CHAPTER XIX: EVOLUTION

Magsimula sa umpisa
                                        

"Taki?" sabi ng lalaki. "Nagagalak akong makita kang muli."

"Pastor Aron!" masayang bati ni Taki. Ipinakilala niya kami isa-isa. Nang malaman ng pastor ang aming pakay, isang mainit na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi.

"Kuya Taki!"

Isang sigaw ng bata ang umalingawngaw mula sa isang pasilyo. Mula roon, lumabas ang babaeng Sa tabi niya ay isang babae na nakasuot ng uniporme, at hindi ko maipagkakaila, napakaganda niya, may kasamang dalawang batang masayang tumatakbo palapit kay Taki.

"Charlotte?" gulat na sabi ni Taki.

Ngumiti ang babae na tinawag niyang Charlotte, ang kaniyang mga pisngi ay bahagyang namumula. "Hi Mister Taki. It's been a while," sabi niya.

Niyakap ng dalawang bata si Taki, isa sa bawat binti. Sa isang iglap, ang malaki at nakakatakot na Warrior ay nawala, napalitan ng isang higanteng masayang nakikipaglaro sa dalawang bata.

"Guys, this is Delro," pakilala ni Taki, hinahawakan ang ulo ng batang lalaki. "And this is Sari," dagdag niya, tinutukoy ang batang babae. Lumapit siya nang bahagya sa magandang babae. "Her name is Charlotte. She's the Garrison Administrator at the City Guard Outpost."

Yumuko ang babae. "Kinagagalak ko kayong makilala. Ako si Charlotte."

Namangha ako sa kaniya dahil fluent siya sa English at Filipino. "Kinagagalak ka rin naming makilala," sagot ko, habang ang dalawang lalaki sa likod ko ay sabay na kumaway, ang kanilang mga mukha ay bahagyang namumula.

"Handa ka na ba, Echin, sa pagtanggap sa panukala ng mga diyos?" putol ni Pastor Aron sa aming pagpapakilala.

"Opo," determinado kong sagot.

"Kung ganoon ay sumunod ka sa akin. Kailangan muna nating mag-usap sa kumpisalan. Nais kong makilala ka nang lubos at malaman ang tunay na laman ng iyong puso." Bumaling siya sa mga kasama ko. "Paumanhin, ngunit hihiramin ko muna ang inyong kaibigan."

Sinundan ko si Pastor Aron papunta sa isang sulok ng katedral, kung saan may isang maliit na silid na gawa sa puting kahoy—isang kumpisalan. Pinapasok niya ako sa loob at isinara ang pinto, iniiwan akong mag-isa sa maliit na espasyo. Nagulat ako nang may magsalita mula sa kadiliman; ngayon ko lang napagtanto na may isang partisyon na gawa sa inukit na kahoy sa gitna ng istrukturang ito.

"Umpisahan na natin, Binibining Echin."

"Bago ako magtanong," pagpapatuloy ng pastor, "nais kong ipaalam sa iyo ang tatlong bagay na hindi mo maaaring gawin kung talagang gusto mong umanib sa kapisanan ng mga lingkod ng mga diyos."

"Nauunawaan ko po, Pastor."

"Una, hindi ka maaaring bumawi ng buhay, sapagkat ikaw ay isang lingkod na hinirang upang protektahan ito."

Para bang isang matinis na kampana ang umalingawngaw sa loob ng aking isipan nang marinig ko ang linyang iyon. Ang lahat ng aking karanasan bilang isang Warmage—ang bawat halimaw na aking pinabagsak—ay biglang bumalik sa akin.

"Pastor, paano po kung nasa panganib ako? Hindi ko ba maaaring ipagtanggol ang sarili ko?"

"Maaari mong ipagtanggol ang iyong sarili, ngunit hindi ka maaaring bumawi ng buhay."

Ang mga salita niya ay malinaw. Nauunawaan ko ang bawat isa. Pero bakit parang hindi ko maintindihan ang kahulugan ng sagot niya sa tanong ko?

"Ang kapangyarihan ng isang Cleric ay hindi para sa pagwasak," paliwanag ng pastor, na para bang nababasa niya ang aking pagkalito. "Ito ay para sa kabanalan ng mga buhay. Ang iyong kapangyarihan ay biyaya upang magpanatili ng buhay, hindi upang kumitil. Kung gagamitin mo ang banal na kapangyarihan na may layuning kumitil, ang espiritu ng mga diyos ay lilisan sa iyong katawan, sapagkat ang kabanalan nila ay hindi maaaring haluan ng kasalanan."

Parang nauunawaan ko na kung bakit ganoon ang ruling ng pagiging Cleric, isip ko. Siguro ganito ang design sa limitation ng game para sa class na ito.

