Life is full of challenges, but I always say I'm Cecilia Delgado, I never give up because I believe that love-real love, doesn't end with goodbye.
Week after when I try to regain what I've lost, the strength, the confidence, the love for myself and all, I chose to fix what I need to fix.
May isa pa akong hindi naayos, ang relasyon namin ni Theo. Sa dami ng nangyari, madalas man kaming magkita, sa skwelahan, sa burol noon ng pamilya ni Tiffany-at sa burol niya, nagpapangabot man, ngunit kailanman ay hindi na nag-usap.
He's too close yet so far. But now, I will try.
Kami naman muna ng anak ko, kasi alam ko, kailangan kong buuin ang pamilya namin. Hindi puwedeng hanggang doon na lang 'yon. Sapat naman na siguro ang ilang linggo naming paghihiwalay, 'di ba?
Baka humupa na rin ang galit niya at maari na kaming mag-usap. Dahil kung patatagalin ko pa ito, baka wala na akong balikan.
"Puwede ba tayong mag-usap? Mamayang gabi. I-s-send ko ang address," puno ng lakas ang loob ko kahit na nanlalambot ako sa mga tingin niya.
"Wala akong panahon. Sabihin mo na sa akin ngayon," malamig pa sa yelo niyang tugon.
Ngumiti pa rin ako para hindi niya makitang nasaktan ako roon.
Usap lang, Theo... Pagbigyan mo naman kami ng anak mo.
"Marami tayong dapat... pag-usapan. May importante rin akong sasabihin sa'yo, k-kaya sana... makapunta ka. Hihintayin kita mamaya." Saka na ako umalis dala ang nawala kong kumpyansa.
He's cold-too cold, that I can't move with those sharp eyes and cold stares. Sa tuwing nakikita ko ang mga malamig niyang tingin, hindi ko kayang tagalan, kasi parang ipinapamukha sa akin ng mundo na... ayaw na niya sa akin.
Kapag mahal mo, hindi ka sasaktan, 'di ba? Pero baka lang galit pa rin siya, mahal niya pa rin naman ako, 'di ba? Oo naman! Kasi bakit hindi na niya ako mahal eh nangako kami sa isa't isa? Ang mga pangako, hindi dapat napapako. May isa siyang salita, kaya niyang panindigan 'yon, 'di ba?
Baby, sana makipagbati na si daddy kay mommy. Miss na siya ni mommy, eh. Malungkot si mommy kapag hindi siya pinapansin ni daddy.
Hindi ako susuko-hindi ko siya susukuan.
Magkakaayos kami, 'yon ang pinaniniwalaan ko, doon ako kumapit, ngunit nakita na naman yata ng mundo na hindi ako nararapat maging masaya dahil lahat ng pag-asa ko... pinabagsak niya nang tuluyan.
"Dumating ka please," I whispered under my breath while roaming my eyes around.
Nasa dating tagpuan na kami ni Theo, sa park, malapit lang sa campus. Nakaupo ako sa swing habang hinihintay siya. Alas otso ang sinabi kong oras ng pagpunta, ngunit mag-iisang oras na'y wala pa rin ito.
Hindi ko alam kung nabasa niya ba ang mensahe ko o wala talaga siyang balak pumunta. I sent a message again using my new number. Kabisado ko ang numero niya, at nagpakilala ako sa mensahe bago ko naman 'yon i-send. Sigurado ako, natanggap niya, pero bakit... wala pa rin siya?
Tumayo na ako at naglakad-lakad. Baka na-late lang siya o na-traffic! Basta maghihintay ako rito ano man ang mangyari.
I gently caressed my belly under my hoodie, ramdam ko na ngayon ang baby bump ko sa tiyan. Kahit papaano'y lumalaki na rin ang tiyan ko kaya hindi na ako nagsusuot ng mga masisikip na damit. Pati ang uniporme ko sa skwelahan ay pinapalit ko na rin ang size. Ayoko pa munang mapansin at malaman ng ibang mga kakilala, kailangan ko pa munang sabihin ito kay Theo.
I bit my lower lip because I can feel that I'm going to cry any time soon. Simula nang mabuntis ako, lalo akong naging emosyonal, dagdag pa ang mga nangyari sa mga nakaraang linggo.
Babalik na sana ako sa swing nang maaninag ang bulto ng kung sino. At parang nagbunyi ang puso ko nang makita kung sino 'yon.
"Theo! Akala ko 'di ka na darating!" hindi ko naitago ang saya at mukhang napalakas ang aking boses.
He walked towards me. And he's wearing a black loose pants and a white hoodie as well. Nang ibaba pa niya sa kanyang ulo ang kanyang hood, parang tumigil na naman ang mundo ko.
