S M S G - 41

1.3K 32 5
                                    

THIRD PERSON'S POV


"Shine...kapag ba may nanligaw sayo..sasagutin mo?" mahinang sabi ni Dave sa hangin habang minamasdan ang kaibigan na abalang-abala sa pagkain sa harap nito. 

Nag angat ito ng tingin at minasdan siya, "Ano? May sinasabi ka?" 


"Wala." naiiling na tanggi niya at muling nagpatuloy sa kinakain. Masarap talaga itong magluto. Kahit simpleng tinola ay di niya malaman kung bakit napaka espesyal ng lasa. Marahil ay inspired ito. Di tuloy niya maiwasang mag alala at kung para saan, ay ayaw na muna niyang malaman.

Masyadong kumplikado ang pag ibig. Kagaya ng nangyayari ngayon kina Jeremy at sa kasintahan nitong si Psyche. Hindi muna niya gustong sumugal.

Muli siyang napatingin sa dalaga. Sa ngayon, ito ang girl bestfriend niya kahit sa tingin ng mga magulang nilang dalawa ay mag asawa sila. Sinabi kasi nila sa mga ito na nagpakasal sila at nagprisenta pa nga sila ng fake marriage contract. Dapat ay sa mga magulang lang nito sila magpapanggap pero hindi pumayag ang pamilya nito na hindi makilala ang kanyang mga magulang. Kaya naman, kahit ayaw niya ay napilitan siyang sabihin naring kasal na silang dalawa kahit hindi naman talaga. 

At ngayon nga, ay pinipilit siya ng kanyang ina na bigyan sila ng apo. Mangani-nganing himatayin siya sa kakatawa dahil seryoso ang hitsura ng kanyang ina nang sabihin nito iyon. Dagdag pa nga nito, nais daw nitong magkaroon na ng apo na mapaglalaruan dahil hindi na raw siya bumabata. Pinagalitan din siya nito dahil daw hindi siya bumili ng bahay para sa kanilang "mag asawa". Dapat raw ay may bahay na sila na mauuwian..at hindi sa condo o sa mansyon ni Shine. Kaya naman...heto at nakabili sila ng bahay nang wala sa oras.

Isang two -story house na may garden at swimming pool. Meron ding apat na kwarto sa itaas. May master's bedroom ( na hindi naman nila nagagamit ) , at isang kiddie room ( na pinagpilitan ng nanay niya ipalagay para daw sa soon-to-be apo nito ). Lahat ng nasa bahay ay may touch ni Shine--from the ceiling to the floor. At aminado siyang magaling magdisenyo ang dalaga. Sabagay ay Interior Designer ito.

Kaya naman...ang kinalabasan ay walang iba kundi ang 'DREAM HOUSE' nilang dalawa.


"Mamaya nga pala may date ako." maya-maya ay biglang sabi ni Shine na ikinabigla niya.


"Ah, ano?" tila nabibinging tanong niya rito. Geezz..bakit ba pakiramdam niya ay nais niyang katayin agad kung sino man ang ka date nito? Nakaramdam siya ng di maipaliwanag na iritasyon. Di namamalayan ay naisaksak niya ng malakas ang tinidor sa steak na kinakain.


"Sabi ko may date ako. Problema mo at dinouble dead mo na yang karne?" nakataas ang kilay na sagot-tanong nito sa kanya. Huminto ito sa pagsubo at kinuha ang steak na tinutusok niya. 

Sa bigla ay hindi na siya nakaangal nang isubo nito ang steak na mula sa kanyang pinggan. 

"Siba nito. Ba't mo kinain ang steak ko?" pigil ang inis na tanong niya rito. 

Tinawanan lang siya ng dalaga bago uminom na ng tubig at tumayo. Kinuha nito ang panyo sa at pinahid ang gilid ng labi. 


"Pano, alis na ko. May date pa ko eh." nakangiting sabi nito habang humahakbang na patungo sa hagdan paakyat ng second floor.


Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tumayo rin siya mula sa hapag kainan at sinundan ito. Pumasok ito ng kwarto at nagtungo sa walk-in closet nito. Pumasok rin siya sa silid at umupo sa kama ng dalaga. 

SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon