Huminto ako sa paglalakad. Napahinto rin si Gideon nang dahil sa ‘kin. Napalingon sa ‘min si Thea na agad rin nagtuloy sa paglalakad palayo. She left me with Gideon, giving us privacy to talk.
I caught Gideon’s gaze, nasa akin parin ang tingin niya. He’s waiting for my answer. He looks eager to hear what I’m about to say. That if I don’t talk, he won’t move.
“Meron pa. Galit, inis, pagkamuhi, irita, pandidiri, pagka uyam, At panghihinayang.”
Halos iisa ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ko. Pero parang wala ruon ang makakapaglarawan sa kung anong tunay na nararamdaman ko.
Kulang ang salita.
Walang sapat na salita para maipakita ko ang nararamdaman ko. Gusto kong balikan si Wayne at ang babae niya kung saan namin sila nakita. Gusto ko silang pagbuhatan ng kamay. Gusto kong gawin sa kanila ang mga tinuro sa ‘kin ni Papa na self defense. Dahil sa tingin ko sa ganoong paraan ko maipapakita ang nararamdaman ko.
Hindi ko sila nagawang sugurin nung araw na ‘yun. Pinangunahan ako ng panghihina dahil sa nakita. Agad akong umalis nang subukan akong hawakan ni Wayne gamit ang kamay niyang nakakadiri. Hinaplos niya ‘yun sa katawan ng babae niya at may gana pa siyang ihawak ‘yun sa ‘kin.
“Nang hihinayang ka?”
Sa lahat ng sinabi ko ay ‘yun lang yata ang pumukaw sa atensyon niya. Hindi manlang yata niya napansin na halos iisa lang ang ibig sabihin ng mga binitawan kong salita.
“Anim na taon ‘yun, Gideon. “Anim na taon ng buhay ko. Anim na taon akong nakulong sa relasyon na wala naman palang maayos na patutunguhan. Kaya bakit hindi ako manghihinayang? If only I knew then… I wouldn’t have given him six years of my life. If I could turn back time, I wouldn’t have given him that much of my self. Six years, gone. All for nothing.”
“Nang hihinayang ka sa anim na taon ng buhay mo kasama siya? Hindi dahil sa relasyon niyo?” Tanong ni Gideon na parang may gustong patunayan.
“Bakit ako manghihinayang sa ganoong klaseng lalaki? Baliw lang ang gagawa nun. Last time I checked wala namang problema ang utak ko.” Humakbang ako para iwan siya.
Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay napabalik agad ako sa kaninang kinatatayuan. Hinila niya ako kaya ngayon ay magkatapat na naman kami.
Ang chismoso.
Sa kalayuan ay tanaw ko si Thea na nakatayong naghihintay. Busy siya sa cellphone at nakatagilid sa gawi namin. Masyado siyang supportive kay Gideon.
“Nakamove on ka na?”
May gusto talaga siyang patunayan. Hindi ko alam kung sa akin o sa sarili niya. Ano ba naman ang nagyayari sa lalaking ‘to. Hindi naman ‘to ganito kadaldal dati. May tinatago pala siyang pagiging chismoso.
“Hindi ko ibibigay pagkababae ko sa ‘yo kung mahal ko pa si Wayne.”
Pilit niyang tinatago ang ngiti niya pero hindi siya nagtagumpay. Napangiti siya sa sagot na natanggap sa ‘kin.
Tinalikuran ko siya at nauna nang naglakad. Hindi naman na siya tumutol. He walk behind me.
“Saan tayo kakain?” agad na tanong ni Thea nang makalapit kami.
Nilingon ko si Gideon para tanungin din. I don’t want to be rude. He’s words matters too. Nakatingin ito sa ‘kin. He’s waiting to my answer na parang kung anong sasabihin ko’y sasangayunan niya agad.
KAMU SEDANG MEMBACA
Twisted Red String
RomansaYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
