“Weh?” Bahagya akong natawa dahil sa paninigurong tanong ko.
 

He smiled.
 

“I’m being honest.” Pagsisigurado niya sa pagdududa ko.

 
Nginisihan ko siya. “Bolero!”

 
Nilagpasan ko siya. Agad naman itong humabol at pinagbuksan ako ng sasakyan. Pagkasarado niya ng pinto ay agad kong nilingon si Thea na nasa backseat.
 

“Ang ganda ng height difference niyo.” Natawa ito. “Nung si Wayne ang kasama mo one-inch heels lang ang suot mo magkaheight na kayo.”
 

“Gaga!”

 
Naabutan ni Gideon ang sinabi ko. Kunot ang nuo niyang nakatingin sa ‘kin.

 
“Totoo naman!” pagpapatuloy parin ni Thea. “Buti nalang hiwalay na kayo. Hanap ka nalang ng mas matangkad sa ‘yo. Para kahit naka three-inch heels ka hindi ka magmumukhang Ate niya.” Walang prenong daldal parin nito.
 

Umayos ako sa pagkakaupo. I put my seat belt.
 

“Let’s go?” Tanong ni Gideon na nasa akin ang tingin.
 

Tumango ako. “Tara na. Ang ingay na naman ng pinsan mo. Kailangan na lagyan ng laman ang bibig niya para manahimik.”
 

Thea pulled my hair.

 
“Ouch! Masakit huh!” Angil ko kay Thea.
 

“Thea,” Tawag ni Gideon sa pinsan.

 
As he started driving, I began applying my makeup. I remained silent while doing it. Silang dalawa lang ang nag uusap patungkol sa trabaho ni Gideon sa manila. Nalaman ko tuloy na malapit nang matapos ang leave niya. Tatlong araw nalang ay balik trabaho na siya.
 

Nang matapos mag makeup ay duon ko lang napansin na wala akong dalang panali sa buhok.

 
“May panali ka?” baling ko kay Thea.

 
Tinignan ako nito na parang may mali sa sinabi ko. Hinawi nito ang hanggang balikat na buhok. Nakatingin siya nang hinawakan ‘yun na para bang sinasabi na hindi niya kailangan ng tali.
 

Tahimik na ang dalawa. Busy na si Thea sa cellphone niya. Walang kibo na rin si Gideon. Pero panaka naka ang pagbaling niya sa gawi ko. Nakakaantok ang sobrang katahimikan.
 

Inayos ko ang pouch ng makeup, then I put it on the dashboard. Sinarado ko ang aircon na nakatapat sa ‘kin. Malamig. Walang sleeve ang suot ko at backless pa.
 

Napahinto kami dahil sa stop light.

 
“Giniginaw ka?” Baling ni Gideon sa ‘kin.
 

“Medyo lang. Kaya naman.”

 
Lumingon ito sa likuran kung nasaan si Thea. “Pasuyo nung sweater, Thea.”

Agad 'yun binigay ni Thea. Palihim pa itong kumindat sa 'kin.
 

Inabot niya ‘yun sa ‘kin na agad kong inilingan.

 
 “Tiis ganda.” Nginitian ko ito.

 
“Maganda ka kahit hindi ka magtiis.”
 

Dumukwang ito. Siya na ang naglagay ng sweater sa katawan ko. He placed his sweater around my body like a blanket.
 

Thea cleared her throat.

 
Napaayos ng upo si Gideon. Ginulo nito ang buhok niya. Bago muling pinausad ang sasakyan. Malayo layo pa ang biyahe namin. Kung tatagal pa ang katahimikan ay siguradong matutulog nalang ako.
 

Twisted Red String Where stories live. Discover now