Imbis na sundin siya ay mas ginulo ko pa ang basang buhok. Walang kahit na anong kolorete ang mukha ko na magbibigay kulay. Sinigurado kong pangit ang itsura kong haharap kay Gideon.
Nadatnan ko si Gideon na nakaupo sa harapan ng gate. Pinapanood niya ang mga batang nakatalungko sa isang sanggol na nakahiga sa stroller.
Pagkabukas ko ng gate ay agad siyang napalingon. Tumayo siya sa pagkakaupo sa sahig at inayos ang sarili. Malawak agad ang ngiti nito nang makita ako.
“Good morning,” malaki ang ngiti nito na para bang hindi naghintay ng matagal sa pag labas ko.
“Anong ginagawa mo rito?” mahina man ay nababakas parin ang kaseryosohan sa boses ko.
Kahit na seryoso ang itsura ko ay hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya. Gusto ko siyang inisin. Titignan ko kung gaano kahaba ang pasensya niya.
“Umaakyat ng ligaw.”
“Wala akong matandaan na pumayag ako.” I said it flatly,
“Wala akong matandaan na tinanong kita.” Todo ang ngiti niya pa.
Nakaramdam ako ng irita.
Imbis na siya ang mainis sa ‘kin katulad ng gusto ko ay nagkabaliktad pa. Nakangiti parin siya samantalang ako’y nagsisimula nang mainis.
“Umuwi ka na.” pagtataboy ko.
“Sama ka.” He smirked.
Pareho kaming napatingin sa humintong tricycle. Lumabas mula ruon ang lalaking kinamumuhian ko. Wayne, my asshole ex boyfriend.
Wow! Great!
“Good morning, indeed.” I said dryly.
Agad na lumipat sa tabi ko si Gideon nang makita niyang palapit na si Wayne sa gawi namin.
“’Yan na ‘yun?” he whispered. Tiningala ko ito para makita ang reaksyon ng mukha niya. “Ang pangit!” hindi ko napigilan ang ngisi ko dahil sa itsura at reaksyon niya.
Gone his smiling face. Nakasimangot na siya, halatang may hindi nagugustuhan.
“Aaliyah,” Nawala ang ngisi ko nang harapin si Wayne.
He’s now standing in front of us. Tama ang sinabi ni Gideon. Ang pangit ni Wayne.
Oo! Pangit na siya sa paningin ko!
“Aaliyah, can we talk?” Tanong nito na nasa akin ang tingin.
Nag English pa nga.
Kapal talaga ng mukha.
“Bakit?” Isa lang ang tanong ko. Bahala na siyang isipin kung ano at para saan ang tanong na ‘yun.
YOU ARE READING
Twisted Red String
RomanceYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
Chapter Six
Start from the beginning
