I liked what happened that night. Pero hindi na ‘yun mauulit. Wala akong tiwala sa condom. Ayaw kong mabuntis. Hindi pa ‘ko handa. Hindi ko pa kaya emotionally, mentally, and financially. At higit sa lahat ayaw kong magluwal ng bata na nabuo dahil lang sa init ng katawan. Hindi ako lumaki na buo ang pamilya. Ayaw kong iparanas ‘yun sa magiging anak ko.”
Hinawakan ni Thea ang mukha ko’t hinarap sa kaniya. “Ano na? Mage-expect na ba ‘ko na maging Ninang?”
“No. Huwag kang oa. Gumamit kami ng condom.” Walang paligoy na sagot ko rito.
“Are you sure na walang nabutas?” para akong natapunan ng malamig na tubig dahil sa tanong niya.
Siguro’y nabasa ni Thea ang pagkabahala sa mukha ko. “Wala naman siguro. Oo wala ‘yan.”
Kahit ano pa yatang sabihin niya ay hindi na mawawala ang pago-overthink ko.
“Paano kung meron?” napakagat ako ng labi dahil sa sariling tanong ko.
Kingmother. Paano nga kung meron? Paano ang bata? Paano ko palalakihin ang bata? Wala akong trabaho. Paano ko siya mabubuhay? Should I find a job now? Just in case.
Napahawak siya sa kaniyan nuo. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa topic namin.
Hinawakan niya ang kamay ko. “Tawagan mo si Ross. Tanungin mo siya kung may nabutas ba.” She said it with her serious face.
“Huh!? Gaga ka ba!?” binawi ko ang kamay ko na hawak niya.
Nakakakilabot ang sinasabi niya.
“Sige. Hintayin nalang nating lumaki ‘yang tiyan mo.”
“Iidlip muna ako. Alis tayo mamayang seven.” Tumayo ako. I left her alone.
Pabagsak akong nahiga sa kama. I stare at my ceiling. Thinking what will happen if I get pregnant. Bakit ngayon ko lang naisip. Bakit ngayon pa na tapos na ‘kong bumukaka.
Nilagay ko ang dalawa kong palad sa aking tiyan. Pinakiramdaman ko ‘yun. Paano kung may laman na nga? Paano siya? Mapapalaki ko ba siya na maayos kahit hindi buo ang pamilya? Mararanasan din kaya niya ang mga naranasan ko?
“Kung nandiyan ka na nga. Iingatan kita. Hindi ko alam kung paano maging Nanay dahil wala naman ako nun. Pero iingatan at mamahalin kita katulad kung paano ‘ko ingatan at mahalin si Tito Blake mo. Magpapaka Nanay ako kung paano nagpaka Tatay si Papa sa ‘min.” I took a deep breath. “Kaya ko naman sigurong maging single mom.”
“Liyah, gising.” Ramdam ko ang pag uga nito sa balikat ko. “Liyah, six pm na. Gagayak ka pa.”
Sa lalim nang iniisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Inunat ko ang kamay ko. I’m still sleepy. Gusto ko pang matulog pero ang sama na ng tingin sa ‘kin ni Thea. Nakagayak na siya. She’s wearing a long fitted skirt paired with white off-shoulder top and a heels.
Parang ang sarap niya pa lalong inisin.
Pinikit ko ang mata ko. “Tinatamad akong lumabas. Ikaw nalang kumain sa labas. Mag itlog nalang ako.”
“Tarantado ka ba!?”
Nakapikit parin akong ngumisi. “Thank you po.”
“Maligo ka na, Liyah. Huwag mo ‘kong inisin.” Narinig ko ang mga yapak nito palabas ng kwarto. “Please, don’t wear your baggy pants. Mag dress ka or skirt.” Pahabol nito bago sinara ang pinto.
YOU ARE READING
Twisted Red String
RomanceYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
Chapter Four
Start from the beginning