Baby, ang guwapo talaga ni daddy! Mapasimple o galanteng suot, bagay na bagay sa kaniya!
"Nagpunta ako rito para sabihing tigilan mo na ako."
Doon tuluyang nawala ang ngiti sa puso ko nang walang paligoy-ligoy nito yong sinabi. Seryosong-seryoso ang kanyang tono, pati ang mukha ay hindi mo makikitaan ng reaksyon.
"What do you even need from me? Hanggang ngayon, hindi pa malinaw sa'yo na tapos na tayo? Okay, I repeat... we're done, Cecilia."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi rin kumukurap. Pero ang mga mata, patuloy sa panlalabo, hindi ko na siya makita, hindi ko na maaninag ang kanyang mukha.
Bakit... ang sakit-sakit naman?
Akala ko, concern siya sa akin nang gabing magka-usap kami sa burol ng pamilya ni Tiffany? Kinausap niya ako non! Hindi niya ako inaway o ano. At nang libing, niyakap niya rin ako! Hindi niya ako pinalayo, kinausap pa nga niya ako! Sinabihan ng mga salitang magpapagaan sa loob ko! Pero bakit ngayon... ganito?
Akala ko... akala ko okay kami kahit papaano. Hindi lang nag-uusap pero... nag-aalala pa rin sa isa't isa. 'Yon ang pinakita niya! 'Yon ang pinaramdam niya! But was that all... nothing? That I just assume that there's still "us" because of his actions, but at the end of the day... wala na talaga?
"T-Theo... a-akala ko, m-maayos tayo k-kahit paano. A-ano 'yong mga p-pinakita mo s-sa akin-"
"Huwag mong bigyang pakahulugan ang mga ginawa ko... Naawa lang ako sa'yo."
Awa... naawa lang siya sa akin?
Lumunok ako ng isang beses at pinalis ang mga luha sa mga mata. Naglakad ako palapit sa kanya ngunit siya namang atras niya.
"You think I forget what you did to me already?" puno ng panunuya niyang binitawan.
Mabilis akong umiling at nilapitan pang muli siya, ngayon hindi na siya umatras.
"I-It was just all misunderstanding. B-Believe me, D-Dianne planned that to ruin our relationship. P-Pero nang g-gabing 'yon, s-sinet-up niya lang a-ako kasama ang e-ex ko p-para magalit ka sa akin! K-kasi g-gusto ka niyang makuha sa akin! 'Yon ang totoo! M-Maniwala ka sa akin, please..."
"Stop with your lies! Sinabi ko nang ayoko sa mga sinungaling!" He shouted on my face. Halos mapaatras ako. Halos mangatog ang mga binti ko sa kinatatayuan ko.
"I-I never cheated o-on you. T-Theo... A-ang totoo.. m-muntik na akong... m-muntik na akong m-magahasa." Nasabi ko rin.
Nakita ko ang mabilisan niyang pagtigil. Ang mabilisang pagbabago ng reaksyon ng kanyang mukha. Ng pagdaan ng sakit, sakit sa kanyang mga mata, ngunit mabilis lang, nawala rin agad.
"S-Sinungaling! What the fuck are you saying?! Is that another lie for me to believe-"
"Hindi! 'Yon ang totoo!"
"Wow! Now, you leveled up your script, huh? From being sick, that you never cheated, and now, you're telling me that you almost got r*ped? What's next?!"
"Nagsasabi ako ng totoo!" I cried in pain.
Bakit ba ayaw niyang maniwala?
"Really? Mukha ngang sarap na sarap ka roon sa picture. But now, you're creating a whole story with a lot of plot twist! But sorry, I won't let myself trap in your illusion! I won't let myself believe in that fantasy! You're so full of lies, Cecilia!"
"I'm telling the truth! Hindi ako gumagawa ng kwento! Hindi ako nag-iilusyon! Hindi ako nagsisinungaling! At para ano, para lang mapaniwala ka? Theo, hindi ako ganoong klaseng tao!"
"You're a liar. A cheater. A story maker. Ano pa ba? Ano pa bang kaya mong-"
"How dare you!" I stopped him with my slap. Tumagalid ang mukha niya, at kahit gabi, alam kong namula ang pisngi niya.
Nanginginig naman ang kamay kong ginamit. Ang puso ko ay sobrang bilis ng tibok. Galit na galit ko siyang tiningnan. Dahan-dahan naman ang paglingon niya sa akin, ngayon, mata sa mata niya akong tiningnan. And I can see, nakita ko kung gaano namumula ang mga mata niya.
