S M S G - 12 [R]

4.6K 60 8
                                    

*Author's POV*

"Dalawang beses nya akong sinukahan! Alam nyo ba yung word na putang ina?! Grabe! Ngayon lang may babaeng sumuka sa akin!" galit na galit na kausap ni Dave sa mga teddy bears niya sa kanyang tabi. 

Katatapos lang niyang maligo sa pangalawang pagkakataon at pakiramdam niya ay makakapatay na siya ng babaeng kabit ni Barney. 

"Aiisshh.. bakit ba ang hingay mo? Tahimik nga~ *hik*sabi naman sa kanya ng dalaga habang feel na feel ang pagkakahiga sa kama niya.

Inis na tiningnan naman siya ng binata at inirapan. 

"Hoy, bahay ko to! Umalis ka nga dyan sa kama ko! Mamya sukahan mo pa eh!" singhal niya rito.

Nagtawa naman ang dalaga at parang baliw na tinuro-turo siya..

"Haha.. Bakla! *hik* Pairap-irap pang nalalaman." sabi nito.

"Aba! Hoy! Di ako bakla ha?! At umalis ka nga dyan!" napipikon na sabi niya sabay lapit sa dalaga at haltak sa paa nito.

"Ayy! Hinihila ako ng bakla!" tili nito at nagkunyapit pa sa bed sheet para hindi bumagsak.

"Alis! Alis dyan!" sigaw naman ng binata habang hinihila niya ito paalis ng kama. 

"Ayuto~" parang bata naman na tanggi nito habang lalong hinihigpitan ang kapit sa kama. 

"Alis~" 

"Ayuto~ Bakla ka lang eh~"

"Di nga sabi ako bakla eh! Lumayas ka sa kama ko!" muling sigaw niya sabay haltak dito ng malakas.

At dahil sa malakas na pagkahila niya ay nalaglag nga ang dalaga sa kama. Napasapo ito sa nasaktang pang upo at nagpout habang nagiiyak-iyakan.

"Uwaaahhh!! Mean gay! Isusumbong kita kay Barney!" sabi nito sa kanya.

Mabilis naman siyang umakyat sa kama bago ngumisi rito. " At ano namang gagawin niya sa akin? Kakantahan ako ng I love you, You love me?" 

"Fuck you! Wag na wag mong aawayin si Barney!" 

At hindi inaasahan ng binata ang mga sumusunod na pangyayari. Bigla nalang kasi itong tumalon papunta sa kanya at pinaghahampas siya ng unan.

"Don't ever insult Barney!! You gayshit!! You're the gayiest creature I ever----" 

Hindi alam ni Dave kung bakit niya ginawa ang sumunod na pangyayari. Marahil ay napipikon na talaga siya sa ingay nito at kakatawag na binabae siya. 

Pero, he found himself kissing her.. passionately like he never  kissed anyone before.

Napatigil naman ang dalaga na nabigla sa nangyari. Kahit lasing naman kasi siya ay alam niya ang nangyayari. Talagang umakto lang siya na parang baliw para itago ang nararamdaman niyang sakit. Masakit kasi ang ipagkasundo ka sa isang lalaking ni sa panaginip ay hindi mo pa nakita. Pakiramdam niya ay para siyang bagay na basta na lamang ipinamigay sa iba ng sarili niyang magulang.

Naguguluhan siya sa sarili. She escaped her family dahil ipinamigay siya ng mga ito sa isang estranghero subalit ito siya ngayon... nakikipag halikan at nasa condo ng isang estranghero. She didn't know his name. At wala siyang kahit isang alam tungkol sa pagkatao nito maliban nalang sa pagiging parang bakla nito umakto. 

Naramdaman niyang kumalas ito sa paghalik sa kanya. At waring nagi guilting nagbaba ng tingin.

"I'm sorry.. I didn't mean to---"

SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon