Kanina pa ako gising at nag iisip ng mga bagay bagay. Si Papa na malapit na umuwi at hindi ko alam kung paano pakikisamahan. Si Blake na mag isang namumuhay sa Sto.Domingo. Si Mama na hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan. Dumagdag pa si Gideon na bigla nalang umamin.
“Gusto kita.”
“And whether you like it or not. Liligawan na kita.”
“Liyah! Bumangon ka na! May ayuda tayo galing sa manliligaw mo.” Pambubulahaw ni Thea sa labas ng kwarto. Kanina pa siya talak nang talak.
Hindi naman locked ang pintuan ng kwarto ko, sadyang hindi lang siya pumapasok dito na hindi nagsasabi. Kahit naman may duplicate key siya ng bahay ay alam niya ang boundaries niya. Papa gave her a duplicate keys just incase I locked up myself again.
“Masyado na ang vitamins na nakuha ng manliligaw mo sa araw. Alas dies na, Liyah. Mahapdi na sa balat ang araw. Baka matusta na sa labas manliligaw mo.”
“Manliligaw? Last time I checked wala ako niyan! Nakakain ba ‘yan?”
Wala akong maalala na pumayag akong manligaw siya. Ni hindi niya ako hinintay na sumagot kagabi. After niyang tawaging asungot si Wayne ay basta nalang niya ‘kong iniwan sa sasakyan. Matapos niyang ilagay sa kusina ang mga binili namin ay malaking ngiti lang ang binigay niya sa ‘kin bago niya ako layasan.
“Si Ross nalang tanungin mo kung nakakain ba siya.”
Isang Gaga talaga si Thea na nagpapanggap na anghel.
Tinatamad man ay napilitan na ‘kong bumangon dahil sa pagbubunganga niya. Isa pa kailangan ko nang gumayak para makapag-enroll.
Simpleng flared jeans at plain fitted white shirt lang ang sinuot ko. Naglagay lang ako ng belt para kahit paano ay may style. I wore my usual accessories. A pair of pearl earrings and necklace with a small pearl pendant.
Bahagya kong tinuyo ang buhok ko gamit ang towel. Nang makuntento ay kinuha ko na ang makeup pouch, bag, at ID bago tuluyang bumaba.
Nadatnan ko si Thea sa kusina na tahimik na nanonood sa cellphone niya. Nakahain na ang mga pancake, spam, egg na nakalagay sa tupperware. Nang mapansin niya ako’y agad siyang ngumiti.
“Sunog na sa labas ‘yung manliligaw mo.” Maloko ang ngiting binigay niya.
“Bakit hindi mo pinapasok?” Nilapag ko ang pouch na hawak sa lamesa.
Ibinaba ko ang bag sa upuan at sinuot ang ID.
“Malay ko ba kung welcome siya rito.” Inirapan ko siya.
“Naisip mo pa talaga ‘yan? Tapos kinuha mo ‘yung pagkain na dala. Asan ang hiya?” Tinalikuran ko siya para mapuntahan na sa labas ang pinsan niya na manliligaw ko raw.
“Woi! Magsuklay ka naman muna!” Habol na sigaw nito mula sa kusina.
KAMU SEDANG MEMBACA
Twisted Red String
RomansaYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
