Chapter Four

9 1 0
                                        

It’s been three days since Gideon and I did the thing. Sa mga nakalipas na araw ay walang palya ang pagpapadala niya ng pagkain. Breakfast, lunch, dinner, and even a snack. Lahat ng pinapadala niya ay lutong bahay.

 
Sa ginagawa ni Gideon ay si Thea ang pinakanatutuwa.

 
“Ganito ang bakasyon na gusto ko!” Sumubo si Thea ng pizza habang ang mga paa ay nakapatong sa center table.
 

We’re eating our snack while watching a movie. It’s a homemade pizza and fries cooked by Gideon. Masarap ang gawa niya lalo na ang dipping sauce ng fries.

 
“Alin? Ang nanginginain ka sa bahay ko dahil nagkasakit ako?”

 
“Hindi! Tatlong araw na tayong walang ginawa kundi ang kumain at humilata. Ang saya-saya!” Totoo ang saya sa mukha nito. Halatang tuwang tuwa siya.
 

“Gusto kong lumabas. SM tayo mamaya. Kain tayo sa bonchon.”

 
“Ehh! Fast food ‘yun! Hayain natin si Ross na ipagluto tayo.” Umiling ito dahil sa pagtanggi.

 
“Nakakahiya na kay Gideon, Thea. Ilang araw niya na tayong pinagkakagastusan. Para na siyang may binubuhay na dalawang anak.”

 
Tama naman ang sinabi. Sa tatlong araw na pagpapadala niya ng pagkain ay malaki ang gastos niya. Ingredient palang ng niluluto niya ay mahal na. Idagdag pa ang delivery fee.

 
“Correction! Asawa at anak.” Maloko siyang ngumiti. “Ikaw ang asawa at ako ang anak.”
 

 
“Imagination mo lang ‘yan, Thea.” Pilit kong pangbabara sa kaniya. I don’t want to talk about it. Ayaw ko siyang pagusapan.
 

“Huwag ako, Liyah! Sa akin ka pa magtatago ng secret!” Masama siyang tumingin sa ‘kin. “I saw the hickey!”
 

I felt my body frost. Kingmother!
 

“Huh?”
 

“Nakita ko ‘yung hickey. NBSB ako  but I’m not that innocent.” Masama parin ang tingin niya sa ‘kin. “May hickey. Nagkalagnat. Tapos mukhang masakit ang katawan kapag lalakad. Nabasa ko na ‘yan sa libro.”
 

“So you knew?” Paninigurado ko.

Ang galit na tingin niya’y biglang nauwi sa pagkagulat. Namilog ang mga mata nito. Naibaba niya ang mga paa at mabilis na napatayo. Nakatingin siya sa ‘kin na para bang may nakaka surprise sa sinabi ko.
 
 

“Gago!? So totoo nga!?” Gulat at hindi siya makapaniwala sa kung ano. “Liyah, niloloko lang kita.”
 

Ako naman ngayon ang gulat. Kingmother talaga!

 
“Ganoon ka naman talaga kapag may lagnat. Nahihirapan kang maglakad dahil sa lagnat at sakit ng katawan. Akala ko allergy lang ‘yun at hindi hickey.” Napahawak siya sa kaniyang nuo. “Hindi ka na virgin? Magiging ninang na ‘ko?”

 
Oa siya sa part na magiging ninang na siya.

Kung hindi lang siya pinsan ni Gideon ay kwinento ko na ang mga ginawa ko. Pero pinsan siya nito. Nakakahiya.
 

 
Hinila ko siya paupo. Kumuha ako ng pizza na nasa pagitan namin at tinuon ang atensyon sa movie. Ayaw kong pagusap ang nangyari. Hindi dahil sa may pagsisisi parin. Kundi dahil sa pinsan siya nito.
 

 
Aaminin kong nang maka uwi galing sa check up ay bahagya akong nagsisi. Pero bago ako natulog nang gabing ‘yun I realized that I shouldn’t be. Hindi dapat. I liked what happened. Hindi niya ako pinilit. Ginusto ko ‘yun. Hindi lang isang beses kong ginusto dahil higit pa sa dalawa.
 

Twisted Red String Where stories live. Discover now