I took my time to take a bath. Mahigit kalahating oras akong naligo. Sinunod ko ang gusto niya. I wore a backless red dress paired with my two-inch heels. May sasakyan naman. Passenger princess naman niya ko mamaya. Sa sasakyan nalang ako mag makeup. Nagblower lang ako ng buhok bago bumaba bitbit ang maliit na bag at pouch ng makeup.
Nadatnan ko si Thea na kakapasok lang. Agad niya ‘kong nginitian nang makita.
“Ang ganda mo.” Pinasadahan niya ako ng tingin.
Nginitian ko si Thea. She’s always like that. Lagi niya akong pinupuri. Sa pananamit ko, sa pagbibigay ko ng thoughts and opinions, sa lahat ng bagay, lagi siyang may pamumuri na sinasabi.
“Ang elegant mong tignan.” Papuri ko rito. I said it not because she praised me, but because it’s true.
She always dresses elegantly, even if it’s just a simple skirt and a pure white shirt she’s wearing. Hindi kami pareho ng taste sa damit, hindi siya mahilig magpakita ng balat. Maliban sa balikat niya. How I love her collarbone. She’s loyal to her non-showy dresses, skirts, plain tops, long sleeves, and off-shoulder tops. Meanwhile, as for me, I wear what ever comes to mind.
Lumapit ako sa kaniya at inayos ang buhok niyang tumatakip sa pisngi niya. Nilagay ko ‘yun sa likuran ng kaniyang tenga.
“Hindi ako magdadala ng car.” Aniya habang hinihila pababa ang umangat kong dress.
Tinignan ko ang suot ko. Looks like I need to change my clothes. Hindi ako magco-commute na ganito ang suot.
Tumango ako sa kaniya. “Magpapalit lang ako. Magmi-makeup na rin ako. Wait mo nalang ako sa sala.”
Umiling ito. Hinila niya ako palabas ng bahay at siya narin ang nag lock.
“May service tayo.” Aniya nang makalabas ng bakuran. “Ta daa!” Turo niya sa black jeep wrangler.
Itsura palang ng labas ay alam ko na kung kanino. Lalo kong nakumpirma na kay Gideon ito nang mula sa driver seat ay lumabas ito. He instantly flashed a smile at me.
He positioned himself in front of me. “Good evening, Madam.”
Napalunok ako dahil sa lapit niya. Lalo kong napansin ang height difference namin. Matangkad na ‘ko pero bahagya lang ang inangat ko sa balikat niya.
Tatlong araw kaming hindi nagkita. Walang nagbago sa itsura niya. He’s wearing his casual outfit. Plain dark gray polo shirt, pants, and a white shoes. Nasa ayos ang pagiging magulo ng taper fade haircut nito. Amoy na amoy din ang panglalaking pabango nito.
“Sa front seat ka, Liyah.” Agad na sumakay si Thea sa backseat. Hindi manlang hinintay ang reaksyon ko.
“Long time no see, Madam.” Napabalik ang tingin ko kay Gideon nang magsalita ito. “You’re not wearing a headband at hindi ka nakapink ngayon.” Pinasadahan niya ‘ko ng tingin.
Suddenly, I felt conscious. Wala akong ayos. Pati ang buhok kong hanggang bewang ay basta lang na nakalugay.
“Hindi ba bagay?” Tanong ko rito.
Ito ang unang beses na nagtanong ako sa ibang tao tungkol sa damit ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta nalang lumabas sa bibig ko ang tanomg na ‘yun.
Umiling ito. “You look… hot.” He look deeply into my eyes.
Bahagya akong nabigla sa papuri niya. Lagi naman akong pinupuri ni Thea pero bakit iba ang dating nung siya na.
YOU ARE READING
Twisted Red String
RomanceYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
Chapter Four
Start from the beginning