"Pangalawa," pagpapatuloy niya, "hindi ka maaaring mag-alinlangan sa iyong pananampalataya. Ang iyong kapangyarihan ay nagmumula sa iyong debosyon. Ang pagdududa ay lason na pumapatay sa biyaya ng mga diyos."

Tumango ako. Iyon ay mas madaling tanggapin.

"At panghuli, kailangan mong maging handang isakripisyo ang sarili para sa iba. Ang isang tunay na lingkod ay inuuna ang kapakanan ng kaniyang mga kasama bago ang sarili."

Napatingin ako sa aking mga kamay. Ang magpagaling, ang magprotekta, ang magsakripisyo. Ito ang landas na naghihintay para sa akin, at ngayon ay handa na akong piliin ito. Para kay Haku. Para sa aking mga kaibigan. Huminga ako nang malalim. Ang bigat ng mga panunumpa ay lumapag sa aking mga balikat, ngunit sa halip na ako ay panghinaan, mas lalo kong nakikita ang kahalagahan ng bagong playstyle na pipiliin ko.

"Tinantanggap ko po ang lahat ng kondisyon, Pastor," sabi ko,

"Kung buo na ang iyong loob, tayo'y bumalik sa pulpito at umpisahan na natin ang pagbabasbas."

Lumabas ako ng kumpisalan at sinundan si Pastor Aron pabalik kina Sly. Nang makarating kami, sinalubong nila ako ng mainit at malalaking mga ngiti, na para bang sinasabi nilang, Kaya mo iyan, Niché!

"Halika rito, anak, at lumuhod ka sa harap ng mga diyos," utos ng pastor, itinuturo ang espasyo sa harap ng altar. Doon ay lumuhod ako.

"Sabay tayong mananalangin. Sundan mo ako." Lumuhod siya sa aking harapan at pinagbuklod ang kaniyang mga kamay. Ginaya ko ang kaniyang ginawa.

Napatingin ako sa likuran ng altar. Ang buong pader ay gawa sa stained glass, naglalarawan ng labindalawang taong may mga halo sa ulo. Sa pinakagitna ay isang babae na may mahabang buhok na kulay-kapeng may gatas, ang mga kamay ay nakaunat na para bang may ibinubuhos na biyaya. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpatuloy sa pananalangin kasama si Pastor Aron.

"Mga diyos ng Lakhan, tanggapin ninyo ang inyong anak sa inyong kaharian upang ikalat at tuparin ang ebanghelyo ng dalawampung biyaya ng daigdig." Bigla niyang ipinatong ang kaniyang kamay sa aking ulo. "Banggitin mo ang iyong ngalan, anak."

"Ako po si Echin."

"Ngayon ay tinatanggap niya ang liwanag ng mga diyos at naninindigang babantayan at iibigin ang buhay."

Sa huling salita niya, naramdaman ko ang isang kakaibang enerhiya na dumaloy sa aking buong katawan. Napadilat ako. Nagliliwanag ang aking balat na parang LED light bago ito dahan-dahang nawala.

"At ngayon, isa ka nang tagapaglingkod ng mga diyos," sabi ng pastor, ang kaniyang boses ay puno ng galak. "Maaari ka nang tumayo at humayo."

Napatingin ako sa aking interface, at isang malaking ngiti ang gumuhit sa aking mga labi.

□■□

[CHARACTER PROFILE]
NAME: Echin
CLASS: CLERIC
LP: 100%
SP: 100%
ACTIVE PASSIVE: DIVINE ENERGY 

STATUS:

MEDALS
GOLD :
SILVER :
BRONZE :

CURRENT LOCATION: CAPELLA TOWN

[ ̶L̶O̶G̶ ̶O̶U̶T̶ ]

□■□

Tumayo ako, gumaan ang pakiramdam sa aking dibdib. Isa na akong Cleric.

Nagpasalamat kami kay Pastor Aron. Lumuhod naman si Taki para magpaalam sa dalawang bata, ginugulo ang kanilang mga buhok habang si Charlotte ay nakangiting nakikipag-usap sa kaniya.

Paglabas namin sa malaking pinto ng simbahan, ang sikat ng araw ay parang mas maliwanag, ang mga kulay ng Capella ay parang mas matingkad.

"Okay, team," sabi ni Sly, at humarap sa aming lahat. "Sunod naman ang class upgrade ni Taki!"

Isang malaking ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. "Yes!" sigaw ko. "Pero guys, kailangan ko ng bagong robe, ha!"

Nagtinginan sila sa akin at sabay-sabay kaming humalakhak.

□■□

A/N: Please don't forget to vote and comment guys! Thank you for continued support!

GAME ON!!! VOLUME ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon