S M S G - 42

1.4K 32 4
                                    

*THIRD PERSON'S POV*

(Tiffany at the MM.)

Dahan-dahang iminulat ni Psyche ang kanyang mga mata. Nasilaw siya sa liwanag na wari'y nanggagaling sa isang bukas na bintana kaya't napapikit siyang muli. 

Pakiramdam niya ay mahahati ang ulo niya sa sobrang sakit nito. Bakit kaya ganito nalang kasakit ang kanyang ulo? Masama rin ang kanyang pakiramdam. Nasaan na ba siya at bakit parang ang tigas naman ng kinahihigaan niya?


Ikinapa niya ang kanyang mga kamay sa paligid...may natabig siyang kung anong basa at malagkit. Napadilat siya sa gulat at agad na tiningnan ang kanyang kamay. Hindi niya iyon maaninag nang una dahil malabo-labo pa ang kanyang paningin. 

Nang masanay na ang kanyang mga mata sa kakaibang liwanag ay muli niyang itinaas ang kanyang kamay upang tingnan...isang kulay pulang bagay ang nasa dulo ng kanyang mga daliri. Ano ito? 

Dinala niya sa kanyang ilong ang kanyang kamay upang amuyin iyon. Amoy matamis....strawberry cake?

Bakit may strawberry cake sa kanyang kinalalagyan? Muli siyang nangapa at ngayon naman ay mayroon siyang natabig na ikinabasa ng damit niya...baso? 

Agad siyang tumagilid ng higa at napamulagat.

Bakit siya nakahiga sa gitna ng isang malaking mesa?! 

Napaupo siya sa gulat at agad na naramdaman ang sobrang sakit ng sentido niya. Awtomatikong nasalat niya ang ulo at napapikit sa kirot.


"Agghh.." daing niya.


"Gising ka na pala...Psyche." anang isang boses na ikinaangat niya ng paningin.


Napakunot ang noo niya sa pagtataka. "T--Tiffany..?" 


Si Tiffany nga iyon. Kahit papano ay nakaramdam siya ng seguridad. Kay Tiffany palang bahay ang kinalalagyan niya. Nakahinga siya ng maluwag. Pero bakit sa lahat ng parte ng bahay nito ay bakit nilagay siya sa mesa?


"Tiffy...bakit ako nandito sa ibabaw ng mesa?" Nagtatakang tanong niya. Ngumiti lamang ito sa kanya bago tumayo mula sa kinauupuan nito. 


Lalo pang naguluhan at nawirduhan si Psyche sa matalik na kaibigan. Pulang-pula kasi ang robang suot nito...at pulang-pula ang mga kuko pati labi. Bakit kaya nahilig sa pula ang kaibigan niyang adik sa kulay asul?


Ipinilig niya ang ulo at muling tumitig rito. Pero si Tiffany talaga ang nasa harapan niya. 


"Tumayo ka na dyan sa ibabaw ng mesa at kumain na tayo, best. Umalis ka na agad pagkatapos bago ka pa niya maabutan." anito sa kanya at agad siyang dinaluhan.


Lalong nangunot ang noo niya sa pagtataka, "Sinong 'niya' best?" 


"Si Zabrina Kim. Baka abutan ka pa niya rito. It's better na umalis ka na agad..but do eat first. Baka hindi mo kayanin ang bumiyahe nang ganyan. Use my car para makaalis ka kaagad." anito pa sa kanya. Muli siyang napatitig sa kaibigan. 

Halos ilang buwan na niya itong hindi nakikita. Ang laki na nang ipinayat nito..pati napansin niyang may ilang marka ng peklat ang mga kamay nito. Parang napilas ng isang basag na bubog.

SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon