"Those who are pure in heart might be close to tragedy, yet they persevere."
- Akizuke
(Real World)
PRESENT
April 2nd
Year 3771
5:35:00 AM
(Virtual World)
ERENA 10, 1006, 3:30 PM
□■□
BRIGS POV
(A/N: This chapter will be written in tagalog while Brigs in reality is thinking in English)
Naglakbay kami papunta sa Timog-kanluran ng bayan. Nang makarating kami sa paroroonan, nagulat ako sa bumungad sa amin. Sinlaki ito halos ng himpilan ng mga sundalo, ngunit hindi maipagkakailang isa itong simbahan dahil sa disenyo nitong parang itinayo pa noong unang panahon. Puti na parang yari sa marmol ang mga pader nito, at ang bubong ay gawa sa asul na roof clay brick.
Hindi kami pumasok sa harap; naglakad kami sa kaliwang gilid ng malaking katedral. Napansin ko ang mga batang naglilinis sa paligid, may iilan na naglalaro, at nakakita ako ng mga parang madre.
Nang malapit na kami sa dulo, may sumalubong na isang lalaki. May malinis siyang gupit at may brown na buhok na katulad ng sa akin. May suot siyang salamin na bilog, at may kapayatan. Ang kaniyang suot ay parang isang robe na kulay itim.
"Magandang araw, Binibining Charlotte."
Lumuhod si Charlotte gamit ang kanang tuhod at inilagay ang kaliwang kamay sa dibdib. "Magandang araw din po, Pastor Aron," sagot niya. Inalalayan siya ng lalaki sa kaniyang pagtayo.
"Sino ang mga kasama mong bisita?"
"May dala po akong dalawang ulilang bata. Inirerekomenda po ng heneral na sila ay dalhin dito sa ampunan ng simbahan," sagot niya habang nakayuko at nakatingin sa sahig. I wonder why she can't look him in the eye.
"At ang binatang ito, na may malaking espada, ang kanilang tagapagligtas."
"Kakatanggap ko lang ng balita na nahuli na ang mga miyembro ng 'Eskrima'. Siya pala ang binatang nabanggit sa liham."
"Opo, Pastor."
"Tumuloy kayo sa Orphanage Quarter."
Sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa isa sa mga gusali sa likod ng katedral. Pumasok kami sa loob. Napakalawak nito at mukhang may dalawang palapag. Sa unang tingin, napagkamalan ko pa itong ballroom hall dahil sa laki ng lugar. Nang tawagin ng pastor ang mga bata, bigla nila akong niyakap at dinumog, dahilan para matumba ako sa sahig. "Wait, guys!" sabi ko habang tumatawa nang malakas.
"Kuya! Kuya! May pakpak po ba kayo?" tanong ng isang batang lalaki. Hinawakan ko ito sa ulo at ginulo ang buhok. "Of course, wala," sagot ko habang humahagikgik.
"Kuya! Kuya! Bakit kamukha mo si Diyosa Erena? Ilabas mo na ang pakpak mo!" pangungulit naman ng isang batang babae na nakasampa sa aking likod.
"Mga bata, tigilan ninyo 'yan. Nakakahiya. Bumalik na kayo sa mga ginagawa ninyo, malapit na tayong maghapunan." Biglang nagsipulasan ang mga bata. Lumapit ang lalaki at inayos ang kaniyang salamin, sabay sukat sa akin mula ulo hanggang paa.
Biglang nanlaki ang mga mata niya nang tingnan niya ako nang malapitan at bigla siyang dumistansya. "Ginoo, umamin ka. Anak ka ba ng diyosa at bumaba dito sa lupa para tuparin ang kaniyang pangako?"
"Wait! This is very strange. This is the second time now. I don't even know who you're talking about," medyo padalos-dalos kong sabi.
Lumapit si Charlotte sa lalaki at may ibinulong. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo.
ESTÁS LEYENDO
GAME ON!!! VOLUME I
Ciencia FicciónAno ang mangyayari kapag ang isang laro ay naging mas totoo pa kaysa sa realidad? Ang Realm Conquerer ang pinakabagong full-dive VRMMORPG na nangako ng isang perpektong pagtakas sa realidad-isang high-fantasy world na puno ng mahika, pakikipagsapala...
