When You've Found the Perfect One

4.2K 101 43
                                    

 

“Good morning Manang Ludy!” Sarah, in robe and her nighties underneath it, greeted when she entered the kitchen.

“Good morning naman anak. Maayos naman ang tulog mo?”

“S’yempre po Manang. Napakahimbing ng tulog ko kasi katabi ko na ulit ang asawa ko.”

“Naku, palagay ko gan’yan din ang sasabihin nung isang ‘yon. Tignan mo nga at tulog pa hanggang ngayon. Noong wala ka pa eh ganitong oras ay gising na gising na ‘yan at naghihintay sa tawag or text mo.”

“Ganun po ba? Eh bakit ‘pag nag-uusap kami eh parang palaging bagong gising lang? At nagthe-thank you pa kasi ginising ko daw s’ya.”

“Umaarte lang ‘yun. S’yempre ayaw n’yang iparamdam sa ‘yo ang pagbabago sa buhay n’ya nung umalis ka. Kunwari okay lang s’ya. Gan’yan ka kamahal ng asawa mo. Okay lang sa kanya kahit s’ya ang mag-adjust, s’ya ang mahirapan, at kahit magsinungaling pa s’ya sa ‘yo ng tungkol sa pagiging malungkutin n’ya eh gagawin n’ya ‘wag ka lang mag-alala.”

“Si Ge po, naging malungkutin?”

“Oo anak. Kahit noong hindi pa kayo naghihiwalay, napansin kong hindi na s’ya katulad nung dati. Hindi ko na naririnig ‘yung boses n’yang sintunado ‘pag kumakanta at di na rin masyadong nakikipagbiruan sa amin. Binuhos n’ya ang panahon n’ya sa pagtatrabaho. At nung nagkahiwalay kayo ay mas lalo pang lumubog ang disposisyon n’ya. Paguwi n’ya dito sa bahay kakain lang ‘yan tapos papanik na sa kwarto n’ya at doon magkukulong. Kung anong ginagawa, hindi ko na alam. Hindi na rin ‘yan lumalabas kasama nila Fred kaya minsan ‘yung barkada na lang nila ang pumupunta dito.”

“Ang laki po pala ng kasalanan ko sa kanya,” Sarah said as she bowed her head.

“Sarah, ‘wag mo na isipin ‘yun. Ang mahalaga ay magkasama kayo ngayon at alam kong mas matatag na kayo. Siguro kailangan mangyari ang lahat ng ‘yon para mas ma-aapreciate n’yo ang isa’t isa ngayon. Wala namang mag-asawang hindi dumaan sa matinding pagsubok ang pagsasama. Nasa tao na ‘yun kung paano nila titignan ang pagsubok na ‘yon. At sinasabi kong lahat ito ngayon sa ‘yo para malaman mo na kahit kailan ay hindi s’ya nagtaksil sa ‘yo at pwedeng-pwede mo nang ibigay ang tiwala mo sa kanya ng buong-buo. Pero s’yempre nasa iyo pa rin kung paniniwalaan mo lahat ng sinasabi ko.”

“Naniniwala naman po ako sa inyo Manang. At tama po kayo, mas matibay na pa kami ngayon. At ngayong nandito na ulit ako, ako naman po ang mag-aalaga sa kanya. Salamat po sa inyo kasi kayo po ang nagpuno nung dapat ako sana ang gumagawa. Salamat po at palagi kayong nand’yan.”

“Walang anuman anak. Teka nga, nagdadramahan na tayo dito agad que aga-aga pa. Ano bang kailangan mo at napadpad ka dito? Nagugutom ka na ba? Gusto mo ng kape?”

“Hindi po Manang. Katulad po ng dati eh paghahandaan ko lang ng breakfast si Ge.”

“O ‘sya, simulan mo na ‘yan. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong.”

When I Met YouWhere stories live. Discover now