I opened my phone and clicked the messenger app. Maraming message ruon kaya naman kailangan ko pang i-type sa search bar ang group chat name namin.
 

 Blazing Buns
 
AaliyAHH!:
Kanino niyo binigay account ko?!?!?”
 
Sexy Steff:
 Nag first move na si Cole?
Sexy Steff:
Or si Marlo?
 
HOTYve:
Pogi ‘yan si Jameson
HOTYve:
Pogi rin ‘yan si Nurse Thim.
 
Theahh!:
Maliban kay Ross, si Zack lang from other block
 

That’s it. I already got the answer I want. Si Thea. Nang maghiwalay kami ni Wayne ay ginawan ako ng dump account ni Steff. She named it Aaliyah Fonta. She didn’t used my whole name and she used my middle name as my last name.
 

I logged out my dump account and login to my main account where I only have less than a hundred friends. Aaliyah Gia Moris. Naka lock ang profile ‘ko and only friends lang ang makakakita ng mga post ko. Walang unread message ruon maliban sa group chat naming lima.
 

Mukhang dito na naman ako maglalagi sa main account. Wala akong kahit isang nireplyan sa mga nag memessage sa ‘kin sa dump account ko. Kaya hanggang ngayon ay iniisip nilang hindi parin ako nakakausad at naipit ako sa traffic. Mga lalaki talaga.
 

I opened our group chat when a new message notif came.
 
 
HOTYve:
 Nomi later! Rito nalang sa  bahay.
 
AaliyAHH!:
Ayaw ko pang mamatay.
 
Sexy Steff:
OA! Pwede bang sakit muna bago mamatay!?
 
Theahh!:
Pass. Masama pakiramdam ko
 
HOTYve:
 Inom ka na agad ng gamot. Mamaya pa naman tayo iinom🥰
 
Theahh!:
Kapag ba uminom ako ng gamot maaalis na masama niyang pinaramdam?
 
Sexy Steff:
 Huwag ka assuming, Thea. NBSB ka! Iinom nalang natin ng Alfonso ‘yan.
 
Theahh!:
 Pakyu ka, @Sexy Steff😘
Theahh!:
Sunduin kita, Babes @AaliyAHH?
 
AaliyAHH!:
Nope. Pass muna ako. Nilalagnat ako
 
HOTYve:
Utot mo, @AaliyAHH!
 

Napailing ako dahil hindi siya naniniwala. That’s not new. Sanay silang lagi akong tumatanggi rati. Binuksan ko ang bag na nasa tabi at kinuhanan ng picture ang mga gamot na binili ni Gideon. It’s a prescribed meds from Doktora Jashieme. Wala na nag reply sa message ko kaya naman binitawan ko na ang phone ko.

 
Inayos ko ang pagkain at sinimulang kainin. One piece chicken, spaghetti, burger, fries, at pineapple juice. Masarap talaga kapag libre.

 
Naubos ko ang rice at chicken pati narin ang spaghetti. Masyado na ‘kong busog para ubusin pa pati ang fries at burger. Niligpit ko ang mga pinagkainan bago tumayo. Kumuha ako ng baso at isang pitcher ng tubig sa ref at agad na bumalik sa sala.

 
Ininom ko ang gamot na reseta.

 
Naka pikit akong sumandal sa sofa para makapag pahinga. I check my temperature using my hand. May sinat parin ako.
 

My phone rang. Hindi ko na tinignan pa ang caller basta ko nalang sinagot. Wala namang nakakaalam ng number ko kundi ang kapatid ko, si Papa, at mga kaibigan.
 

“Mmm?”

 
“Did I disturb your sleep?” boses ‘yun ng lalaki.
 

Hindi ‘yun si Papa o ang nakababata kong kapatid. Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino siya. Boses palang ay alam ko na.
 

Twisted Red String Where stories live. Discover now