“Bonchon?” Tanong ko na pareho silang tinignan.
“Gusto mo na ulit sa bonchon?” paninigurado ni Thea sa sagot ko.
“Hindi naman siguro nagbago lasa ng foods nila.”
“Duon nalang tayo, Thea.”
Kinawit ni Thea ang kamay niya sa braso ko. Malaki ang ngiti niya habang nakatingin sa ‘kin. Nagsimula siyang naglakad kaya naman napasunod agad ako. Para siyang koala kung makakapit.
“Moved on ka na talaga!” she looked so happy. “Ichichika ko ‘to kila Yve later.”
Pabiro ko siyang inirapan. Paniguradong mahaba habang chismisan na naman ang mangyayari mamaya.
“Daldal mo.”
Bahagya akong napalingon sa likuran namin. Gideon is walking behind us. Agad siyang napangiti nang makita ang paglingon ko. Binawi ko ang tingin ko sa kaniya.
Anong nginingiti ngiti niya.
“Bakit ang daldal na niyan?” bulong ko kay Thea.
“Baka may nakain na nakakapagpadaldal.” Maloko siyang ngumisi.
Mukhang may kagagahan na naman siyang naiisip. Ang ugali niya talaga'y napakalayo sa kung paano siya manamit. Hindi siya mahinhin. Balasubas ang bibig niya.
“Ano namang pagkain?” Agad siyang natawa dahil sa tanong ko.
Kagagahan na naman.
“Puki ng baboy.” Naitulak ko siya.
Nag init ang pisngi ko dahil sa pinagsasasabi niya. Malalaki ang hakbang kong iniwan siya. Agad naman siyang humabol at lumingkis sa braso. Nakangisi parin siya. Nagmumukha na siyang baliw.
Deretso kaming pumila sa counter ng bonchon. Si Thea ang nasa harapan ko’t nasa likuran naman si Gideon.
“Ano sa inyo?” baling na tanong sa ‘min ni Thea.
“The usual.” Tanging sagot ko.
Alam niya na ‘yun. Honey citrus chicken at k-fries.
“Sa ‘yo, Ross?” Tanong nito sa pinsan na tahimik lang sa likuran ko.
“Maupo na kayo. Ako na mag-order.”
“OK.” Todo ang ngiti ni Thea na agad tumalikod.
Hinila niya ‘ko pero hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan. Babayaran ko ang pagkain ko. I can afford.
Nilabas ko ang pitaka ko. Kumuha agad ako ng five hundred at inabot kay Gideon. He shook his head. He didn’t accept my money. Nilagpasan pa ‘ko nito para makapag order na sa cashier. Did he really ignore me.
Nilingon ko si Thea dahil sa pagkabigla. Wakas naman ang ngiti ng babae. Mukhang inaasahan na nito ang ginawa ni Gideon.
Sa tingin ba niya magpapatalo ako?
Lumapit ako sa ccashier. Hindi pa siya tapos mag order. Basta ko nalang nilapag ang five hundred pesos. Nagmamadali kong hinatak si Thea palayo kay Gideon.
Nang makaupo ay hindi ko parin nilingon ang iniwan naming lalaki.
“Lt ang reaction ni Ross!” tuwang tuwang bulalas ni Thea. She’s really enjoying this.
Hindi ko naman nakita ang reaksyon na ikinatutuwa nito dahil hindi ko na muling tinignan pa si Gideon. Bahala na siya sa reaksyon niya.
“Nakasimangot ang Bebe mo!” hindi parin tapos si Thea. “Dapat hindi ka na nagbigay ng pera. Marami naman nang ipon ‘yan.”
ESTÁS LEYENDO
Twisted Red String
RomanceYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
Chapter Five
Comenzar desde el principio
