“I’m sorry,” Yumuko ito. Bakas sa pinapakita niya ang pagsisisi.
Nagsisisi? Ngayon pa? Para saan pa? Anong point?
“’Ge.” Tanging sagot ko bago siya tinalikuran.
Ayaw kong makipag usap. I don’t want to hear his nonsense reasons. I don’t want to hear his shity voice. Ayaw kong sirain ang araw ko.
“Aaliyah,” hinuli ni Wayne ang kanang braso ko na mabilis kong binawi.
Galit ko siyang nilingon. Agad na dumapo sa pisngi niya ang kanan kong palad. I know it will hurt him. At alam kong kulang pa ‘yun. Hindi ko pinigilan na ipakita sa kaniya ang pandidiri at pagkauyam ko sa kaniya.
“Nakahingi ka na ng sorry. Umalis ka na.” Mahina ngunit may diin na utos ko.
Umamba siyang hahawakan ang kaliwang kamay ko. Pero bago pa man niya ‘yun mahawakan ay inangat ko na ‘yun para isampal sa kaniya. Bahagya siyang napalingon sa kanang gilid niya dahil sa lakas ng sampal ko.
Gusto niyang makipagusap. Kausapin niya ang palad ko.
Nang lingunin niya ‘ko’y namumula na ang mga mata niya. Puno na ito ng mga luha. How dare him cry.
Bakit siya iiyak.
Ang hina naman niya.
“Aaliyah, sige, saktan mo ‘ko. Sampalin mo ‘ko. Suntukin mo ‘ko. Sipain. Sabunutan. Kahit anong pisikal na sakit tatanggapin ko.” Nagpatakan na ang mga luha niya. Pero wala akong mahanap na awa. “Please, hayaan mo ‘kong kausapin ka. Please give me one last chance, Aaliyah.” Pagmamakaawa na naman niya.
"Ayan ka na naman sa lintek na chance na 'yan!"
This is not the first time na nang hihingi siya ng oras ko at panibagong pagkakataon. Pangatlong beses niya na ‘to. Pinuntahan niya ‘ko nung mismong araw na nahuli ko siya. Kinabukasan nang araw na ‘yun ay bumalik siya. Hanggang sa lumipas na ang tatlong buwan ngayon nalang ulit siya nagpakita.
“Pisikal na saktan?” Tanong ko na agad niyang tinanguan.
Pinalaki akong mapagbigay kaya pagbibigyan ko siya. Humakbang ako palapit sa kaniya at agad siyang sinampal gamit ang kaliwang palad. Hindi ako nakuntento kaya naman sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi gamit ang kanang kamay.
Kulang pa.
Gamit ang kaliwang palad ay sinampal ko ulit siya. Hanggang sa nag sunod sunod na ang sampal ko na pinagsasalitan ang dalawang palad sa magkabilang pisngi niya. Hindi siya pumalag. Nakatayo lang siya at hinihintay ang pagdapo ng palad ko sa pisngi niya.
Natigil lang ako dahil putok na ang labi niya. Habol ang hiningang tinignan ko siya. Basa ang palad ko dahil sa mga luha niya.
Bumuntong hininga ako. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Ramdam ko parin ang galit. Hindi parin sapat sa ‘kin ang putok at dumudugo niyang labi.
ESTÁS LEYENDO
Twisted Red String
RomanceYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
Chapter Six
Comenzar desde el principio
