"Hush!"


kinaltukan ko silang tatlo ng mag-ingay. Ingay ingay kasi eh, di ko tuloy marinig 'yung pinaguusapan nung mga gunggung na 'yun. Kanina ko pa gustong pumunta doon sakanila at suntukin sila isa isa. Tangna naman kasi eh, naghihirap yung kapatid ko sa loob. Wala pa atang isang araw ng mawala 'yung kapatid kong 'yun pero sobra na ko mag-alala.

mahalaga sakin eh.


"Okay, alam nyo na ang gagawin diba? Kailangang magkaroon ng distraction. Napag-usapan na natin 'yung mga 'yon kaya sana maging matagumpay. Olrayt?"

Nagsitanguan kaming lahat at nagsitayuan na. Nagtanguan muna kami sa isa't isa bago gawin ang mga dapat gawin. Tangina, ang gwapo ko talaga.

-

Diana's POV

"Bakit ba ayaw nyong maniwala sa amin kuyang police?"

"Oo nga! Jombagin kita dyan eh, nasa panganib 'yung buhay ng kaibigan ko!"

"Hush girls." saway samin ni zharm, nakakainis naman kasi 'tong police na 'to! Baka daw nantitrip lang kami at gawa gawa lang lahat ng sinasabi namin.


"Pumili ka. Mamatay o Masunog?"

"Eh kung ikaw kaya patayin ko at sunugin miss?"


sabay sabay naming sinamaan ng tingin 'yung police. Nakakainis talaga! Argh, kanina pa sya. Bakit kasi di nalang samin sumama 'yung lalaking 'yun. Tence ata pangalan? Ay ewan. Di naman kasi nagpapakilala 'yung private investigator ni pao eh. Paano kaya kung mamamatay tao 'yun?


"Pwede na kayong umalis mga miss, nasasayang lang ang oras ko sa inyo."

"Nasasayang ang oras mo? Gusto mo putulin na natin hininga mo?"

"Rence!"

"S-Sir Rence.."

Ayun! Rence pala ang pangalan. Ba't alam nitong mga bruhang 'to? Nakikinig naman ako kanina.

"Ano? Nasasayang lang ang oras mo diba? Asan pala si Yu? Tawagin mo nga, sabihin mo may kailangan uli makulong," nagmamadali namang tumango 'yung bwisit na police, "Y-Yes po.."

binaling naman nya ang tingin sa amin, "Sana diba tinawagan nyo ko."

"Sana diba binigay mo number mo." Sagot naman ni zharm ng natatawa pa, napatawa na rin tuloy kaming lahat.

"Oo nga noh. De bale, nandito nanaman ako. Tara na, pumasok na tayo kotse natext ko nanaman kay Yu ang gagawin. Planado ang lahat, kaya walang problema." tumalikod na sya at nagsimula ng maglakad.

"Sino si yu?" tanong ko. 

lumingon sya sakin at ngumiti, "Someone special,"

- - -

"Kapag lumabas na sila at hawak na si athena, saka lang kayo papasok. Wag muna kayong magpaputok ng baril dahil panigurado ay tatakbo sila agad. Palibutan nyo ang buong bahay kahit saang sulok para di na sila makatakas pa, okay ba 'yun?"

"Yes ma'am!"

"Good."

kinukurot ko sina zharm at Mika. Dahil sa kilig kong di mapigilan. Kinurot din nila ako pero di ko maramdaman ang saki dahil sa patuloy na pagkakilig ko.

"Yu."

"Hoy ikaw, Ong! Kanina pa ko nagtitimpi sayo ah! Kaya mo lang ako sinasama sa mga ganito para ako na ang gumawa ng trabaho m--- Aww!"

"Hihi, kinikilig ako!" pabulong kong sabi kanila mika at zharm sabay ng pagkurot ko sakanila.

"Letse!"

"Bwisit ka!"

kinurot din nila ako pero tila bang para akong manhid. Hays, naiinggi na tuloy ako sa dalawang naglalandian na 'to. Antagal naman kasi dumating ng forever ko eh, tinraffic pa ata.


"Pwede bang sagutin mo na ako?"

"Bakit? Nanliligaw ka ba?"

"Oooh!"

"Hashtag, medyo masakit!"

tinignan kami ni rence pero nagulat ako sa expression nya. Akala ko sasamaan kami ng tingin, pero alam nyo ang ginawa nya? Ngumuso. Ang isip bata naman nito. Nagtawanan kami sa loob ng sasakyan, pinagtutulungan ang nag-iisang lalaki sa loob.


"Bahala nga kayo dyan! Pinagtutulungan nyo ko. Isusumbong ko kayo kay Pao!"


Nagtawanan uli kaming lahat, laptrip naman 'tong lalaking 'toh. Tumayo bigla si rence at lumabas ng kotse, imbis na manahimik kami ay mas lalo lang naming nilakasan ang pagtawa. Tumayo din si.. yu, 'yung someone special ni rence.

"Sandali nga lang, girls. Sundan ko lang 'yung tampururot na 'yon."

"Sure, take your time. Basta , ang bawal ay bawal ah." Natatawang sabi ni Zharm na ikinapula ni yu.

"Crazy people everywhere."


The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now