Chapter 1*

3.7K 96 0
                                    

Natapos na ang flag ceremony at umimik na ang principal via microphone. "Students, please proceed inside the auditorium in formal and proper lines." No choice. We had to proceed to the eerie auditorium. Walang choice.

Umupo kami sa may gitna ng center set of seats. "Ui, bro, ayos ka lang?" tanong ni Dan. Nahalata niya ang medyo pagiging paranoid ko. "Ah, wala toh," I lied. "So here we are today in this newly constructed auditorium of Jansport High School..." Nagsimula na ang mga nakakaantok na salita ng principal.

Tingin sa kaliwa. Tulugan. Tingin sa kanan. Tulugan. Tingin sa harapan. Harutan. Pero biglang may ingay na gumugulo sa isip ko... isang babaeng naiyak sa takot, "LAYUAN MO AKO!" Sounded weird. Tumayo ako nang patago pero napansin ako ni Kelvin. "Sa'n ka pupunta?" tanong ni Kelvin. "Mag-c-CR..." I replied. "Lying," he suspected, "Ano ngang problema?"

"Hai... sumama ka na nga," sabi ko. Tumayo kami at lumabas sa auditorium. Nang nakalabas na kami ng auditorium... "So... ano ngang problema?" pangungulit ni Kelvin. Hinga nang malalim. Sumagot ako, "I'm hearing things... parang babaeng natatakot." Umimik si Kelvin, "Ibang boses naman ang gumugulo sa isip ko, mala-halimaw." Owshit! Lumalakas yung ingay sa ulo ko.

"Saan ba yun nanggagaling?" tanong ko nang biglang, "HUI! Kanina ko pa kayo hinahanap! May kaguluhan sa backstage, based sa silhouette!" sabi ni Dan nang lumabas siya. Nagmadali kami patungo sa side entrance ng auditorium.

Pagkabukas namin ng pinto ay may isang estudyanteng naglalakad paatras sa takot... "Wag! Wag!   WAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGGGGGG!!!" Tumakbo si Daniel paabante sabay sigaw, "Crystal Ice!" Biglang umutlaw mula sa lupa ang isang malaking tipak ng yelo sa likod ng babae. "Hellfire!" Sigaw ni Kelvin habang nagliliyab ang kanang braso nito.

Biglang hinawakan ni Kelvin ang black shadow nang mahigpit sa may leeg niya... Biglang itong nagliyab at naglaho na parang abo. "Whoa. Dan, kelan ka pa nagka-ice powers, hindi mo naman specialty yan. At Kelv, hindi na kailangan maging bones ang braso mo?" nagtaka ako.

Sumagot si stepbro, "Eeeeeehhhhh kasi... parang may something strange na nangyayari sa katawan ko." Tumungo lang si Kelvin. Biglang tanong ni Kelv sa akin, "Ikaw, anything strange? Got your powers back?" I lied, "Not really." Biglang nagising yung girl, "Aw. Anyare?" Nag-minor panicking kami..."Uh eh, wala wala wala." Nagreply si girl habang inalalayan namin siya, "Ganun?" Biglang...

 

 

SLAM! Bumagsak ang katawan ng girl. "Puting-puti ang mga mata niya..." sabi ko. Biglang chineck ni Kelvin ang heartbeat niya."Dire-diretso naman ang heartbeat niya pero wala siyang air na hinihinga..." Binuhat namin siya palabas. Nang biglang...

"De Roxas, San Jose, Villavicencio... Anong ginagawa niyo d'yan sa backstage?" ginulat kami ni Sir na nakabantay sa labas. "Sir... patulong po please?" nagmakaawa ako. Agad lumapit si Sir sa amin at binuhat na yung babae patungong clinic. "Bilisin niyo at bumalik na kayo. You three should have been charged with detention pero I guess I will have to exempt you for this," sabi ni Sir. Bumalik na kaming tatlo.

Pagpasok namin at pagkaupo ulit. "Oh? Saan kayo galing?" tanong ni June. "Long story," I replied with an ease of exhaust. Tinapos na namin ang buong orientation. Pagkalabas namin... Pumipila na kami pabalik nang na-overhear ko conversation ng dalawang teachers.

