ACT 12: THE POEM

20 0 0
                                    

Ace's POV

Nang makarating kami sa bahay ay kinuha ko ang isang lumang diary na nakita ko sa library ng bahay. Isang diary ng nagngagalang Ponciano Galvez. Nakasulat dito ang pangalang Apolinario. Dito ko rin nalaman ang tungkol kay Jullieta. Hindi ko alam lahat ng nakapaloob sa diary dahil wala pa sa kalahati ang nababasa ko. Sinimulan ko ulit itong basahin.

("Sa araw na ito ay darating ang pinsan ni Jullieta, kaya pupunta kami ni Apolinario sa bahay nila para makilala ito ni Apolinario. Habang naglalakad kami ay may tumawag sa akin.

"Ponciano?" - sigaw nito.

Nagulat ako ng makita ko ang tumawag sa akin, ito ay si Felipe")

"Felipe?" - bulong ko sa sarili ko.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

("Si Felipe ay kababata namin ni Apolinario. Nagpunta siya ng Maynilad para mag aral.

"Felipe ikaw na ba yan?" - tanong ni Apolinario.

"Oo ako na ito kapatid na Apolinario, kumusta ka Ponciano? Ang balita ko ay nakamit mo na ang matamis na oo ng iyong iniirog na si Jullieta." - sabi ni Felipe.

"Hindi pa kapatid, marami pa akong kakaining bigas bago ko makamit ang kanyang pag ibig." - sagot ko.

Sumama siya sa amin upang makilala din niya ang pinsan ni Jullieta. Nang makarating kami sa bahay ay natulala kami sa ganda ng kasama ni Jullieta.

"Oh, tila ata nakakita kayo ng multo mga ginoo?" - tanong ng babaeng kasama ni Jullieta.

"Pasensya na binibini, kami ay nabighani sa taglay mong kagandahan, ako nga pala si Ponciano at itong kasama ko ay sila Felipe at Apolinario." - sagot ko.

"Ponciano maupo kayo." - sabi ni Jullieta.

"Sandali lang Jullieta di mo ba ko nakikilala at di mo ba sasabihin ang pangalan niya?" - tanong ni Felipe.

"Felipe kilalang kilala kita. Ito nga pala si Estela, ang pinsan ko." - sagot ni Jullieta.)

Napaisip ako kung bakit ganito ang nakasulat sa diary, parang isang kuwento ang pagkakagawa. Hindi ko alam kung bakit detalyadong masyado ang lahat ng pangyayari sa buhay ng Ponciano na ito. At may isa pang gumugulo sa isip ko, ay kung buhay pa ba ang mga taong nababanggit sa diary na ito. Gusto kong hanapin namin si Apolinario pero di ako sigurado na buhay pa ito. Nagpatuloy ako sa pagbabasa.

("Lumipas ang mga araw at nawili kami sa pagbisita kila Jullieta. Ngunit isang araw ay may nangyari na di ko inaasahan.

"Ponciano samahan mo akong uminom." - sabi ni Estela.

Uminom kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit nahilo ako agad sa iniinom namin. Nakatulog ako. Nagising ako ng bumukas ang pinto.

"Po-Ponciano?" - tanong ni Jullieta.

Babangon na sana ako ng maramdaman kong wala akong saplot at ganoon din si Estela. Di ko alam ang sasabihin ko kay Jullieta. Lumabas siya at nagmadali akong nagbihis. Pinuntahan ko siya sa labas pero wala na siya. Pumunta ako sa tabing ilog. Nakita ko siyang umiiyak. Nilapitan ko siya. Hawak niya ang kuwintas na bigay ko sa kanya.

"Bakit Ponciano?" - tanong nito.

"Jullieta wala akong alam sa nangyari, nalasing ako." - sabi ko.

"Paano si Estela? Kailangan mo siyang panagutan." - sabi ni Jullieta.

"Ililihim natin ito at magpapakasal tayo." - sabi ko.

Pumayag siya sa gusto ko. Nagpakalayo layo kami. Ngunit isang araw paggising ko ay wala na si Jullieta. Dala niya ang anak namin. Bumalik ako sa bayan namin. Si Apolinario agad ang sumalubong sa akin.

Ikinuwento niya sa akin ang lahat. Pagkatapos naming umalis ni Jullieta ay nagpakasal si Felipe at Estela. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Pinuntahan ko sila para dalawin.

Nakita kong masaya si Felipe. Kinumusta ko sila. Pero si Estela. Halatang galit siya sa akin. Nakita kong may anito sa bahay nila. Nakakatakot iyon. Tinanong ng dalawang bata kung sino ako. Nagpakilala ako sa kanila. Ang pangalan ng batang babae ay Esperanza Dela Cruz at ang lalaki ay si Luciano Dela Cruz.")

"Lo-Lolo Luciano?!" - gulat na sabi ko sa sarili.

Iyon ang pangalan ng ama ni mommy. Di ako pwedeng magkamali. May nahulog na larawan mula sa libro. Dinampot ko iyon. Nakita ko ang isang family picture. Tama ako, si lolo Luciano nga ang binatang nasa larawan. Di ako pwedeng magkamali. Kinuha ko ang mga larawan ni lolo Luciano. Naitago ko pa iyon bago siya mamatay. Maraming nagsasabi na kahawig ko si lolo Luciano. Kung ganoon ang lola ni mommy ay si Estela? Lola ko ang may kagagawan ng sumpa? Kinuha ko ang larawan. Tiningnan ko ang likod nito. May nakasulat doon.

"Si Felipe ang pumatay kay ama, ang larawang ito ay malaking kasinungalingan. Si Ponciano ang aking ama, pagkalipas ng mahabang panahon kahit na pilit siyang inagaw ni ina kay Jullieta ay ibinuwis nya pa rin ang buhay niya para kay ina.Kahit sandali ko lang nakasama si ama ay naging mabuti siya sa akin, kaya itinabi ko ito kasama ng diary ni ama."

Si Ponciano ang lolo ni mommy? Pero bakit ako gustong paslangin ni lola Estela? Ano ang dahilan? At yung tula, ang tula ay gawa sa liham ni lolo Luciano. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Paanong kadugo ko pala ang may gawa ng lahat.

Rendel's POV

Iniisip ko kung paano nalaman ni Ace ang lahat. Kinuha ko ang litrato ni lola. Si lola ang nagpalaki sakin. Siya ang tumayong mga magulang ko. Si lola Esperanza lang ang nag iisang kamag anak ko. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni lola.

~~~~~FLASHBACK~~~~~

"Rendel, hanapin mo ang anito. Pagmamay ari ito ng ating angkan, bukod tangi ang anito na iyon. Kailangan mong makita iyon dahil may kakaibang kapangyarihan ito." - sabi ni lola Esperanza.

"Pero lola saan ko po iyon makikita?" - tanong ko.

"May tatlong magkakaibigan. Ang isa ay magiging bayani, ang isa ay magtatraydor, at ang isa ay mabubuhay sa pighati at pagdurusa." - sagot ni lola.

Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

~~~END OF FLASHBACK~~~

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa akin. Pero ang importante ay nagawa ko ang gusto niya. Nagawa kong mahanap ang anito. Kasama si Estela at si Shi.



Author's Note:

Ano kaya ang totoong nangyari sa nakaraan? Nahulaan nyo na ba kung sino si Shi? Salamat sa nagbabasa

Sumpa ng Nawawalang Anito II (Kuro no Taito)Where stories live. Discover now