"S-Sa lahat ng tao... s-sayo ko hindi inaasahang m-maririnig lahat ng 'yan. W-wala kang karapatang akusahan ako sa mga bagay na hindi ko kailanman ginawa! M-Matatangap ko ang galit mo k-kung totoo lahat ng mga binibintang mo, pero hindi! T-Theo... m-minahal mo ba talaga ako?"
"Don't ever question my love for you!" mahina ngunit mariin.
Mapakla akong natawa. "Ngunit kaya mo akong pagdudahan?! Minahal mo ba talaga ako o-"
"Wala kang karapatang kuwestyonin kung minahal ba kita kasi putangina binigay ko sa'yo lahat! Wala kang alam! H-Hindi mo alam kung... k-kung gaano kita minahal!"
Really? Pero bakit kaya mo akong pagdudahan? Kaya mong maniwala agad sa iba? Kaya mo akong saktan nang ganito?
"I-Ikaw ang sinungaling! W-Wala kang isang salita-"
"What you did is unforgivable! What do you expect from me?! Akala mo ba, madali sa akin ito?" humina ang boses niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin at hinuli ang mga balikat ko. "Kung akala mo ikaw lang ang nahihirapan, puwes makasarili ka! S-sinaktan mo ako, tapos ngayon, gusto mo yakapin pa rin kita pabalik pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin?! You're so selfish! You never cared about my feelings!"
"H-Hindi totoo 'yan!" Sinubukan kong alisin ang ang kamay niya sa mga balikat ko, ngunit lalo lamang humigpit ang hawak niya.
"Fuck, Lia! You fucked other man while we were! What do you expect from me?!"
"H-Hindi ako nakipag-sex sa iba! B-Bitawan mo nga ako! N-nasasaktan ako, T-Theo!" Before I could pushed him, siya na mismo ang bumitaw sa akin. Napasabunot siya sa ulo niya at tumalikod sa akin, humarap din pagkatapos ng ilang minuto.
I just cried. 'Yon naman lagi, eh. Akala ba ng mundo, hindi masakit? Akala ba ng mundo, hindi ako nasasaktan?
Baby, mommy will try to fix this, ok? Para sa pamilya natin. Susubukan kong ayusin, anak, kasi deserve mo ng kumpletong pamilya.
"W-Wala kang alam sa pinagdaan ko ng gabing 'yon! N-Nagtatampo ako! N-Nagagalit ako kasi a-ayaw mo akong pakinggan! H-Hindi mo man lang ako tinanong nang bumalik ako, k-kung kumusta ba ako o ano... W-Wala akong ibang narinig sa'yo kundi... kundi ang mga paratang at... pakikipaghiwalay mo!" sumbat ko.
Ang tagal kong kinimkim ang tampo ko. Pero dahil naiintindihan ko siya, hindi ko kailanman sinabi, hindi ko kailanman ininda, kasi alam ko nasasaktan lang din siya. Pero ngayon, tingin ko'y sobra na.
Hindi naman ako bato para dalhin ang mga tampo ko. Kailangan ko rin mapakinggan niya ako. Kung gaano din ako nasasaktan, na hindi lang siya!
"Dianne told me that you we're enjoying with that bastard! What do you want me to think?! Tawag ako nang tawag sa'yo pero putangina hindi ka sumasagot! At pagkatapos, 'yon lang ang matatanggap ko?! Putanginang ginago niyo ako!" halos isigaw niya yon sa mukha ko.
Umiling lang ako. Hindi na alam kung ano pang paliwanag o salita ang ibibigay ko sa kaniya para lang paniwalaan ako.
"P-Patawarin mo ako... g-gusto ko na lang na magkaayos tayo, Theo. B-Baby please..." Lumuhod ako sa harapan niya.
Wala na akong ibang maisip kundi ito na lang. Wala nang patutunguhan ang pagtatalo namin. Sarado ang isip niya. Ayaw niyang makinig. Baka dito, kapag nagmakaawa ako, magkaayos kami.
Wala na akong pakialam kung magmukha akong kawawa pero hindi ko siya kayang pakawalan. Hindi ko siya kayang mawala. At para sa anak namin. Kailangan namin siya ng anak ko.
Wala na akong pakialam sa pride ko, o sa kahihiyan, ang hangad ko lang ay maibalik siya sa akin, at ang maayos ang relasyon namin. 'Yon lang ang gusto ko.
"B-Baby please... a-akuin ko na lahat, s-sige... b-basta b-bumalik ka lang sa akin, Theo, p-please..." Niyakap ko ang mga binti niya saka ko roon sinandal ang ulo ko.
I never imagined myself begging like this just for love. Ngunit wala na akong pakialam. Para sa anak ko, bubuuin ko ang pamilya namin. Kahit kaunting pagmamahal lang, kahit kaunting sukli lang. Basta para lang sa bata.
"T-Tumayo ka diyan," ramdam ko ang mariin niyang utos. Tiningala ko siya, kitang-kita ko ang pamamasa ng mukha niya.
"H-Hindi... A-ayoko, i-iiwan mo ako. T-Theo, a-ayoko-"
"F-Fuck, Cecilia!" He tried to push me but I didn't give in. Mas hinigpitan ko ang kapit sa binti niya, ayaw siyang pakawalan.
"T-Theo, n-nakikiusap ako... H-Huwag mong gawin sa akin 'to... I-Iniwan na ako ng lahat, h-huwag naman p-pati ikaw, p-please."
Huwag mo rin akong talikuran, please. Ikaw na lang ang natitira sa akin. Mahalin mo naman ako, kahit hindi na buo. Titiisin ko, kahit hindi na malaki ang balik. Ang importante ay ang bata.
"B-Baby, I-I accept your a-anger. L-lahat ng paratang mo, o-ok na sa akin... B-basta lang huwag mo akong iwan. T-Theo, h-hindi k-ko kaya n-nang wala ka. M-mahal na m-mahal kita!"
"C-Cecilia, ano ba?!" Tinulak pa niya ako ulit. I winced in pain, but I never gave up. Kumapit pa lalo ako, pero sa sobrang sakit na ng katawan ko sa pagtutulakan namin ay napabitaw na ako. Pero mabilis ako, kahit muntik nang masubsob sa damuhan ay tumayo pa rin ako at kumapit muli sa mga binti niya.
I cried in his feet. He's crying too. We're both crying. Our scream, our cries, yon lang ang namayani sa tahimik na gabi.
"CC-Cecilia b-bitaw..." that's almost begged. Mabilis akong umiling at hindi pa rin siya pinakawalan.
Hindi! Hindi ako aalis dito! Hindi ko siya pakakawalan hanggat hindi kami nagkakaayos! Kahit umabit pa kami ng umaga, kung kailangan kong sumabit sa mga paa niya gagawin ko, huwag niya lang akong iwan!
"T-Theo, I'm b-begging you... M-Mamatay ako sa sakit k-kapag iniwan mo ako. A-ayaw mo na ba sa akin? T-Theo, mahal n-na m-mahal kita... K-Kahit k-kaunting pagmamahal n-na lang... H-hindi na ako m-magrereklamo p-pa. S-sapat na 'yon s-sa akin... K-kahit m-maliit na pagmamahal, t-tanggapin ko. P-please... h-huwag mo lang akong i-iwan..."
I begged over and over again. Nararamdaman ko na ang pagkagasgas ng lalamunan ko'y patuloy lang ako sa pagmamakaawa.
"I-I... I-I don't love you anymore..."
'Yon na ata ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kaniya. Noong una hindi ko pa ganoon ramdam, ngunit ngayon, para yong bala ng baril at mabilis na dumaplis sa aking puso. Ramdam ko na naman ang pagragasa ng dugo sa puso ko.
Hindi, nasasabi niya lang 'yon para mapaalis ako! Sinabi niya lang 'yon para tumigil na ako!
"B-Bawiin m-mo, p-please..."
Nagmamakaawa ako, tama na.
Bakit ba ganito siya sa akin? Hindi ko siya kayang iwan, pero bakit siya... kaya niya?
Ganoon ba talaga ang tingin ng tao sa akin? Hindi ba ako sapat para manatili sila sa tabi ko? Hindi ba ako ganoon ka-importante para hindi piliin? Hindi ba ako... mahalaga?
"T-Theo, b-balik n-na tayo s-sa... s-sa dati, please..." Hinahabol ko na ang hininga ko sa kakaiyak. Naninikip ang dibdib ko, nanginginig na ang mga tuhod sa kakaluhod.
"I said we're done!" With his full strength, I let go of his feet. Napaupo ako sa damo at lumayo siya sa akin. Sinalubong ko ang mga mata niya. Nag-aalabab ang mga mata niya.
No, please... Ito na ba? Huli na ba? Wala na ba... talaga? Mawawala na siya sa akin? Iiwan... na niya ako? Hindi ko... hindi ko pa kaya. Puwedeng isa pang... araw?
"Can't you see yourself?! You're begging like a desperate woman! You cheated on me but you still have the audacity to force people to love you! Nakakahiya ka! You know what, Cecilia? I hope... I hope we never met each other! You're a liar- and liars don't deserve even a single ounce of love! I regret loving someone like you! Nandidiri ako sa'yo!"
Walang preno, walang paligoy-ligoy, walang pagdadalawang isip, he said it straight to my face, ni hindi man lang huminto, para bang hindi man lang siya nasaktan para sa akin. Walang ingat. Walang concern. He... he meant everything.
Sumuko na siya. Dapat ko na rin bang... tanggapin? Pero paano kami ng anak ko? Paano ako? Ang bata? Hindi na ba mabubuo ang pinapangarap kong masaya at buong pamilya para sa kanya? Ito na ba talaga ang katapusan para sa aming dalawa?
Baby... ayaw na ba talaga sa atin ni Daddy?
Kahit wala na akong lakas, dahan-dahan akong tumayo. Hindi ko alam kung ano nang itsura ko ngayon pero wala na akong pakialam pa.
"I-I this... t-the end?" I painfully asked. I looked him in the eye, ngunit yumuko lamang ito. "H-Hindi mo ba ako... m-mapapatawad?"
"I can't stay with someone who hurt me. I can't stay with someone who can't settle with one man," he answered without stuttering.
Wala na.
Pinasuko na ako ng daddy mo anak. Hindi niya kayang manatili sa tabi ni mommy. He really meant everything he said. Baby, wala na tayong laban.
"If you just became contented-"
"Hindi ko alam na mababa pala ang tingin mo sa akin," I cut him off. "Hindi ko alam na mas paniniwalaan mo ang sasabihin ng iba kaysa sa akin. Wala ka ring pinagkaiba sa kanila... hinusgahan mo rin ako."
My fist clenched and equaled his cold stares with more cold one.
"You don't have to dump me like this, ako na ang kusang aalis sa buhay mo," nasabi ko 'yon nang hindi pumipiyok at nang buong tapang.
At hindi ko alam kung namamalikta lang ako, pero para bang nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya na para bang nasaktan sa aking sinabi-ngunit wala na akong pakialam.
Hindi ako punching bag para suntukin ng ilang beses para lang masaktan. Sobra na ang awa ko sa sarili ko-na dapat naman talaga'y sa akin unang magmula at hindi sa ibang tao.
Nagpaliwanag na ako, hindi ako nagkulang, wala akong inapakang tao, at malinis ang konsensya ko. Tama na siguro iyon. Pagod na pagod na akong umintindi sa iba-lalo na kung hindi nila yon kayang suklian.
"M-Mahal kita... p-pero ayoko nang magmukhang tanga. At least, aalis ako na alam ko sa sarili kong hindi ako kailanman nagkamali sa'yo. Y-You don't have the right to tell me that you regret loving me-I'm the one... I'm the one who regret loving someone who has lack of trust with his partner. H-Hindi ka marunong magmahal, Theo, dahil h-hindi ka marunong magtiwala. But... thank you... T-thank you for loving me for a short period of time."
After saying those words, parang may lumaya sa puso ko.
I smiled weakly at him. "P-para sa babaeng susunod mong mamahalin..." I stopped and wiped my tears. I ate our distance and caressed his cheeks with my both hands.
"Pagkatiwalaan mo siya..." I also wiped his tears. And for the last time, I hugged him, and he didn't say anything nor push me.
Huli naman na. Susulitin ko na. Kahit ito lang.
I hugged him tightly.
Baby, can you feel daddy? I'm sorry, anak, this is the first and last you will hug daddy. But I promise, you will never feel that you are incomplete, because I will make sure that I will be a great mother, and father to you.
"Thank you for everything, Theo. G-Goodbye..." Humiwalay na ako sa kanya. Hindi pa rin siya gumagalaw, para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
I slowly walked away. Hindi na ako lumingon-ayokong lumingon, dahil baka kapag ginawa ko, bawiin at lunukin ko lamang lahat ng sinabi ko.
Nang may dumaang taxi, that's when I realized that it's really the end. Wala nang lingon-lingon pa, sumakay ako roon na para bang 'yon na talaga ang hudyat ng aking pag-alis at kailanman, hinding-hindi na babalik pa... sa kaniya.
Please, don't forget to vote this chapter. Gracias!
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Annoyingly Yours [Editing In Progress]
Romantizm📍COMPLETED📍 BLURB Lia is certified as "annoying" according to Theo-a transferee from another school who now attends the same one as Lia. They're both BSBA Management students and even sit next to each other in class. Naturally, Theo gets irritate...
![Annoyingly Yours [Editing In Progress]](https://img.wattpad.com/cover/395802857-64-k863864.jpg)