S M S G - 25

2K 44 12
                                    

*PSYCHE's POV*



"Maam, sigurado po ba kayo sa nakita nyo?"


I glared at the police who was asking me. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanilang sigurado ako nakita ko.

May patay na pusa talagang nakasabit sa salamin ng banyo ko. There was blood...



"Pero maam, sinuri na po namin ang lahat. Naghanap po kami ng mga traces ng krimen sa unit nyo. Pina test narin ang salamin pati buong banyo nyo. Maging ang bote ng shampoo na sinasabi nyong nasa sahig. Sinuri na rin po namin ang mga surveillance camera na nasa loob ng unit nyo. Pero wala talaga kaming makuhang ebidensya."



Nakaramdam ako ng matinding galit at takot. Anong gusto nilang palabasin?! Na nagi imbento lang ako ng storya?!



"What kind of investigation did you make?! Tiningnan lang ang lahat tapos wala na?!" I shouted. Nanginginig ako sa galit.



Kailangan mahuli nila ang taong may gawa nun! Natatakot ako...



Naramdaman ko nalang ang sarili kong umiiyak. Millicent and Tiffany were both hugging me, caressing my back.

Habang sina Jeremy at yung tatlong kaibigan naman niya ang nagtuloy na nakikipagusap sa mga police.



Nasa unit niya kami dahil kahit isang linggo na ang nakalipas matapos mangyari iyon ay hindi ko na kaya pang bumalik sa unit ko. Bibili nalang ako ng bagong condo unit.




"Sir, sigurado po ba kayong wala? Kasi baka naman nilinis lang ang krimen. Ulitin nyo nalang ang imbestigasyon, baka pwede?" Jeremy told the policemen.



Nagkamot naman ng ulo yung pulis na kinausap ko kanina.



"Pero sir, ginawa na po namin ang lahat. Lahat ng bagay sa loob ng unit ni ms. Samonte ay isinailalim na sa forensic investigation. We even used our high tech tools pero wala po talaga kaming makuhang ebidensya. Higit pa run, lahat ng CCTV sinuri narin namin. Wala talagang pumasok sa unit ni Ms. Samonte ilang oras bago mag 9:45 pm kung kelan nangyari ang krimen.. At wala ring napansing kakaiba nung tumakbo na si ms.Samonte palabas ng unit niya."



Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig. Pero siguradong-sigurado ako eh. Nakita ko talaga.



"So, what do you want to say?! Na I'm only inventing stories?!" Harap ko sa police kahit nahihirapan akong makita sya ng maayos dulot nang blurry na ang paningin ko sa luha.

SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon