S M S G - 11

3.3K 65 15
                                    

*AUTHOR's POV*

( Na enjoy ko eh. Bakit ba? )

"One more tequilla, please!" tawag ni Shine sa waiter na noon ay natataranta at nagdudumaling lumapit sa kanya.

Nasa isang bar sila ngayon at naisipan niyang mag inom. Masakit lang kasi talaga at hindi na niya kaya pa. 

"Hoy, babae! Tama na nga yan! Kinidnap-kidnap mo ko para gawing kasama mo sa pag inom? Aba, matinde!" awat naman ni Dave sa kanya habang inaagaw ang baso ng alak na hawak-hawak niya.

"Ano ba?! Don't touch me! Shoo! Go away!" wika naman niya habang iwinawagayway ang hawak na kopita sa ere at tinuro-turo ang pinto ng bar.

Inis na inis naman na si Dave sa kanya. Kasi nga naman. Nakakaputang ina. Tinangay siya ng dalaga para lang makipag inuman? Eh, bakit hindi nalang ito namick up ng mga tambay sa tabi-tabi at yun ang isinama? Bakit ang napakagwapo pang Dave Mathew Villa, diba?

Napatingin siya sa dalaga at napailing. Lasing na lasing na ito at para na ngang baliw. Tawa ito ng tawa kahit wala namang nakakatawa.

Tangene lang talaga.

"Tss.. ganyan ka ba talaga kapag nalasing? Parang baliw?" tanong niya rito habang napapasapo sa noo niya.

Ngayon kasi ay tumayo na ito at nagpagewang-gewang sa dance floor. Maya-maya ay sumasayaw na rin ito na parang sa commercial ng  Eskelan.

Ayos na ang buto- buto ~

"Wahh~ I'm shhoooo happy!! I'm sshhooo freee!!! Fuck you, Barney! I wouldn't die without you!" sigaw nalang nito bigla habang nagha harlem shake naman na ewan.

Napahagalpak naman ng tawa ang binata. 

'' Barney?! Yung baklang dinosaur? Yung kumakanta ng I love you, you love me?!" halos mamatay na sa kakatawang sabi niya at nagpagulong-gulong pa sa mesa with matching hawak sa tiyan.

"Punyatera ka! Don't ever insult him! He's ten million times manlier than you!" galit na sigaw nito bigla sa kanya.

Lalo lang siyang nagtawa. At nang hindi pa siya nakuntento ay tumayo pa siya at nagkakakanta.

"I love you~ You love me~ Let's get up and kill Barney~ *piyok* at nagkakandirit pa siya with matching pilantik ng mga daliri sabay sabing, " Kumusta na mga bata~ " 

"Fuck you!!  TANG INA MO! Tantanan mo nga ang Barney ko!" 

Tawa pa rin nang tawa ang binata hanggang sa lapitan nalang siya bigla at sapakin nito.  Sa pagkabigla ay hindi siya nakailag.

"Aray! Ba't mo ko sinapak?!" inis na tanong niya rito.

Lumapit lang ito lalo sa kanya, hinila ang damit niya at tsaka...

*Bwaaakkk~*

"ABA, PUNYETA! BA'T MO KO SINUKAHAN?!" galit na sigaw niya rito ngunit sa kasamaang palad ay nakatulog na pala ang dalaga.

*DAVE'S POV*

Tangena... TANGENA TALAGA!

Sukahan daw ba ako?! Ako si Dave Mathew Villa na sobrang gwapo sinukahan lang ng babaeng kabit ng Baklang Dinosaur?!

"Shit.. fuckin shit!" napapamura ako ng malutong habang nagda drive. 

Nakatulog na kasi siya habang ako naman.. NANGANGALINGASAW na sa baho! Ah, bwiset!

SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon