CHAPTER 69

322K 7.7K 153
                                    

FRIT'S P.O.V.

"Binigay sa'kin 'yan ni Ally, kahapon mga Death threat na 'yan, malakas ang kutob ko galing 'yan kay Maddison," sabi ko. Habang nasa loob kami ng  Arristokrata resto-bar.

Pinakita ko isa-isa sa apat kong matalik na kaibigan ang mga Death threat na natanggap ni Ally, nakaupo kami sa bilog na upuan malayo sa Stage ng Bar.

Kasama ko sila Drek, Troy, Luke, Patrick, dito sa isang Bar malapit sa Eastwood, dalawang beses ko na silang kinausap tungkol sa problemang ito, pero mas ibang-iba na ngayon, dahil pati si Ally na dadamay na. At iyon ang hindi ko papayagang mangyari.

"Mukhang mahirap na nga 'yan Frits, lumala lang 'yan nang maging kayo na ni Ally." ani Troy.

Tinitigan ni Drek ang mga sulat, "Hindi siya sulat kamay, wala rin dito na pwedeng gawing ebidensya, mahihirapan kang ituro si Maddison. Frits, kasi wala kang mabigat na ebidensya."

Sinipat ko sila isa-isa, at tikom ang kamao ko sa inis. "Wala akong pakialam! Basta hinding-hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Ally, hahanap ako ng ebidensya na makakapagturo sa baliw na Maddison na 'yan."

"Pero Frits, paano mo gagawin iyon? Hindi mo nga alam kung sino ang kalaban mo? Malay mo naman, sinasadya ng kalaban mo na pag-isipan mo si Maddison para doon ka lang tumutok, tapos hindi pala siya ang kalaban mo."ani Drek.

Bigla akong napa-isip, sabagay may point din si Drek, paano nga kaya kung hindi naman pala si Maddison ang tunay na kaaway? Paano kung bigla na lang itong kumilos, hindi man lang ako makapaghanda. Ngunit kahit anong isip ko, wala na naman sa'kin nagtanim ng sama ng loob kundi si Maddison Kim lang.

Kinuha ko ang baso na may lamang alak na nasa ibabaw ng table, sinaid ko ito bago ako muling nagsalita.

"Kailangan malaman ni Dad ang lahat ng ito," sabi ko habang nakatingin ako sa apat kong kaibigan.

Tumango sila sa'kin.
"Maganda nga ang naisip mo. Humingi ka na nga ng tulong sa Dad mo, anyway, wag mo masyadong isipin ang problemang iyan, alalahanin mo may laro pa kayo sa ibang School ng Basketball sa Lunes." ani Drek.

"Yeah, kayo rin naman."

"Oo, pagkatapos ng School Festival. Birthday naman ni Ally, nga pala guys! Naisipan kong mag Out of Town a day before her biryhday, para pag-uwi natin dito, Debut na niya."

"Wow! mukhang maganda 'yan, saan naman tayo pupunta? Pwede ba kaming magsama ng Girlfriend?" Ani Patrick.

Bigla naming nilingon si Patrick.
"Oh? Bakit nakatingin kayo sa'kin lahat?" Aniya.

"Parang may girlfriend ka na. Kayo na ba ni Bernadette?" Tanong ni Drek.

Nakita namin ang pamumula ng mukha ni Patrick.

"Hindi pa, pero malapit na.
Bakit kayo? Balita ko mga inlove rin naman kayo."  sagot pa ni Patrick.

"Well, mas maganda nga kung may kasama kayo do'n, basta i-inform ko na lang kayo kung saang lugar, namimili pa kasi ako kung sa Boracay, Puerto O sa Caramoan."

"Sige, Frits, basta wag mo masyadong problemahin ang mga iyan, tutulungan ka namin, si Teo pala tutulong din sa'yo." ani Drek.

"Salamat guys!"

"Let's drink! Mag-enjoy muna tayo ngayong gabi, kalimutan muna natin ang mga problema na 'yan." Ani Luke, isa-isang pinaglalagyan ni Luke ang mga baso ng Alak, ininom namin iyon, saglit kong kinalimutan ang problemang kinakaharap namin ngayon.

Ilang oras lang kaming uminom, dahil nga may pasok pa sa school, habang papalabas kami ng Bar, nakita namin ang guard ng Bar na naroon sa mga nakaparadang kotse na malapit sa pinag-park ng kotse ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now