"Putangina! Putangina! Kayo na?!" Halos lumabas sa screen phone ko si Tiffany. Wala siyang tigil sa pagtitili nang sabihin kong kami na ni Theo.
I slowly nodded. "Ayoko nang patagalin, sabi mo nga, doon rin naman ang punta non."
"Yes, fuck! Kaya may sasabihin rin ako sa'yo ngayon..." Nanlaki ang mga mata ko, parang agad na rumehistro ang ideya sa utak at alam ko na agad kung ano ang sasabihin niya.
"Kami na/Kayo na!" we said it together.
"Gosh! Pareho talaga tayo ng utak, sabay ba naman sinagot!" We laughed endlessly.
"Oh, well, I guess... we will always have double dates, then." I winked.
"Right! And that's what we call ‘FRIENDSHIP GOALS’!"
Simula nga nang maging kami ni Theo, marami nang nagbago. Talagang nagpaka-boyfriend ito sa akin. Hindi na lang niya ako basta dinadalhan ng strawberries, o ni binibilhan ng mga gusto ko, hatid sundo na rin niya ako. Halos araw-araw na lang kaming magkasama at uuwi lang siya sa kanila kapag pinapaalis ko na—oo, madalas na siya sa bahay!
My parents knew that we're together already, I told them about it right after the pageant. Hindi naman sila tumutol at parang wala namang balak tumutol, para ngang masaya pa si Daddy at Mommy, as if first time kong nakagawa ng desisyon na proud na proud sila. Sumasangayon naman ako roon dahil malaki ang naging kontribusyon ni Theo sa buhay ko. Hindi lang ako basta nakahanap ng taong masasandalan, kundi nakahanap din ako ng taong magmamahal at magmamalasakit sa akin nang higit pa sa kaya kong ibigay.
Indeed, he really showed how much he loves me. Sa araw-araw na lang na magkasama kami, nakita ko ang effort niya para sa akin. He always made me feel special. Hindi niya kailanman ipinaramdam sa akin na malaki ang agwat sa pagitan naming dalawa—he's an achiever, and I'm not. Pero hindi niya ako kailanman iniwan, handa siyang tulungan ako hindi ko man sabihin. He helped me without complaining. At sino ako para balewalain 'yon? I became studious, reason why at least, naipapasa ko ang mga grado ko. He's really a big help to my character development.
The attitude Cecilia? The one who always argue and make face with her instructors? It's gone already. Gaya nga ng sabi ko, dahil 'yon kay Theo. He changed me a lot. Ang ugali ko na hindi kanainis-nais, unti-unti kong binago para sa ikabubuti ko. I realized, sumosobra ako noon, pero ngayon, I'm trying my best to be the better version of myself. Hindi pa naman siguro huli para magbago, hindi ba?
After that day, our relationship has become smoother. Though we're not a perfect couple, like any other couple, we still experience ups and downs. Nandyan na 'yong minsan may tampuhan, mainit ang ulo ko, o kaya'y nagseselos kapag nakikitang may umaaligid kay Theo—lalo na si Dianne! Na kahit in-annouce ko na sa buong section na kami ni Theo, nagpapakita pa rin ito ng motibo at nagpapapansin sa boyfriend ko. Kaya naman isang araw...
"Mag-club tayo mamaya, please. Naiinis ako! Kailangan kong mag-unwind. Samahan mo 'ko!" naghihinagpis na saad ni Tiffany habang binabaybay namin ang lugar patungong classroom.
Maaga siyang nagpunta sa bahay namin. Nagulat nga ako at nagtaka! Pero nang sabihin niya sa aking nag-away raw sila ni Felix, naintindihan ko na kaya naman sabay kami ngayong pumasok dalawa.
"Baka magalit ang boyfriend mo. 'Di ba, ayaw kang pumupunta non sa club? Saka, baka si Theo naman ang magalit sa akin kapag sumama ako sa'yo, ayaw rin non akong nagpupunta sa mga gano'n. Kung gusto mo, sa bahay na lang tayo," suhestyon ko pa.
Hindi ko kayang sumama sa kaniya at iniisip ko si Theo. He will be mad at me if he'll know that I'm with Tiffany clubbing somewhere else. Mas mabuti pang sa mansion na lang kami magwalwal! I'm good girl na, ‘no?!
"Eh!" Napakamot siya sa ulo niya. "Samahan mo na ako! Bff tayo oh, dapat naiintindihan mo ang nararamdaman ko! Kailangan ko lang kumalma. At ang pag-inom lang ang alam kong magpapakalma sa akin. Kaya sige na, please?!"
"Ang kulit mo. Hindi nga puwede ro'n—"
"Sige na, please? Samahan mo na ako, please, please, please!" She didn't stop. Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ko pumayag lang ako.
"Hindi nga puwede. Saka mag-usap muna kayong dalawa ni Felix, sinabi naman pala niya na wala lang 'yong babaeng 'yon," tukoy ko roon sa babaeng ipinakita niya sa picture kanina. Magkadikit si Felix at 'yong babaeng pinagseselosan ni Tiffany. Kuha 'yon sa school, maybe, they're classmates or whatever. Wala naman akong nakikitang mali roon. Eh ang kaso, mabilis umiral ang selos ng babaeng 'to kaya ganito kung mag-react ngayon!
"Ikaw ba, ano'ng mararamdaman mo kapag gano'n? 'Di ba magseselos ka rin? Baliw ka rin kaya sa pag-ibig katulad ko!"
Napaisip ako ro'n. Kinonsensya pa talaga ako! Pero tama siya, gano'n din ako pagdating kay Theo. Shit. Sumasakit ang ulo ko sa gusto ni Tiffany. Gusto ko siyang samahan, pero baka malaman ni Theo lalo't mausisa 'yon sa kin. At kapag nalaman niya, baka magkatampuhan kami bigla! Nalilito na tuloy ako, kung sasamahan ko ba siya o iignorahin na lang. Fuck!
"Ah basta, pag-usapan niyo muna ang problema ninyo. Hindi ako sasa..." Mabilis akong napatigil sa pagsasalita, dahil nang makarating kami sa classroom, mula palang sa pintuan ay tanaw na agad ng mga mata ko na na nag-uusap sina Theo at Dianne! Theo was sitting on his chair, while Dianne is standing beside him.
Tiffany paused too, following my gaze. And after that, I just heard her say, "O-Oh..."
Tangina.
Dianne was laughing while Theo remained poker-faced. Mabilis na nag-init ang ulo ko sa nasasaksihan. What a morning, huh?
This bitch!
Ilang beses ko bang kailangan ulit-ulitin na boyfriend ko na si Theo?! And what's her excuse kapag tatanungin bakit niya kinakausap ang boyfriend ko? Wala! Sinungaling! Eh halata namang gusto lang talaga niyang landiin si Theo!
"Tiff, sunduin mo 'ko mamaya. Magpa-party tayo!" mahina ngunit mariin kong deklara.
Kung kanina ayaw kong sumama kay Tiffany, well, now, I changed my mind. Magpa-party kami ngayon!
"Wow. Ang ganda ng araw, 'di ba?"
Lumapit ako sa kanila saka galit na inatsa ang Gucci bag ko sa lamesa. Pareho silang nagulat saka sabay na lumingon sa akin. What a synchronization!
The students near us turned their heads as well. And Tiffany was silent beside me.
"Lia," he looked me worriedly. Nangungusap agad ang mga mata niya na para bang nagpapaliwanag na wala siyang ginagawang masama.
I swallowed hard. Hindi mo ako madadaan sa mata-mata mo! Galit ako. Galit ako!
"Wow, Dianne, ano'ng reason mo na naman ngayon bakit ka nandito?" I faced her. But the Bitch just crossed her arms and smirked at me.
"Bakit, bawal ba?" parang nang-aasar pa ang boses niya.
Mas lalong kumulo ang dugo ko. Kumuyom ang mga kamao at kaunti na lang, masasabunutan ko na siya!
"Hindi, hindi naman bawal," sarkastiko kong tugon. "Gusto mo ba diyan?" Tinuro ko ang upuan ko sa tabi ni Theo, tapos kay Theo, at balik muli kay Dianne. "Diyan ka na lang. Ayaw kitang nahihirapan, eh." Kinuha ko ang bag ko sa lamesa saka umalis sa harapan nila.
"Lia..." Theo called my name, softly.
Tangina.
Bakit ba kasi may mga babaeng humaharot ng lalaking may girlfriend na?! At talagang ibababa pa nila ang dignidad nila para lang makapang-agaw, huh? Talagang willing sumabit! At kapag tinawag na kabit, sila pa ang galit!
Mabait ako, eh— bumait na ako, pero pagdating kay Theodore, pagdating sa lalaking mahal ko, kaya kong magdamot! Hinding-hindi ko siya mashi-share sa iba! Akin lang siya!
"Baby, please..."
Umupo ako sa tabi ni Tiffany dahil wala pa naman ang katabi niyang si Tanya. Nasa gilid ko na si Theo, pilit akong pinapabalik sa puwesto ko. Hindi ko siya pinansin at naglabas lang ako ng libro at kunwaring magbabasa.
Talagang naiinis ako! Ayaw kong mainis sa kaniya pero hindi ko mapigilan ang sarili. Naiinis din ako sa sarili ko dahil ganito ako kung mag-react. But it bothered me so much!
Magkaibigan nga talaga kami ni Tiffany, pareho kaming baliw!
May tiwala naman ako kay Theo, ngunit kay Dianne wala! Pero naiinis pa rin ako sa tuwing nakikita silang magkasama! Hindi ko mapigilan hindi magselos. Pinaalalahanan ko na si Theo na huwag na huwag niyang kakausapin si Dianne, pero ano'ng nakita ko kanina? Nakatawa pa ang babaeng 'yon! Ano, ano'ng pinag-usapan nila habang wala ako, huh?! At kung hindi ako dumating, mas matagal pa silang mag-uusap gano'n?!
Bullshit!
