Inirapan ko ‘to. “Matanda na siya. Good for him na may ipon na. Mag ipon pa siya para sa future niya.”
“Marami nga ‘yan ipon. Kaya ka na niyang buhayin. Tapos damay niyo na rin ako.”
Nagsalubong ang kilay ko. May saltik na talaga siya. Hindi ko na kinakaya ang takbo ng utak niya.
“Bubuhayin ko ang sarili ko. Itigil mo ‘yang pangbubugaw mo.”
Napamaang ito. “Hindi kita binubugaw!” Tinaasan ko siya ng kilay. “Pero ship ko kayo. You’ll be a great couple kapag naging kayo. Ikaw pa magiging first gf niyan! He’s matured. Kahit siguro wala siyang ex alam niya na mag handle ng relationship. He’s financially capable. Though kaya mo naman sarili mo at hindi ka magastos. Marunong na rin siya mag luto. Lagi kang cravings satisfied. Pogi. Matangkad. Maha–“
“May hindi ka sinasabi sa ‘kin, Thea.” Pagputol ko sa pagsasalita niya.
Naging mailap ang mata nito bago muling tumingin sa ‘kin. Halata siya.
“Huh. Wala, ah. Honest kaya ako sa ‘yo.” Sige parin ang pagtanggi nito.
Pareho kaming napatingin kay Gideon nang maupo ito sa harapan namin. Natahimik din si Thea. Nang tignan ko ‘to'y nasa labas na ang tingin. Mahina siyang kumakanta kasabay ng tugtog.
“Saan tayo after kumain?” Pagbasag ni Gideon sa katahimikan.
“Ewan ko riyan kay Liyah. Siya may gustong lumabas.”
“Books store.” Maikling sagot ko.
I’ll buy some school supplies for the upcoming school year, and some books to read to pass the time. I’ll buy a sketchbook for my poems too. Maybe one of these days, I’ll write again. Elementary pa ‘ko nang huling nagsulat ng tula.
“Then?” Gideon asked.
Mukhang gusto niyang malaman ang buong plano ko. Plano na wala naman talaga. Pero dahil sa gagang babae na ‘to kailangan gumawa.
“.EO. Department store. Watson. Home.”
“Hindi tayo bibili ng pagkain sa Greenwich for midnight snack?” Sabat ni Thea.
Hindi pa nga kami tapos mag dinner midnight snack na agad ang nasa isip niya.
“Alright.” Sagot ni Gideon bago tumayo para kuhanin ang order namin.
Nang makalayo si Gideon sa gawi namin ay muli kung pinagtuunan ng pansin ang gagang katabi.
“Wala ka pang planong umuwi?”
“Hey! Bakit pinapalayas mo na ‘ko?” Salubong ang kilay nito.
“Namimiss ka na ng kapit bahay niyo. Umuwi ka naman.”
“Tss! Sa ayaw at sa gusto mo sa inyo ako uuwi bukas. Sa isang araw. Sa susunod na araw. Hanggang magpasukan.” Nangalumbaba ito at malambing na ngumiti sa ‘kin. “Wala ka nang magagawa dahil nagsabi na ko kay Mama at Papa. Pati na rin kay Tito Paps!”
Inilapag ni Gideon ang tray na hawak. Bukod sa order namin ni Thea ay marami pa siyang idinagdag. Parang magpapakain siya ng limang tao sa dami ng order niya.
“Pati Papa kong nasa dagat dinamay mo pa!” Singhal ko kay Thea.
“Excited na ‘kong umuwi siya. Hindi ko makakalimutan na sinabihan niya ‘kong pasasalubungan niya ‘ko.” Bakas ang saya sa mukha nito. Feeling anak.
“Uuwian ka niya ng daing na isda na siya mismo ang nang huli at nag bilad.” Ngumisi ako rito nang makitang nawala ang ngiti niya.
Tahimik kaming kumain. Literal na tahimik dahil walang nag uusap. Si Thea na madaldal ay bigla nalang natahimik.
YOU ARE READING
Twisted Red String
RomanceYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
Chapter Five
Start from the beginning
