Chapter 25: Torpe's Confession

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayaw kong nakikita kang umiiyak na ganito. Kasi kapag nasasaktan ka, nasasaktan din ako." seryoso kong sabi sa kanya

Niyakap niya ako nang sobrang higpit. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Hey. I'm not forcing you to like me okay?" sabi ko sa kanya

"I know, I know. I'm just happy Xider. Hindi ko alam kung bakit, basta masaya lang ako." sabi niya sakin at kumalas na sa yakap.

Nagngitian lang kaming dalawa.

Masaya kong makita yung ngiti niya na yan. Bipolar din talaga 'tong babae na to eh. Kanina lang, iiyak iyak kasi broken hearted pero ngayon kung makangiti. Hahaha

Back to basic, parang wala lang nangyari. Haha, ganyan talaga kaming dalawa madalas. Hindi niyo lang alam kasi hindi niya naikukwento sa inyo sa POV niya. Lol

Lumabas na kami ng private room at ipinalabas ko na yung kotse niya sa private garage. Gusto niya na daw umuwi pero hindi ako pumayag. Malulungkot na naman siya kapag napag- isa eh. Kaya inaya ko siyang maglibot. Wala rin naman akong gaanong ginagawa ngayon. Isa pa, kaya naman na nung mga empleyado ko i- handle yung Disix restaurant.

Kotse niya yung sinakyan naming dalawa. Shempre, ako yung nagd- drive. Masyadong tahimik kaya sinindi ko ang radyo ng sasakyan.

Now Playing: Photograph - Ed Sheeran

Sakto naman at umpisa palang ng kanta. Nagulat ako nang magsalita si Patricia.

"Ako sa umpisa. Sabay tayo sa Chorus." sabi niya habang nakangiti

There, that's her real smile.

Tinanguan ko nalang siya na sign ng pagpayag ko.

"Loving can hurt, loving can hurt sometimes...

But it's the only thing that I know.

When it gets hard, you know it can get hard sometimes.

It is the only thing that makes us feel alive."

O________O

Putspa. SINGER!

Nakaka- in love boses ng babae na 'to. Hanep! Maganda, sexy , mabait, magalang na nga, magaling pa kumanta? Wow. Just wow. Nasa kanya na talaga lahat.

Naisip ko tuloy yung chance na sinayang ni Ice.

Hindi kasi eto yung mga babaeng dapat pinakakawalan.

Hindi ko namalayan na napatulala na pala ko sa kanya. Buti nalang naka- red light pa.

"Huuuy! Chorus na! Hahaha!" isa pa yang tawa niya, nakaka- in love.

Tae, nababakla na ko.

Saktong nag- green light kaya nagsimula na rin akong kumanta.

"So you could keep me,

inside the pocket of you ripped jeans

Holding me close until our eyes meet

You won't ever be alone, wait for me to come home"

Nakatingin lang siya sakin at ngumiti ng sobrang tamis.

Napangiti nalang tuloy din ako.

Hanggang sa matapos yung kanta nagsabay kami.

Nakatulog na rin siya. Pero nung huminto yung sasakyan, sakto rin namang nagising siya.

"We're here." sabi ko

Literal na nanlaki ang mga mata niya at binuksan agad yung pintuan ng kotse. Bumaba siya agad at nagtatalon sa tuwa.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon