CHAPTER 2

7.9K 122 1
                                        

Kinabukasan, tuloy agad ako sa plano ko. Mission: Make Him Notice Me. Kaya naman alas sais palang ng umaga'y nasa room na ako kahit never naman akong naging on time sa pagpasok.

"Gosh, girl, ang aga-aga pa! 7:00 palang ang pasok, my gosh! Dinamay mo pa ako sa mga kalokohan mo!" reklamo agad ni Tiffany nang ikalawa siyang dumating sa akin.

Tinawanan ko lang siya dahil mukhang inaantok pa nga ito. Kung hindi ko lang siya pinilit, hindi siya papasok nang ganito kaaga. At ako rin naman kung wala lang akong plano!

"Okay lang 'yan! Ayaw mo no'n, first time sa buhay natin hindi tayo late?"

Inikutan niya ako ng mata. "Whatever."

"Ang tagal niya," sabi ko habang nakaabang sa pinto.

"Sino ba kasi? At ano bang—the hell! Don't tell me, nagpapapansin ka kay transferee?!"

Nakuha niya. Gosh! Kagabi ko pa sinasabi ang plano ko sa kaniya, pero ngayon niya lang ata na-gets!

"Mahina ba signal mo? Malamang! Kaya nga kita pinapasok nang maaga, eh! Tatabi ako sa kaniya, at ikaw, witness ka!"

"Wow? Iiwanan mo na nga ako, gagawin mo pa akong audience!"

I smirked. "Maging supportive ka naman. Hello, we're friends, right?"

"Tss. Eh, bakit mo ba 'to ginagawa? Type mo, 'no?" nang-aasar ang tono niya. Siya naman ang inikutan ko ng mata ngayon.

Type? Saan banda? I just want to have fun, I just want to play, that's all. I saw him interesting, that's why. Kaya hanggat hindi nawawala ang curiosity ko sa kaniya, hindi ko siya titigilan.

Pero ngayon, kung iniisip man nilang type ko siya or whatever, well, then, a toy, puwede pa. Naghahanap lang talaga ako ng mata-target. 'Yon naman lagi ang tingin at ginagawa ko sa mga lalaki, eh—laruan.

I see them as a toy, hindi na hihigit pa roon. At ang isang 'yon, I just want to play with him. At kapag natapos na ako sa kaniya, I will also throw him away just like what I did to my past flings.

"Tiffany, I don't like him, okay? College life is boring. Gusto ko lang ng thrill."

'Yon lang talaga. Wala nang iba. Ang boring ng buhay kung walang lalaki, kung walang laro, kung walang spice.

"Sabi mo, eh," parang hindi pa siya convinced.

"Doon ka na nga. Huwag mong sirain ang mood at mga plano ko!"

"Crazy girl. Don't tell me, hanggang mamaya ay maghihintay ka riyan? Paano ka naman nakakasiguro na maaga 'yong pumapasok, aber?"

"Girl, ang mga matatalino, maaga 'yan sila. Palibhasa lagi tayong late kaya 'di tayo maka-relate!"

"Ewan ko sa'yo!" Natatawa siyang nagtungo sa puwesto niya.

Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pintuan para lang abangan ang pagdating ni Theo—oo, Theo, 'yon ang itatawag ko sa kaniya kahit na hindi kami close!

Pabalik-balik ako sa pintuan habang naghihintay sa kaniya. Kung hindi uupo, tatayo, tapos sisilip sa pinto. Nagrereklamo na nga si Tiffany dahil nahihilo na raw ito sa akin.

Eh, bakit kasi ang tagal ng lalaking 'yon?! Mag-te-10 minutes na! Ayoko pa naman ng pinaghihintay at ng naghihintay!

I stood up for the 6th time. Muling sumilip sa pintuan para tingnan kung nandiyan na ba siya, at nanlaki nga ang mga mata ko nang tuluyang matanaw sa dulo ng hallway ang taong kanina ko pa hinihintay na dumating.

Finally!

He's walking silently, with his head bowed. He's also wearing our school uniform and carrying a black backpack on his back.

Annoyingly Yours [Editing In Progress]Where stories live. Discover now