"OH MY GOD! OH MY GOD! I'M GONNA CRY!"
"Teka sandali! Hindi pa rin ako makapaniwala! Daph, pakikurot nga ako!"
"Sige, halika rito, pero hindi kurot ang gagawin ko sa'yo, sampal na agad!"
"I'm happy for you, Cecilia."
"SHET NINANG NA AKO!"
Halos matawa ako sa iba't ibang reaksyon ng mga kaibigan ko nang papuntahin ko sila ng mansyon at i-annouce ang aking pagdadalang tao.
Naiiyak na si Daphne, si Bethany naman ay shock na shock, habang si Evangeline ay masaya at walang halong panghuhusga ang mukha, at syempre si Tiffany na mukhang excited na excited.
"I thought, you will judge me." Ngunit mali ako.
Nagdalawang isip pa ako nang una na sabihin sa kanila ang sitwayon ko, ngunit dahil pinagkakatiwalaan ko silang apat, at tingin ko'y kailangan ko rin ng karamay, inamin ko rin kalaunan. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko 'yon kayang pasanin nang ako lang. Kailangan ko rin ng suporta mula sa mga totoong taong maiintindihan ako.
"Gaga ka ba?! Bakit ka naman namin huhusgahan?!" Lumuhod sa harapan ko si Daphne at pinagsiklop ang mga kamay namin. "Kaibigan mo kami, at tanggap namin siya." Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking tiyan para haplusin 'yon.
"Right! Para naman kaming judger sa'yo! Gusto mo samahan ka pa namin sa mga checkups mo, eh!" Si Bethany naman ang tumabi sa akin. Sumandal pa sa aking balikat at nakihaplos din sa aking tiyan.
"Pero may OB ka na ba? Dapat regular ang checkups mo. Our baby should be healthy, Cil."
"Wala pa, pero aasikasuhin ko rin 'yon agad, Eva."
Kailangan ko talagang malaman kung malusog ang anak ko. Dalawang linggo kong napabayaan ang sarili nang dahil sa nangyari sa akin. I skipped meals sometimes, na para bang pinaparusahan ko talaga ang sarili. Pero kung alam ko lang na buntis ako, naging maingat sana ako. Naalagaan ko sana nang maayos ang sarili ko, ngunit hindi.
I became selfish to myself.
Na hindi ko man lang alam na may nadadamay na palang iba. Nahirapan ako, pero hindi ko alam na may nahihirapan din pala sa loob ko.
Ngunit nagpapasalamat akong hindi bumitaw ang anak ko, at hindi siya nawala sa akin lalo pa't dinadala ko na pala ito sa sinapupunan ko nang mangyari ang malagim na trahedyang iyon.
My child is so brave.
Baby, thank you for holding on. I promise, I will be very careful this time. I will take care of myself, so that I can take care of you too, anak.
"Nasabi mo na ba kay Theo ang lagay mo?" tanong naman ni Tiffany. Tiningala ko siya, at bakas nga ang inis sa kaniyang mukha.
Umiling ako. "Pero kakausapin ko rin siya tungkol dito. Humahanap lang ako nang tamang tyempo."
Sigurado naman ako, kapag nalaman niya, mapapatalon siya sa tuwa! And of course, your Daddy Theo will take care of us as well. We're both happy to have you, my little.
"Satingin mo, tatanggapin niya ang bata?" bato niya ulit.
"Tiffany! Ang pangit ng mga tanong mo! Hindi magandang pakinggan! Syempre, tatanggapin niya ang bata! Hindi puwedeng hindi, ano ka ba?!"
"Daph, nag-aalala lang ako! Para lang din alam natin kung ano'ng ie-expect natin, at nang makapaghanda tayo sa gagawin! Ang gulo pa naman ng sitwasyon nila ngayon!"
"The hell! If he will not accept the child, then he's a coward!"
"Guys, please? Huwag muna tayong mag-isip ng kung ano-ano. Just be positive. Cecilia needs us right now. Huwag na tayong dumagdag sa mga isipin niya."
"Eh paano nga kung-"
"Tiff, I'm sure, Theo will accept the child," I butted in. I smiled to all of them, assuring them that our relationship will work again.
Alam ko, naniniwala ako, tatanggapin niya ang anak ko. Noon pa man sinasabi na niya sa akin na kapag nagkaroon kami ng anak, siya ang pinaka-magiging masaya sa buong mundo. He will accept it, I know.
Hindi naman niya ako aabandonahin kasi mahal namin ang isa't isa. May problema lang kami pero alam kong maaayos namin 'to. Isang paliwanag ko lang, maiintindihan na niya, sigurado ako!
Mahal ako no'n, eh. Hindi niya ako iiwan. Hindi niya kami iiwan ng anak niya.
"I'm sorry, Cil. Natatakot lang ako na baka... baka maging broken family ang inaanak ko. But, yeah, okay... ano man ang mangyari, we're just here for you. Iwan ka man ng lahat, kami, hindi ka namin iiwan."
YOU ARE READING
Annoyingly Yours [Editing In Progress]
Romance📍COMPLETED📍 BLURB Lia is certified as "annoying" according to Theo-a transferee from another school who now attends the same one as Lia. They're both BSBA Management students and even sit next to each other in class. Naturally, Theo gets irritate...
![Annoyingly Yours [Editing In Progress]](https://img.wattpad.com/cover/395802857-64-k863864.jpg)