"Naku, kung anu-anong kababalaghan ang nangyayari dito sa high school na ito..." sabi ng isang teacher. "Nangyari na ito dun sa ibang naapektuhan ng sakit na ito. Siguro by now dalawa na sila..." sabi ng isa pang teacher.

Hmmm... I doubted. Pagka-recess ay tumungo ako sa clinic... "Um, nurse... Nandyan po yung dalawang estudyanteng..." sabi ko sa nurse pagpasok ko pero biglang nagsalita ang nurse, "Ah, yung dalawang "white-eyed but breathing" estudyante. Gising na yung isa..." Sabi ko, "Thank you po." Tinuro sa akin ng nurse ang room ng gising.

Knock knock. I knocked on the student's door. "Come in," a guy replied. "Oh hey," I replied as I opened the door. "Wait, you're... Cody De Roxas, right?" he enthusiastically said. Whoa. Does he know me somewhere?

"Uh. Yeah," I replied. "Medyo nakakabastos lang ako, Ice Jeron De Roxas," he introduced himself. Wait. "Kapatid kita?" I got shocked. "Not really, I was 'made' by Dad..." he said. Well,  that explains it. Ininterview ko si Ice. "So... kung binuo ka ni Dad, alam mo naman kung anong nangyari sa family last year if I'm not mistaken..."

He held me by my shoulders and said, "Cody... Don't lie to me, I know you have your powers. And I can help you master the new revisions of your abilities." Okay. Medyo nakakakaba. Then I felt... BZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ!!! a strong shock in my body. Pero kailangang i-resist ko yung sakit. Nakakahiya sa nurse. Suddenly, there were different data all around me. The next I knew, I already mastered my new revised powers.

"Nice," I exclaimed. "Oo nga pala. Dad made me to be another one of your weapons..." Ice said. Oh? Now this? I'm speechless like hell. "Bago ka maging 'weapon' ko, I need to get you out of here..." sabi ko. Pareho na kaming lumabas sa room nito at tumungo sa room ng babaeng recently lang dinala sa clinic.

"Poor girl. Hey Ice, can you scan what happened to her?" sabi ko. Hinawakan ni Ice ang kamay nito. The moment I looked at Ice, his eyes were lighting and darkening then green light flashed. It was over. "Scanning complete, Cody. Looks like she has the Raef Soul Decrease."

"Raef Soul Decrease? Ano yun?" Clueless ako. Pero walang sagot si Ice but, "No further data acquired..." Damn. Okay. Breathe in. Breathe out. "Ice, human mode," I commanded. Ice began glitching a bit and acted like, well, a human. Lumabas na kami.

"Thank you nurse," I said habang palabas na kami. Nang nakalabas na kami, natanaw kami nina Kelvin, Daniel, June at Katelyn. "Ui Cody!" tinawag nila ako. "Who's your new friend?" tanong ni Katelyn. "Si Ice, 'gawa' ni Dad bilang weapon ko daw," sagot ko.

"No way? Seriously?" sagot ni Dan na medyo nagseselos, "Ba't ikaw meron, ako wala?" Sumagot si Ice, "Message sent..." Nagsilakihan mga mata ni Dan. Uh-oh. "Patay ka Dan," joke ni Kelvin. "Message received. From Dad. Nandyan sa likod mo Daniel ang iyong gift..." sagot ni Ice. Nagsitinginan kami sa likod ni Dan. Wala naman.

"Konnichiwa," boses babae. Pagkatingin namin. Ay shet. May Japanese. "Juri Villavicencio at your service, Daniel-san." Whoa. "Congrats ah, may mga androids na kayo," joke ni June. "Tara na nga, gutom na ako..." sabi ni Katelyn. Nagsitunguhan na kaming PITO sa cafeteria.

With these new androids at hand, ano kayang pagbabago ang mangyayari sa mga buhay namin?

********************************************************************

Pahabol note!

Sorry kung ngayon lang nakapag-update ng second book. Ilang araw din nawalan ng laptop eh. Sure na sure na ako na within 24 hours to a week, may update na ang story. PRAMIS NA! :D

[Book 2] Mysteries of Jansport High School: Realm of RaefWhere stories live. Discover now