Hindi ko alam kung valid ba itong nararamdaman ko, ngunit oo man o hindi, hindi niyon mapipigilan ang sarili ko na sumama kay Tiffany mamaya. I need to unwind! Baka sakaling mawala ang inis ko at makalimutan ko ang nangyaring 'to!
Todo advice pa naman ako kay Tiffany kanina, pero sa bandang huli, ako rin pala ang mag-aaya!
"Lia, it's nothing. Tara na, bumalik na tayo ro'n," marahan pa rin ang boses niya. Kinuha niya ang kamay ko at dahan-dahan pilit pinapatayo.
"Ano ba!" Iwinasiwas ko ang kamay niya. "Bumalik ka na nga ro'n! Dito na ako uupo!" Muli kong tinuon ang sarili sa pagbabasa ng libro. Hindi na siya nagsalita kaya akala ko aalis na siya, pero...
"Tiffany, may we exchange seat for the mean time?" rinig kong tanong niya sa katabi ko.
Mabilis kong binalingan si Tiffany, binigyan siya nang mariin at makahulugang tingin. "Huwag kang aalis diyan."
"Sorry, girl. 'Mag-usap kayo'," she said, imitating what I said earlier. Then she stood up and sat beside Patricia's chair just in front of us.
Tangina! Nagkampihan pa talaga!
Theo really sat next to me. But I just kept facing forward in my seat, while he was practically facing me. Hindi tuloy ako makapag-focus!
"Baby, I'm not talking to her. Please..."
Wala. Wala akong naririnig!
Not talking to her, huh, really? Eh ba't nakatawa 'yon kanina? Ano, nag-i-imagine lang siya?! Tss! Tatawa ba 'yon nang walang dahilan at kung hindi niya kinausap?!
"Are you mad?" He tried to get my hand but I refused many times.
Ang kulit! Mahirap bang intindihin na gusto ko ng space?!
"Nagtanong ka pa talaga. Ano sa palagay mong reaksyon 'to, masaya?!" I almost yelled. Muling napatingin sa amin ang aming mga kaklase, pero mabilis ding bumalik ulit sa ginagawa, para bang ayaw makisawsaw.
"I'm sorry, ok. Please, don't raise your voice, let's talk about it calmly, hmm?" He's still gentle. Nakasigaw na ako't lahat-lahat, pero siya marahan pa rin sa pagsasalita.
Bigla tuloy akong na-guilty. Pero nakakainis kasi! Naiinis pa rin ako hanggang ngayon. At gusto ko lang, huwag niya muna akong kausapin para mawala ang init ng ulo ko. Dahil kung patuloy siya sa pagkulit sa akin, lalo lang hindi huhupa ang emosyon ko.
"Just don't talk to me yet, please," mababa na ang boses ko, kalmado na. I heard him let out a heavy sigh, surrendered to what I wanted.
Hanggang sa matapos lahat ng subjects namin, hindi ako kinausap ni Theo, he gave me the peace I wanted. Yet, his hand on my back never leave me. Nakadantay lang ang braso niya sa likod ng upuan ko the whole time.
Nang mag-ring ang bell ay mabilis akong nagligpit. Nagmamadali akong tumayo sa upuan ko at pagkatapos ay pinuntahan ko si Tiffany.
"Tara na," sabi ko sa kaniya. Ngunit bago pa man siya makasagot sa akin ay nasa harapan na agad namin si Theo, nakaharang sa aming daraanan.
"Cecilia, let's talk—"
"Uuwi na kami. Tabi." Hinila ko si Tiffany, hindi siya pinansin. Pero mukhang sinusubukan yata ang pasenya ko at ayaw niya akong tigilan. Hinuli niya ang kamay ko at pinigilan umalis.
"Mag-usap tayo. Hindi natin maaayos 'to kung mainit ang ulo mo."
"Ayaw ko nga sabi. Saka mo na ako kausapin kapag hindi na kita nakitang nakikipag-usap sa manok na 'yon!" I was referring to Dianne.
"I'm not talking to her. Siya ang—"
"Whatever!" Inalis ko ang hawak niya sa akin saka muling hinila si Tiffany palabas ng classroom. Dinoble ko ang lakad ko para hindi niya maabutan, si Tiffany naman ay napapasabay lang din sa akin.
"Girl, ang sakit!" reklamo niya. Nakalabas kami ng campus nang hindi ko na nakikita si Theo.
"Magsama sila ng babaeng 'yon! Kainis!"
"Hay, tingnan mo nga naman, pareho pa tayo ng problema. We're besties talaga!" parang natutuwa pa niyang saad.
Puwes, ako, hindi na natutuwa!
Please, don't forget to vote this chapter. Gracias!
YOU ARE READING
Annoyingly Yours [Editing In Progress]
Romance📍COMPLETED📍 BLURB Lia is certified as "annoying" according to Theo-a transferee from another school who now attends the same one as Lia. They're both BSBA Management students and even sit next to each other in class. Naturally, Theo gets irritate...
![Annoyingly Yours [Editing In Progress]](https://img.wattpad.com/cover/395802857-64-k863864.jpg)