CONTENT WARNING: INTIMATE THEMES. NOT SUITABLE FOR ALL AUDIENCES. PROCEED WITH CAUTION.
P.S. You can skip this chapter for now and come back after reading the chapter 25 :)
*
"Come on, Aaliyah! Loosen up! Let's dance!" Pangungulit ni Steff sa 'king tabi. "Here. Take a shot first." Pagabot niya ng isang shot ng tequila.
Tinanggap ko 'yun at agad na ininom. Natatawang napasigaw pa si Yve at Thea nang makitang hindi ako kumuha ng lemon.
"Lakas mo talaga!" Sigaw ni Yve na nasa kabilang dulo ng upuan.
"Nagsosolo 'yan sa bahay niya!" Panlalaglag ni Thea sa 'kin.
What she said was true. Ilang buwan narin nang simulan ko ang pag inom kahit mag isa. Ayaw kong umasa sa sleeping pills para lang makatulog.
"Still into him?" Tanong ni Steff.
"Who?" Nakangising pagmamaang maangan ko.
I know who's she talking about. Isa lang naman ang ex ko. Six years of relationship that turns out to be a shit. Sayang ang anim na taon.
"Wayne."
Nawala ang ngisi ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may nararamdaman pa ba 'ko sa kaniya. Bahagya akong napangiti dahil kahit anong pilit kong hanapin ay wala na. Hindi ko na siya mahal. Pero hindi ko makakailang masakit parin. Masakit dahil hindi ko nagawang ilabas ang galit ko.
"Hindi na. I've moved on." Nakangiting sagot ko. Tinignan ko sila isa isa para makita ang reaksyon nila.
Napangiti si Thea dahil sa sagot ko. She's satisfied with my answer. Samantalang ang dalawang magpinsan ay nakatingin lang sa 'kin na halatang nagdadalawang isip kung maniniwala ba.
"Weh? Anim na taon 'yun!" Steff asked with a dash of sarcasm.
Her reaction was normal. Isang buwan bago pa nila nalaman na wala na kami. Hindi nila alam ni Yve kung anong reason ng paghihiwalay namin ni Wayne. Tanging si Thea lang ang may alam. Siya lang din ang nakakita sa 'kin kung paano ako nadurog. Si Thea lang ang hinayaan kong makita akong mahina.
Si Thea ang saksi kung paano ko ubusin mag isa ang isang bote ng rum.
"He cheated. Twice. Emotionally and... physically." Maybe this is the right time to let them know. Kaibigan ko rin sila.
"Ayy! Tarantado!" Napatayo si Steff sa 'king tabi. Bakas sa mukha niya ang gulat at galit. "Alam mo 'to, Thea?" tahimik lang na tumango si Thea.
"I thought we were friends," Yve said, her soft voice laced with bitterness.
"We are." Totoo ang sagot ko. Kaibigan ko sila.
"Talaga lang, huh." Ang malambing niyang boses ay nababahiran na ngayon ng panguuyam.
"Yve, sorry. Steff, I'm sorry. Sorry kasi hindi ko sinabi agad sa inyo. Sorry kasi-"
"Kasi si Thea lang ang pinagkakatiwalaan mo?" Yve's words cut me off.
Umiling ako bilang pagtanggi. "Sorry dahil nagpadala ako sa hiya."
"Bakit ka naman nahiya?" Steff asked before sitting down in the space between me and Thea.
"Dahil hindi ako nakinig sa inyo. Sinabihan niyo na 'ko na may napapansin kayo kay Wayne at sa kaibigan niya pero hindi ako nakinig. Nagbulagbulagan ako. Kasalanan ko kung bakit ako naloko."
KAMU SEDANG MEMBACA
Twisted Red String
RomansaYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
