis kami dahil sa pangyayari sa pamilya ko. 

"Anak, andito na tayo, ayusin mo na gamit mo." - Andito kami para ituloy ko na College years ko at dun na rin balak ituon ng pansin ng mama ko sakin. Parang namis ko ata ang pamilyar na naririnig ko at--

"Anak ano ba?? nakikinig ka ba??" Halos mabitawan ko na ang Ipod na hawak-hawak ko sa gulat! busyng-busy kasi sa kapapakinig ng paborito kong kanta e.

"Ma! sorry po, hindi kita narinig!" Sambit ko na may gulat pa yung tono ko.. ayos ah..

"Ay ang lakas ba naman kasi ng volume ng pinakikinggan mo e, hanggang dito dinig ko." Sabi  ni Mama habang inaayos ang gamit niya sabay bukas ng pintuan ng kotse para lumabas. sumilip siya ulit.

"Halika na. Lumabas ka na diyan at andito na tayo sa bahay natin."

Napatitig muna ako sa bahay dahan-dahan kung saan nakahinto ang sasakyan namin. Halo-halo ang feelings ko habang minamasdan ko ang paligid.. na hindi ko maintindihan kung anong dapat iexpress.. Paglabas ko ng kotse naming Volvo (naks ;D), Tumayo na muna ako dun ng ilang segundo habang pinagmamasdan ang lugar..

(http://img.photobucket.com/albums/v642/clover_16/Beaniel/mansion_zps46593cd7.jpg)

Parang walang nagbago.. ayaw ko man aminin, ngunit tila sobrang pagkamiss ko sa lugar namin kung san ako talagang lumaki at nagkaisip... at nagmahal.. nagbuntong hininga ako at umiling para back to reality ito. muli kong nilaksan ang volume ng ipod ko at tinulungan ko na si mama sa mga gamit. 

"Hala! Mam Bei! Kamusta ka na!! dalaga ka na!" Sigaw ni Aling Celia, ang katiwala ng pamilya Binene sa mala palasyo naming lugar at bahay.. nyaa.. konti na lang aling celia, aatakihin na lang ako dito sa gulat. haist bawas bawas din ng kape pag may time!! >.< "Hello Manang!" sabay ngiti na mangiyak-ngiyak.. ^_^ 

"Kamusta na po Manang Celia? at ang mga kasamahan niyo po dito?'' Tanong ni mama. Pawang nakangiti siya kung magtanong, pero bakas sa mga mata ni mama ang kalungkutan.. nawala na lang ang fainted smile ko.. Pansin ni Aling Celia ito na halos gusto niyang akapin ang mama para icomfort.

"Ay, nak, huwag mo kaming alalahanin, maayos kami dito, iha, at miss na miss namin kayo ng anak mo!" Ngiting may galak na sabi ni aling Celia. Medyo napangiti ulit ako sa galak na napansin ko kay Aling Celia dahil sa kasiyahan ng mukha nito na parang nakakahawa sa mga sandaling yon. 

"Namiss ko din po kayo, Nay Celia! Lalo na po yung luto niyong Ginataang bilo-bilo!" Birong sabi  ko na para bang napipilitan lang maging masaya at nahalata pa ata ni Aling Celia. Hinawakan ni Aling Celia ang mga pisngi ko para tignan ng maayos, tumutungo lang ako,

"Alam mo nak, kahit papaano, naalala mo pa rin ang masasayang araw natin lahat nun.. wag ka mag-alala, pasasarapin ko pa ang pagluto ko para sa inyong pagbablik!" Sambit ni Aling Celia na hindi mapantayan ang ngiti niya sabay haplos niya sa pisngi ni mama na halos mangilid-ngilid ang luha sa tuwa.

Natahimik ako sa mga sandaling yon kasabay ng paglaho ng ngiti sa mukha ni aling Celia pagtingin niya sakin..

"Oh, anak.." Tugon ni Aling Celia pero hindi ko na matiis at biglang ko siya niyakap at muling humagulgol sa kanya.

"Sshhh, Tahan na anak.." Sabi neto at ramdam kong yumakap din ang mama kay Aling Celia.

"Ayos lang yan, ilabas mo, lilipas dn yan.." Bulong niya sakin habang hinihimas niya ang buhok ko.. Tumutungo na lamang ako bilang pagsang-ayon sa sobrang pagkahina ko ng loob halos idikit ko na mukha ko sa dibdib niya..

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BTW just support lang po sa kuwento ha? medyo mttgalan nanaman, panimula muna ito para mag-isip kung bakit ganun na lang kalungkot ang kinagisnan ni Bei sa buhay niya na dati ay isang napakamasayahing bata. ^_^ \m/

Melting the Ice (ON Going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن