“Gusto mong saktan kita physically? Napagbigyan na kita.” Huminga ako ng malalim para magpakalma. “Pero masyado nang makapal ang mukha mo para humingi pa ng another chance.”
“Sana ito na ang huling punta mo rito. Ayaw na kitang makita. Makausap. At lalong ayaw ko nang makipagbalikan pa sa ‘yo. Bawasan mo ‘yang pagiging makapal ng mukha mo.” Kalmado man ang boses ko ay sinigurado kong makikita niya ang galit sa mukha ko.
“Aaliyah, please.” Sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya. “Usap n-na lang, please.”
Nagiwas ako ng tingin. Tinignan ko si Gideon na tahimik na humakbang palapit sa ‘kin. Seryoso ang mukha nito. Wala na ang ngiti niya kaninang kami lang ang magkaharap.
“Boy, narinig mo naman siguro si Gia. Ayaw ka niyang maka usap. Umalis ka na.” Gideon pulled me closer to him. Ang tingin niya’y hindi inaalis kay Wayne.
“Aaliyah, importante ‘to. Please, Aaliyah, listen to me. Five minutes lang.” bakas parin ang pagmamakaawa sa boses ni Wayne.
Napapalatak si Gideon. “Ang kulit.”
Ang kaninang nagmamakaawang mukha ni Wayne ay napalitan na ngayon ng inis. Binalingan niya ng tingin si Gideon. Ang inis na reaksyon niya ay katulad na katulad ng reaksyon niya kapag naglalaro at nagkakainitan na sa basketball.
“Sino ka ba!? Bakit ka ba nakikisali?” inis na tanong ni Wayne kay Gideon.
Humawak ako sa bewang ni Gideon para mahila siya para makaalis na. Hindi na para madamay pa siya sa ganito kaagang drama. Baka ang dramang nagaganap ay mauwi pa sa action.
Nagpatianod si Gideon sa paghila ko sa kaniya. Hindi pa man kami nakakapasok sa gate ay muling nagsalita si Wayne na ikinahinto namin.
“Tangna. Siya ba?” Bakas sa boses nito ang lungkot.
“Tangina mo rin! Sa ‘ting dalawa mas puta ka!” Ambang babalikan ni Gideon si Wayne na agad ko naman napigilan.
Niyuko ako nito para tignan. Umiling ako sa kaniya para mahinto siya sa kung ano man ang plano niya.
Huminga siya ng malalim at tumango. Siya na ang nag guide sa ‘kin para makapasok sa bakuran ng bahay. Sinarado niya ang gate. Hindi na namin nilingon pa si Wayne na naiwang nakatayo sa labas.
Hanggang sa makapasok sa bahay ay nasa bewang ko parin ang kamay niya. Huminto ako sa paghakbang kaya nahinto rin siya. Pabuntong hininga ko siyang nilingon.
“Minura niya ‘ko.” Para siyang batang nagsusumbong.
Kanina lang ay mukha na siyang mananapak. Ngayon mukha na siyang naghahanap nang kakampi.
“Minura mo rin siya.” Pagpunto ko sa ginawa niya kanina.
Agad naman siyang nagbaba ng tingin. He look guilty.
YOU ARE READING
Twisted Red String
RomanceYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
Chapter Six
Start from the beginning
