CHAPTER 59

5.3K 73 3
                                        

I felt lighter in the following week. Siguro kasi naayos na ang mga dapat maayos, naiwan ko na ang mga dapat talagang iwanan sa nakaraan. At panatag na ako ngayon dahil wala na akong dapat na alalahanin pa dahil pakiramdam ko ay tapos na talaga.

After meeting with my parents, we became civil with each other. Pinadala ko rin sa bangko ni daddy ang dalawang daang libong pisong naipon ko mula sa pagtitinda sa palengke. Hindi naman naubos ang savings ko dahil extra money ko lamang iyon, sinigurado ko naman na secure ang pera naming mag-ina bago ako nag-abot sa iba. Of course, unahin pa rin ang sarili, at magbigay lang kapag may sobra. At kung wala, tumulong sa ibang paraan.

Theo helped them as well. Nag-transfer siya ng pera, at sigurado ako malaki-laki iyon kumpara sa ibinigay ko. Ayaw niyang sabihin ang amount, pero alam kong higit pa ang binigay niya sa mga magulang ko. He's rich, at tingin niya'y barya lamang iyon. Binigyan niya pa ng contact niya si Daddy para kung sakaling mangailangan pa sila ng tulong, maari silang lumapit sa kaniya.

I'm so thankful to Theo. He helped my parents without any hesitation. He's always willing to help, without expecting anything in return and without second thoughts. I know my father is happy because of that, as Theo's help has at least lightened the burden they're facing for the time being.

It all settled. Bukod lang sa problema na kinahaharap naming pamilya ngayon-ang relasyon ng anak ko at ng ama niya.

Aabot pa yata ng isang buwan ay halos hindi pa rin talaga kinikibo ng anak ko si Theo. At bilang respeto sa kaniyang nararamdaman, minsan ay hindi ko na muna pinapapunta ang ama niya sa bahay. Nararamdaman ko kasi ang pagkailang ng bata at ayaw ko namang isipin niyang masyado siyang minamadali ng ama niya. Baka lalo pang lumayo ang loob ni Ciarina kung lagi itong nagpapakita sa bahay.

Pero minsan, kapag may isang araw na wala si Theo, napapansin ko ang panaka-naka niyang tingin sa pinto o sa bintana na para bang may hinihintay siyang dumating, may inaasahan siyang papasok roon. Hindi ko alam kung hinihintay ba niya ang tatay niya o sadyang nakatingin lamang ito roon. I wish, tama ang una kong sinabi.

"Anak, bukas na ang family day sa school niyo. Is it okay if... sasama ang daddy mo sa atin?" I asked her gently.

Nagka-usap na kami ni Thep tungkol doon, gustong-gusto niyang sumama. Marami siyang na-miss out sa anim na taon, at ngayong nandito siya, ayaw niyang palagpasin ang event na 'to ng anak niya. At ako rin naman, minsan lang ito, at ang minsan maaring hindi na masundan pa sa susunod. Kaya naman hindi puwedeng sayangin ang pagkakataon. Kung makakasama siya, ito ang unang event sa buhay ng anak niya na kumpleto kami.

"Hmm... puwede naman pong tayo lang... d-dalawa," hindi nakatinging tugon niya.

Napabuga ako ng hangin. Alam ko, mahirap pa rin talaga sa kaniya ito.

"Why, baby? You don't want... to be with daddy? For sure, kasama ng mga classmates mo ang mommy't daddy nila. Masaya kapag kumpleto!"

"Uhh... busy iyon mommy," parang may pagtatampo sa boses niya.

Kumunot ang noo ko at kinuha ang mga kamay niya. "He's not, anak. If it's you, he's not busy," I assured.

"T-Talaga po? Hindi nga po siya... nagpunta rito nang isang araw, eh," nahihimigan ko pa rin ang pait sa tono niya. Para bang nagtatampo talaga ito.

Tama kaya ako sa hinala ko? Hinahanap ba niya ang presensya ng tatay niya kaya ganito siya magsalita ngayon? Na may bahid ng pagtatampo sa bawat sagot?

Wala sa sariling napangiti ako at kinurot ang ilong niya. "You miss daddy, anak?" masayang tanong ko.

Mas lalo siyang nag-iwas ng tingin. Nakanguso siya at gustong bawiin ang mga kamay niyang hawak ko.

"B-Bakit ko po siya mami-miss? Mas okay nga po iyon, i-iyong... wala siya rito. Mas pabor sa akin kasi... hindi tayo masasanay na nandiyan siya."

Annoyingly Yours [Editing In Progress]Where stories live. Discover now