CHAPTER 6

4.1K 80 1
                                        

"Hey!"

Mabilis kong sinundan si Theo nang lumabas na siya ng classroom. Tapos na ang klase at pinauna ko na rin si Tiffany. Bubulabugin ko muna ang lalaking 'to dahil nabuhay na naman ang pagka-papansin ko. Hindi pa kami tapos, ano!

"What?" he answered while still walking.

"Nothing. I just have a few questions in mind... The note earlier. What is that for?" Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, syempre tatanungin ko na agad dahil 'yon naman ang purpose ko kung bakit ko siya kinakausap ngayon.

"What do you mean?" He suddenly stopped walking, so I stopped too.

"Nothing. It's just I... I found it weird. Hindi mo naman ako kinakausap, but suddenly, kanina, you talked to me. So..."

"Are you insinuating something?" Lumiit ang mga mata niya, halatang defensive.

"Eh, bakit ka nagtatanong kanina? Asking me why I'm absent, where in the first place, wala ka namang pake sa akin, 'di ba? Nakakapagtaka lang." I crossed my arms over my chest, trying to see if I can see emotion on his face.

"Hindi ibig sabihin na tinanong kita'y may pakahulugan na. Our two instructors asked your best friend why you didn't attend to their classes."

Eh, kay Tiffany naman pala nagtanong! Kaya ano'ng pake niya roon? Mas lalo akong natuwa.

"And why you're so curious that you need to ask me using your notes, huh? Bakit? Na-miss mo ako?" Humakbang ako ng isang beses, napaatras siya.

Bingo!

Pero sandali, hindi ko maiwasang hindi siya punahin, ang kinis ng mukha niya, parang hindi pa nabilad sa araw. Infairnes, mas clear skin pa siya sa'kin. At pati pilikmata ah, mahaba. Grabe 'to, may pa-boy next door look!

Pero hindi 'yan ang punto!

Nasaan na nga kasi ako?!

"Tama ako, 'di ba? Kaya ka nagtatanong? Curious ka sa buhay ko? Bakit ako absent? You noticed me suddenly. That's new. Bakit, hinahanap mo na ang presenya ko?" I even smirked at him.

Ha! Ano ka ngayon. 'Di ka makapagsalita kasi totoo!The one and only dedma king, Theodore Almeda, saw me for the first time, huh?!

What a great changes!

"Sabihin mo na lang na na-miss mo ang kakulitan ko, hindi naman kita aasarin." Humakbang pa ako ulit. Siya, hindi na umatras kaya naman ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

We're very close, puwede na halos maghalikan. Kung sa K-drama 'to, cue na 'to ng accidental kiss. Pero parang kailangan ko pang tumingkayad nang kaunti, ang tangkad niya kasi!

"Don't be so full of yourself." Bigla niya akong tinulak, hindi naman malakas, hindi rin marahas, banayad naman, pero nagulat ako roon.

"Don't put meaning to my actions. Nagtanong lang ako," aniya'y saka na ito nagmartsa paalis.

Sandali! Hindi pa kami tapos! Akala siguro nito titigilan ko siya. Ngayon pa na nakakakita na ako ng liwanag. No way!

"Hey!" Hinabol ko siya pero hindi siya huminto.

"Theodore Almeda, hindi mo ba alam na mas lalo mo lang akong ginagatungan kapag ganyan ka?" sigaw ko habang papalapit sa kanya.

Tumigil din siya. Unti-unting lumingon. May halong inis at gulat sa mukha niya. Parang hindi sanay na may humahabol sa kanya—o baka hindi siya sanay sa katulad kong hindi sumusuko agad!

"I’m not done talking to you, so don’t walk away like that." Medyo hinihingal na ako pero pinanindigan ko ang tapang. "I’m not just some classmate you can ignore all semester and suddenly ask questions to, tapos aalis ka na lang. Hindi ako robot!"

Annoyingly Yours [Editing In Progress]Onde histórias criam vida. Descubra agora