Bring It Back (3)

Magsimula sa umpisa
                                    



"Iisa lang ang kwarto?" Napakunot ang noo ni Glaiza.



"Ahm, kasi ano, isa lang talaga yung kwarto and since... magbestfriends tayo, tabi tayong natutulog." Medyo kinakabahan na sabi ni Rhian.



Unti unting tumango nalang si Glaiza. "Uhm, sige. Taas na muna ako."



Tumango nalang din si Rhian at hinayaan ng tumaas ng kwarto si Glaiza.




Napabuntong hininga si Rhian nang ilibot niya ang paningin sa bahay nila ni Glaiza. Bahay na si Glaiza mismo ang pumili para sa kanilang dalawa....





*** FLASHBACK ***




"Tenen!" Glaiza said at tinanggal ang pagkakatakip sa mata ni Rhian.



Kinusot ni Rhian ang mga mata niya para makita ng ayos ang surpresa daw ng kanyang Girlfriend.



"Oh my.... A House?" Gulat na gulat na sabi ni Rhian nang makita yung bahay.


"For us." Glaiza smiled at her. "Nagustuhan mo ba? Ako ang pumili ng design para satin." Ngumiti pa ito lalo na halatang tuwang tuwa.



Napakagat ng labi si Rhian dahil sa sobrang pagkatouch sa mga pakulo ng Girlfriend niya. "Glaiza seryoso ka? Bahay? Para sa ating dalawa?"



"Ayaw mo ba?" Medyo parang nalungkot yung tono ni Glaiza nung tinanong yun.



Hindi sumagot si Rhian. Tiningnan niya si Glaiza at hinawakan ang kamay nito. "Gusto mo talaga akong masolo no?"



Medyo napangiti si Glaiza. "Isa yun sa reasons pero..." Si Glaiza naman ang humawak ng kamay ni Rhian at hinalikan ito. "Gusto ko lang mamuhay na tayong dalawa ng solo. Gusto kong makasama kita lagi kaya... pumili ako ng bahay para sa atin. Para sa ating dalawa lang." Nag-smile ito.



Kinilig si Rhian so napangiti din siya. "Pwede naman tayong magkasamang dalawa lagi kahit hindi ka muna pumili ng bahay for us... I mean, pwede kang pumunta sa condo ko anytime and ganun din ako sayo..."


"Ayoko dun. Walang privacy. Everytime na pumupunta ako sa condo mo, feeling ko may camera na nakatutok sakin. And ayoko naman ng ganon. Ayoko ng issue. Ayokong mapaissue tayo. Gusto ko lang ng privacy. Privacy para sating dalawa. Yung wala tayong iniintindi, na free nating gawin ang kahit na anong gusto nating gawin..." Glaiza smirked.



Natawa si Rhian at sinundot niya ang ilong ni Glaiza. "Ayan ka nanaman ha. Kung anu ano nanaman yang iniisip mo."


"Anoooo? Wala akong sinasabi ha. Ikaw nga diyan Rhian Ramos." Natawa din si Glaiza.



Hinawakan ni Rhian ang pisngi ng Girlfriend niya. "But seriously, thank you for this Lovelove.. I'm so lucky to have you."


RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon